Part 2 Ang Abandonadong Kuwarto

143 7 0
                                    

  Masinag High School

12:30 pm

Pagkababa ko pa lang ng jeep ay agad akong pumasok sa gate ng school namin.Hinanap na nang mga mata ko ang mga bestfriends ko.Nagpunta ako ng waiting shed at nakita ko nga sila doon na nakatambay.

"Bakla!"tawag sa akin ni Severino.Ang nag iisang bakla na kaibigan ko.Sever ang tawag namin sa kanya.

"Akala ko malalate na ako."sabi ko sabay lapag ng bag pack ko sa upuan ng waitingshed.

"Bakit naman ?"tanong ni Grace.

"Naku ..I'm sure kakaisip na naman doon sa nakita mong multo Grace kaya muntik nang malate yan."si Heidi.

Napalingon ako kay Heidi.Nakaponytail ang buhok nito at naglalagay ng face powder sa mukha.

"Paano mo nalaman ?"tanong ko.

"Ikaw pa...eh wala ka nang bukambibig kundi tungkol sa multo doon sa abandonadong kuwarto  na malapit sa room natin."hirit ni Ara sa usapan.

"Oo nga."sagot ni Lanie.

"Girls..interesado ako sa multo.Gusto kong makita yung sinasabi ni Grace..samahan mo ako bakla."sabay baling ko kay Sever.

Umismid si Sever."Ayoko nga.Takot kaya ako sa multo !"sabi nito.

Nagulat ako sa mukha nito.Humagalpak ako ng tawa.

"Bakit ka tumatawa ?"nakaarko ang isang kilay ni bakla.

"Girls..foundation day ba ngayon ?"tanong ko sa mga kaklase ko...kina Grace, Lanie at Ara.

"Bakit ?"sabay nilang natanong.

"Anong nakain ng baklang ito at ang kapal ng foundation sa mukha at ang lipstick..nagbabaga sa pula..hahaha."tawa ko."Nakared lipstick."

Tumahimik si Sever.Halata ang pagkaasar sa mukha.Mukhang napikon yata sa akin.

"Girl."si  Ara."In love ang lola mo kasi pinapansin na siya ng crush niya na si Jerwin."balita nito.Si Jerwin ang escort sa kabilang section na katabi ng room namin.May pagkasuplado kasi ito kaya nagulat ako sa sinabi ni Ara.

"Talaga !?" bulalas ko."Congratulation bakla..pasok ka sa banga..anhaba ng hair mo teng."sabi ko."Pahawak naman."sabay hawak ko sa katawan nito."Ikaw na talaga !"

Umaliwalas na ang mukha ng bakla.Nakangiti na ito ngayon.

"Pero bago yan...dahil sa maganda ka..samahan mo ako doon sa abandonadong kuwarto ha."utos ko kay Sever.

Ngumiwi na ito.

"Sige na girl."lambing na pangungulit ko.

Nakangiwi pa rin ito.

"Treat kita ng ice cream pagkatapos..double dutch ang flavor."sabi ko.

Umayos na ang mukha.Ngumiti na ito."Sige na nga bakla ka !"sabi nito.

Tumunog na ang bell.Hudyat na magsisimula na ang klase.

Sabay sabay na kaming pumunta sa room namin.

6:30 pm

Tumunog na ulit ang bell.Hudyat na magtatapos na ang klase.

Agad na niyaya ko si Sever sa abandonadang kuwarto.

Nagpaalam na sa amin sina Lanie,Ara at Grace.

"Talagang interesado ka na makakita ng multo nuh ?"si Sever habang naglalakad kami papunta doon.

"Oo..girl."sagot ko."Hindi pa kasi ako nakakakita ng ganun."

"Ako rin naman..hindi din."sabi nito.

Nasa tapat na kami ng pinto nang kuwarto.

Medyo madilim dilim na rin.

Binuksan ko ang pinto at agad kaming pumasok doon.

"Nakakatakot naman ang kuwartong ito."bulong ko kay bakla.

"Oo nga.Nakakakilabot.Umalis na kaya tayo dito ?"sabi ni Sever.

"Huwag muna.Hindi ko pa nakikita yung multo."pigil ko.

"Hindi naman siguro magpapakita yun agad agad girl."sabi ni bakla.

Nang biglang nagsara ang pinto nang malakas.Dahilan kaya napatili si Sever.

Kumaripas ng takbo si Sever.Agad binuksan ang pinto ng kuwarto at lumabas ito.

Sinundan ko ito.

"Bakla ! Sandali hintayin mo ako !"sigaw ko.Hinahabol ko ito.

Nang medyo malayo na kami sa abandonadong kuwarto ay huminto na ito.Humihingal.

"Bakit bigla kang tumakbo ?"tanong ko sa kanya.Humihingal din ako.

"Girl ayoko na.Nakita ko ang multo.Nakahood ito ng mahabang puti.Pulang pula ang mata na nakatingin sa ating dalawa."nanginginig itong nagpapaliwanag sa akin.

"Bakit hindi ko nakita ?"tanong ko."Bakit ikaw nakita mo ?"

"Ewan ko girl.Alis na tayo.Umuwi na tayo."sabi nito."Hinding hindi na ako babalik doon."

Umalis na ito at naiwan akong nag iisang nagtataka.

Spirit of the CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon