Chapter Eighteen : Married

1.7K 73 3
                                    


[ Chapter Eighteen | Married ]

[ Axerylle Jadelyn Quervo ]

—10  Y E A R S - L A T E R —

"Axe, makipag divorce kana sabi sa kan'ya."pagpupumilit ni JP sa'kin na ikinainis ko. Nandito kami ngayon sa canteen ng school and it's already lunch break. Hinihintay ko lang na dumating ang asawa ko dahil sa nag cr pa s'ya

Yes! You heard it, Asawa ko as in Husband!!.. Kung e kukwento ko pa ang dahilan kung paano naging kami ay tinatamad ako kaya let's make it simple.. Pinakasalan n'ya ko para daw wala ng ibang lalaki ang makakaagaw sa'kin, s'ya lang daw dapat ang mahal ko. Tsk kacornihan pero somewhat kinilig ako nong sinabi n'ya mismo sa'kin 'yon.

"Please Javier Pajardo layuan mo na'ko!."inis kong asik ng halos mahilo na'ko sa kakayugyog nito sa'kin

"But I'm more handsome than him, I will love you more than he do, I can give you my world."umiiling iling akong napairap sa sinabi n'ya at napatayo

Sorry s'ya, loyal kaya ako sa asawa ko. And I'm grateful nas'ya ang minahal ko

"Sorry but 1million times, Humanap ka nalang ng ibang babaeng iibigin at pakakasalan mo."napabusangot ito at napatayo nadin. "Pero Axe —"naputol ang sasabihin nito ng may biglaang yumakap sa bewang ko

"Ikaw nanaman!!"napangiti ako ng tumama ang hininga nya sa leeg ko dahilan upang makaramdam ako ng kaunting kiliti.

"I've told you!! Stay away from my wife! She's mine, not yours."ramdam ko ang matinding tension ng nasalikod ko dahilan upang magsitinginan sa'min ang ibang mga estudyante habang nanginginig ang mga tuhod

"Paano kung ayoko?, She just marry you dahil napilitan lang si Axe ko!"hindi nagpatinag si Jp at nakikipagtitigan ng masama kay Zue.

P*ktay tayo nito. Huhulaan ko! Wala na naman ako nitong matinong kain dahil sa dalawang 'to, Waaahhhh baka magutom ulit ako

"Te-teka nga! Jp please, layuan mo na kami."napalingon sa'kin si JP at  biglang lumambot ang mukha n'ya. Mas inilapit ako ni Zue sa kan'ya dahil doon.

"Don't ever bother her again, I warning you."banta pa ni Zue bago ako hinigit palayo doon. Napatigil kami sa rooftop at napatingin sa kan'ya ng nakakunot noo

"I've notice this days na hindi ka nakakakain ng matino sa school dahil palagi kaming nag-aaway ni JP so I cook a dish just for you."inilabas nito ang dalawang lunch box sa storage bag nito at napaiwas ng tingin sa'kin

Malapad akong napangiti because i found it cute.

"Thank you."I mouth. Umupo na'ko sa bench dito sa rooftop at ganun din s'ya.

Even if matagal na nong naging kami, marami parin akong hindi alam tungkol sa kan'ya like who's his mother? Pero pag tinatanong ko 'yon halatang hindi s'ya komportable kaya hinayaan ko nalang as long as mahal ko s'ya at mahal n'ya din ako

"Meron bang mali sa mukha ko?."nakangiti akong umiling tyaka s'ya sinubuan ng pagkain sa bibig, ganun din ang ginawa n'ya sa'kin

I even think sometimes na deserve ko ba talaga si Zue? I mean ang sweet n'ya, maalaga, mapagmahal, may sariling negosyo, matalino—as in hindi na nga alam ni ma'am/prof kung sino ang magiging top one sa'ming dalawa eh! and more of that habulin din s'ya ng babae!!! Like now!!!

Sinamaan ko ng tingin ang anim na babaeng nakatago sa pinto ng rooftop habang tumitiling naka focus ang tingin kay Zue. Napansin ba nila ang presensya ko!!!??

Reincarnation: The Prodigy Have It Easy Even In Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon