KFT 4.

284 13 2
                                    

"Gutom na ako!," reklamo ni Josh.

"Sandali lang, 5 minutes pa.," Sagot ko naman.

Pang 3rd subject na namin ito ngayong araw kaya pagkatapos nito ay lunch break na. May 5 minuto pa kami para magtiis nang gutom namin.

Nang mag dismiss si Sir. Park ay nagpaunahan na kaming lumabas dahil alam naming ubusan nanaman ng pagkain sa canteen. Ayaw namin kumain ng spaghetti no! Tanginang spaghetti yan kinulang sa sauce, ang putla wala ka dugo beh?

Pagkatapos namin makabili ng pagkain ay pumunta na kami sa usual table na inuupuan namin. Nagulat pa kami ng mapansin may taong nakaupo sa lamesa namin. Usually kasi walang umuupo sa lamesa na 'yan dahil alam nilang kami naka-upo riyan.

"Who the fuck is that and why is she breaking our tradition?," Sabi ni Josh.

"Gago kalma, babae 'yan malay mo hindi naman niya alam," Sagot ni Stell. Nagkibit balikat na lang ako.

"Baka, transferee?," Sagot ko.

"I-approach mo nang maayos, bitchesa ka kasi," Hampas ni Stell kay Josh. "Ako na!," Sabi ko.

"Hello, would you mind if we share tables?," Mahinang sabi ko sa babae.

Pagkatalikod niya ay para akong naestatwa dahil ang intimidating ng aura niya, ang cold and kinda creepy? Maski ang tatlo ay hindi nakapag-salita dahil doon.

"Aalis na lang ako," Sambit niya habang nililigpit ang mga pagkain.

"No no! you don't have to,"

"Aalis ako." Matigas at may diin niyang sabi.

"Okay, pasensya na sa abala," Nang walang lingon lingon ay umalis siya sa harap namin.

"That was creepy as fuck, dude kilala niyo ba yun?," Tanong ni Stell pagkaupo niya.

"Hindi nga sabi diba? baka transferee," Sabi ni Pablo habang binubuksan ang sandwich niya.

We are eating and minding our own business then i suddenly felt a vibration coming from my phone. Kinuha ko iyon at tinignan ito.

xxx-xxx-xxx

bakit niyo pina alis

justin

huwag mo silang samahan

hindi mo sila kilala

Here we go again with this bullshit text messages. Mukha ba akong nag iilusyon na lang oh totoo na to?

"Anong mukha yan?," Tanong ni Josh.

"Nag text nanaman yung sinasabi ko sa inyo!,"

"Nasan ba, patingin?,"

Pinakita ko sa kanila ito at kumunot lang ang noo nila. "Pre, sabi ko sayo wag kang hihithit nang kung ano-ano pucha,"

"Ano na naman?,"

"Justin wala nga! Nasan ang message diyan? Wala ngang nakalagay Justin, blank. Blank,"

What the fuck?

"Please, kung pinagtitripan niyo ako itigil niyo na," Sabi ko.

"Dude, nakita mo ba kami may hawak na cellphone ngayon? Kita mong kumakain kami," Sagot ni Pablo.

Inalis ko na sa isip ko ang nangyare at bumalik na lang sa room pagkatapos namin kumain. Naka dalawang subject pa at dismissal na. As usual, sabay sabay ulit kaming lumabas at nag-punta sa sakayan ng jeep.

"Iba daan ko sa inyo ngayon ha? Dadaan pa ako kay papa eh," Sabi ni Josh. Tumango naman kaming lahat.

Nang makapag paalam na ako sa kanila ay sumakay na rin ako ng jeep. Nandon nanaman ang pag vibrate ng phone ko.

xxx-xxx-xxx

7 pm na nasa labas ka pa

lock your doors always justin

you always forget that

im here

with you

always






kentin forever? together. Where stories live. Discover now