PROLOGUE

170 5 0
                                    

PROLOGUE:

It’s been five years since I left our country, nakakamiss tuloy. Lalo na ang mga besties ko na mga loka-loka. You’ll meet them a little bit and you’ll gonna love them. They’ve been my friends like for centuries?? Itchoss, mga highschool friends ko sila. Dahil mga ulirang late at busy-busyhan sila, mga isang oras na akong naghihintay sa kanila at halos nakatatlong order na ako ng yin-yang Americano.

“I’m here!” bigla naman akong napatingin sa biglaang napaupo sa aking harapan. “I’m so sorry for being late Hann,” pagsosorry pa niya habang tinatawag ang waiter.

“Masyadong maaga pa nga ang pagdating mo,” banat ko naman sa kanya.

 

Ang babaeng kakadating lang ay ang Architect slash kpopper kong kaibigan. Her name is Luan Gum, 25 years old at NBSB. Naging kaklase ko rin siya nung college but I took different path of my life, lumayo ako sa mundo ng arkitekto.

 Paano ka nga naman magkakaboyfriend kong ang inaasam mo ay kay hirap abutin? She’s been an avid fan of Nam Woohyun of Infinite group. She bases her standards of boys like him, short she wants to marry her. Diyan kami nagkakasundo kasi pareho kaming kpopper.

“Kinakamusta ka ng mga kaklase natin,” sabi nito habang tinatakam ang clubhouse na order niya. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya cause I don’t want to.

“Oh my gosh!” napatingin naman kami ni Luan sa biglaang naghihiyaw sa pintuan.

“She’s still the same Jazmin,” sabi ko kay Luan na ngumiti naman sa akin.

 

That girl approaching our table is our bestfriend, Jazmin Shenmar. Successful single mom, yup, she has a son (a very cute son). Ang ingay-ingay ng babaeng ‘yan but she when she’s serious? Damn! Mabibingi ka sa katahimikan niya. Actually, kaming dalawa ang walang kaseryosohan sa buhay. No matter how tough life is we tends to smile.

Tungkol naman sa lovelife niya? Apparently she still wait for the guy who left her way back 6 years ago. Kapag malaman niyo ang istorya niya naku! Iiyak kayo ng isang balde, promise.

“May nabingwit kana bang Koreano roon sa Korea?” tanong ni Jazmin sa akin.

“Oo, his name is Nam Woohyun,” seryosong sagot ko.

“Katawa joke mo,” pagsusuplada naman ni Luan.

 

Napatawa na lang kami ni Jazmin sa reaksyon niya. Lokohin mo na siya ng lahat wag lang ang agawin ang Namu niya. Patuloy lang kami sa pagchichit-chat tungkol sa buhay nang dumating sina Laine at Fatty. The other members of the desperada’s. Nakapwesto na rin sila sa kanilang upuan at nakaorder.

“Salamat pala sa favor na ginawa mo Hann,” todong pasasalamat ni Laine sa akin kaya silang tatlo sa akin napapatingin.

 

Iyong babaeng nakaupo sa tabi ko is Laine Ferrer, ang kaibigan kong daig pa ang bakla kong makagasta sa kanyang nobyo. I never meet the guy personally, puro photos lang nila ang nakikita ko. Pogi naman si guy pero ayaw na ayaw sa kaniya ng tatlong besties namin , slightly idagdag niyo na rin ako. Actually Laine came from a rich family and she gets everything she wants except for the attention of her family. Kaya medyo naiintindihan ko ang pag-uugali niya towards her boyfriend.

“Bakit mo naman pinagbigyan ang kabaliwan ng babaeng ito?” paninita naman ni Fatty sa akin.

“Mabuti na ang baliw kaysa naman ang perfectionist, kaya walang tumatagal sayo eh,” banat naman ni Laine sa kanya.

“Hep! Girls nasa coffee shop tayo hindi sa boxing ring,” pang-aawat ko naman sa kanila. Mahirap magtalo ang dalawang ito, promise!

 

Ang babaeng kaaway ni Laine ay si Fatty Banzuelo. Our Miss Perfect, the 3b’s (Body, Beauty and Brain) but she’s our Miss Loveless. Masyadong mataas kasi ang standard niya sa lalaki at papalit-palit ng boyfriend.

Those are my friends, my bestfriends, and my sisters. Naging busy man kami, we make it sure that we knew what’s happening to each of us. I want to share with you the stories of “THE GIRLS AROUND ME.”

MAPAPANSIN NA KAYA NI WOOHYUN SI LUAN? O MAY LALAKING MAKAKAPABAGO NG DREAM GUY QUALITIES NIYA?

KAILAN KAYA GIGIVE-UP SI JAZMIN KAKAASA SA PAGBALIK NG LALAKING MINAHAL NIYA NG TODO?

HANGGANG KAILAN NAMAN MAGPAPAKASUGAR-MOMMY SI LAINE SA NOBYO NIYA?

FOREVER NA BA ANG PAGIGING PERFECTIONIST NI FATTY?

© Maicatok. All rights reserved.

GIRLS AROUND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon