Part 1 Si Andrea

275 9 3
                                    

Ewan ko ba naman sa sarili ko kung bakit trip kong makakita ng multo.Curios ako about ghost.Wala pa kasing naeexperience about ghost.Yung mga classmate ko nagkukuwento sila tungkol sa nakakatakot na experience nila tungkol sa multo.Habang nagkukuwento sila takot na takot sila samantala ako tuwang tuwa.Si Grace isa sa mga classmate ko gustong gusto akong sabunutan at sampalin noong nagkuwento siya tungkol sa nakita niyang multo sa isang room sa school namin.Sabi ko kasi sa kanya puntahan namin.Pero nagalit ito at nagsabing magpunta daw akong mag isa doon.Ano ba naman tong si Grace..basagtrip ! Dahil nga sa curios ako sa nakitang multo ni Grace pumunta ako sa room na sinasabi niya.Juskoday ! halos 1 hour yata akong naghintay doon para makita lang ang sinasabi ng bruhang Grace na yun...waley akong nakita ! Wala akong makitang multo.

Minsan naisip ko..ano ba ang hitsura o anyo ng multo?
Si Casper ba ito yung the Friendly Ghost ? Napanood ko ang movie nito.In fairness noong ginawa siyang tao..anguwapo at angcute niya..Si Devon Sawa yata ang gumanap na tao.Sana lahat ng multo kasingguwapo niya....hahaha..wala lang..naisip ko lang !

Napanood ko rin yung pelikulang The Conjuring.Hindi ako natakot sa buong movie.Natakot ako doon sa mukha ng babaeng nagbigti doon sa puno.Ang panget kaya niya tuwing lumalabas at nagpaparamdam tuwing 3:00.Pero in fairness naman..naloka ako doon sa eksenang naglalaro ang mag ina ng hide and clap.Gusto ko yung eksenang ganun pero siyempre si Casper ang kalaro ko...hahaha..parang ewan lang !

Naputol ang iniisip ko nang tawagin ako ng bungangera kong mader."Andrea..lintik na bata ka ! Magtatanghali na hindi ka pa kumikilos dyan.Wala ka bang pasok sa school ?"tanong nito."Ano ba yan pinag iisip mo dyan ?"

Bumangon ako sa sofa."Wala po nay. "sagot ko.

"Maligo ka na !"utos nito.

"Opo nay."sagot ko at tumayo na ako.Dumiretso ako sa kuwarto ko.

Siya si Nanay Gelai...ang nanay kong bungangera..pati yata multo mabubulabog sa bunganga nito...kung magsalita kasi ito daig pa ang loudspeaker sa lakas.

Kinuha ko ang towel ko at nagtuloy sa banyo.Naligo na ako.

Ako pala si Andrea Soriano.16 years old.Interesado sa multo !

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maligo.

Bunganga na naman ni mader ang sumulabong sa akin.
"Pagkatapos mong magbihis kumain ka na nang tanghalian!"pasigaw nito habang nagtuloy akong pumunta ng kuwarto ko.

Mga siguro 20 minutes na pag aayos ay lumabas na ako ng kuwarto at nagtuloy sa lamesa at kumain ng tanghalian.

Panghapon kasi ang klase ko sa school mga 1:00 kaya kailangan kong kumain muna ng lunch bago pumasok.

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush muna ako.Pagkatapos ay isinukbit ko ang aking bagpack sa likuran ko at nagpaalam na ako kay mader.

"Papasok na po ako nay."paalam ko.

"Hetong baon mo."iniabot sa akin ang P50 pesos na nakatupi.

Nanlaki mata ko."P50 lang..bakit !?"tanong ko.

"Tanga !"sabi sa akin ni mader."Bilangin mo nga yan kung magkano ?"utos niya.

Binilang ko yung pera.Dalawang P50 pala..bale P100 pesos ang baon ko.

"Kahit kailan antanga mo !"sabi sa akin ni mader.

Ouch ! Hansakit ! "Eh di ikaw na nanay ang perfect !"sabi ko sabay layas.

Please vote and leave your comment.Abangan ang story ni Andrea at ang kinalaman nang spirit of the coin sa buhay niya.

Spirit of the CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon