KFT 8.

249 15 0
                                    

Tinapos ko ang mga pending assignments at tasks na pasahan bukas. Agad akong dumiretso ng banyo para mag half bath. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto. Chineck ko ang phone ko kung ano nga ba ang pinag uusapan nila.

BASTA GC TO.

josh

inamo eh

hindi ako makaporma kay ella

pablo

tanga kasi pre,

dapat diyan binabakuran mo na

Nang maalala kong hindi nga pala naituloy ni Josh ang sasabihin niya kanina. Agad ko na itong tinanong.

justin

nga pala josh

yung sinasabi mo kanina

paki tuloy nga

josh

alin don?

ang dami kong dinaldal kanina

justin

yung about sa pagkamatay ni ken

josh

fuck jah akala ko ba tapos na tayo rito

pablo

let him, josh

he deserves to know

josh

fuck fine

justin

so what now

Binitawan ko muna ang phone ko dahil nilagay ko sa hanger ang towel na ginamit ko at tsaka sinampay. Ininom ko ang tubig na nakalagay sa mini table ko tsaka ko binasa ang reply ni Josh.

josh

he took his own life jah

he hang himself in front of us

Nang mabasa ko iyon ay agad ko nabitawan ang basong hawak ko dahilan para mabasag ito. Nanlamig ang buong katawan ko at tila ba hindi ako makagalaw sa nabasa.

"Talaga bang maniniwala ka sa kanila?,"

Agad akong napalingon sa boses na narinig ko. "Who are you?," I asked.

"Its ken,"

"Don't be scared,"

"Its alright,"

"I'm just here to help you,"

Para akong mababaliw at naririndi sa mga naririnig ko. Hindi ko alam ang gagawin mas lalong hindi ko alam ang paniniwalaan ko.

"Ano ba talagang kailangan mo?!," Sigaw ko.

Ramdam ko na ang bumubuong luha sa gilid ng mata ko dahil hindi ko na kaya. Bakit nila ako ginugulo.

"Hindi mo sila kaibigan, Justin,"

"They killed me,"

"Please, listen to me first,"

May part sa loob ko na gusto kong maniwala, gusto kong mag-tiwala. Pero may pumipigil sakin. Ano ba talagang meron sayo Ken?

"Josh,"

"Gaya nang sabi ko, lider ng sindikato ang tatay ni Josh. He can easily manipulate people Jah. They involved drugs,"

"Like you, transferee rin ako noon. Sila ang unang kumausap sakin. Sila ang una kong naging kaibigan,"

"Not until, i knew their secret."

Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Basta ang alam ko lang, nandito siya sa paligid. Sa loob ng kwartong to. Nasa tabi ko.

"They were using drugs."

"Nung nalaman nila na alam ko na ginagawa nila, tinakot nila ako. Pinagamit nila ako, pina-try nila ako ng droga Justin."

"At kaya ako nandito its because alam kong isusunod ka nila."

Agad akong napailing. "No way in hell they will gonna do that to me," Sabat ko. "They are my FRIENDS,"

"Hindi ko alam kung paano ako maniniwala sayo Ken, alam kong gusto mo ng justice. Pero hindi ito sapat na ebidensya para lang magalit ako sa kanila."

"Locker ni Josh, nandon ang mga list ng mga biktima niya. Baka pag nakita mong unang una ka sa listahan baka mawala ka sa sarili mo?,"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"I get it youre scared, thats why im here. Im protecting you Justin,"

"Please leave," Nanghihina kong sabi.

"Yes im sorry, matulog ka na,"

Nang maramdaman kong wala na ang lamig ay alam kong umalis na si Ken. Hindi pa maabsorb ng utak ko ang nangyayari at hindi ko alam kung kakayanin ko ba kung totoo ang sinasabi ni Ken.

Malalaman ko bukas.

kentin forever? together. Where stories live. Discover now