Nandito ako sa may harap nang gate ng school namin.Nag iisa at nag iisip kung sino ang nakita ni baklang Sever.Sabi niya isang lalakeng nakahood daw ang nakita nito at pulang pula ang mata.
Hindi kaya adik lang ang nakita nito? At napagtripan lang nang adik na yun doon sa abandonadong kuwarto gumawa nang milagro...ang magshabu.
Malamang ? Baka nga !? Siguro nga !?
"Hoy ! Gabi na hindi ka pa umuuwi ?"si Manong guard.
Nagulat ako sa sigaw nito.
"Uuwi na po ako.May hinihintay lang po ako."pagsisinungaling ko.
Chikahin ko kaya si Manong guard tungkol sa abandonadong kuwarto.
Lumapit ako kay Manong guard.
Nagsalita ako."Manong guard..totoo po ba na may nagmumulto doon sa abandonadong kuwarto ?"tanong ko.
Kumunot ang noo ni Manong guard."Sino naman ang nagsabi sayo nyan ?"tanong din nito.
"Sabi nila."sagot ko.
"Sinong nila ?"tanong ulit nito.
Badtrip naman Manong guard oh..tanong ko sagot ko.
Ibahin ko kaya tanong ko.
"Manong guard may nakikita po ba kayong multo sa may abandonadong kuwarto ?Kasi ang ayon sa balita daw po eh may nagpapakita na multo doon."
sabi ko."Nananakot ka ba ?"banat ni Manong guard.
Toink !
Ang sarap kausap ni Manong guard.Makalayas na nga !
Tatalikod na sana ako para makauwi na nang makabanggo ko ang isang babae.
Nasa mid 20's ang babae.
Mahaba ang buhok.Maputi.Matangos ang ilong.Bilugan ang mga mata.
"Ay sorry po..ate !"depensa ko.Nalaglag sa sahig ang mga folder na dala dala ko.Pinulot ko ito.
"Kung ano man ang binabalak mo huwag mo nang ituloy..LAGIM AT KAMATAYAN lang ang dulot nito sayo at sa mga kasama mo."babala nito.
May sasabihin sana ako kung ano yung balak ko pero nawala bigla ang babae.
Hinanap ko siya sa tingin.Pabaling baling ako pero wala talaga siya.
Saan siya nagpunta ?
Pumara na ako ng jeep at sumakay.
Uuwi na ako nang bahay.
Kung anuman ang sinasabi nang babae sa akin..ito ay malaking palaisipan sa akin.
BINABASA MO ANG
Spirit of the Coin
HorrorSabi nila masama daw tawagin at bulabugin ang mga nanahimik nang kaluluwa.. pero iba si Andrea.Curios si Andrea sa ghost hunting .Kaya naisip nilang limang magkaklase ang maglaro ng Spirit of the Coin sa abandonadong kuwarto sa loob ng school nila.A...