Chapter 3: First Night

2 1 0
                                    

"Pre! Gutom lang yan!" sabi ni Carl.

"Gago." sabi ko

"Jack! Dyan kana sa tabi ni Princess. May katabi na si Laika." sabi ni Carl. Napaka dada talaga. Pero mabait naman tong si Carl. Gwapo. Tropa ko e

Napatingin ako sa katabi ni Laika, si Abi. Nanaman? Sila ba? Hindi na sila naghiwalay ah? Tibo ba tong si Abi? At ito namang si Cal todo titig kay Abi? Hala. Nagayuma ata.


Sino kayang nagluluto ng masasarap na foods na to? Hayyyy siguro si Laika. Nakita ko kasi syang nakaapron kanina. Tinignan ko muna si Laika tapos kumain na ko. Busoooogggg! After lunch nagpahinga na kami Masyado kaming napagod sa byahe. After 6 hours na pagpapahinga naghapunan na kame.

- 1st night

"Guys! Tutal naman anim yung kwarto, magbunutan tayo ng magiging magkasama sa kwarto . Para may thrill. 2 days gagana ang partnership. Okay ba?" sabi ni Laika na ang lakas maka Accounting sa term.

Napatingin ako kay Abi. Hawak nya si Laika tapos nakasimangot. Siguro hindi agree na magkahiwalay sila ni Laika."

Para mainis ko si Abi. Papayag ako."Gusto ko yan! Sige umpisahan na naten." sabi ko. Nagtinginan naman silang lahat saken

"Yung magboyfriend payagan na nating magkasama. Baka kase magkaproblema pa."

Akin si laika. Sana mabunot ko sya. Sabi ko sa sarili ko.

"The boys, kayo nalang ang bumunot." The boys ang tawag ni Laika samen. Ako si Carl, Henry, Renz, at Paul.

Nabunot ni Paul si Abi ! Safe ako. Safe! Yuhuuuuuu

At syempre nabunot ko si LAIKA!!!!!!!!!!! Yes

Lumapit si Laika kay Abi. "Okay ka lang ba Abi?"

"Okay lang ako." sabi ni Abi.

Ngayon ko lang nakinig ang boses nya. Parang may dinadalang problema. Wala kong pake. Hindi ko sya type

"Guys. Kung ayaw nyo a hindi kayo magiging komportable okay lang naman kung---"

"Okay lang saken. " sabi ni Paul tapos tumingin si Laika kay Abi.

"Okay lang din saken." sabi ni Abi

Ano bang meron? Puchaaa!

"Okay. All set for tonight. GoodNight guys! :)"


-

Susunduin ko sana sa kwarto nya si laika para ilipat na yung gamit nya sa kwarto namen ng nakinig kong naguusap sila ni Abi.

"Sure ka bang okay ka lang?" tanong ni laika kay Abi

"Oo naman."

"Sure? If kailangan mo ko puntahan mo lang ako sa kwarto hah?"

"Sige. Salamat."

"Alam ko namang hindi ka pababayaan ni Paul." yan ang sinabi ni LAika na hindi nireplyan ni Abi.

"Oh tahimik kana naman." sabi uli ni Laika.

"Wag mo na kong isipin Laika. Matagal na yon." sabi ni Abi. Alin ang matagal na ?

"Sige sige na. Isang ngiti nga jan." sabi ni laika na parang gusto kong silipin. May kung ano kaseng sumundot sa puso ko dahil gusto kong makitang ngumiti si Abi. Bura bura bura. Hindi ko sya type.

"Magiingat ka kay Jack." Sabi ni Abi. Muntik na ko malaglagan ng isang turnilyo sa utak sa Abi na to. Kairita

Ano? Ako ba yung tinutukoy nya? At bakit naman mgaiingat saken si Laika? Ang babaeng to pinapakulo ang ---

Right Next To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon