The bell rang means uwian na, pero etong teacher namin ay para bang ayaw paawat at bigay todo sa pagtuturo. Habang ang mga estudyante ay nakikita namin sa hallway na naglalakad, kami naman ay inggit na inggit.
Lagi na lang kami late pinapalabas.
Dito niyo na kami patirahin nahiya pa kayo eh.
Agad akong nakaramdam nang hampas galing kay Pablo. "Pre, tignan mo si Josh," Habang tumatawa.
Ayun! Mukhang tanga si Josh na kunwari nakikinig. May nilagay siyang notebook sa harap ng lamesa niya na may nakasulat na "Time Na," Gago ka talaga Josh. Ako man ay pigil na pigil din sa pag-tawa.
We are currently in Grade 11. Transferee ako rito. Buti na lang ay lumapit agad sakin si Josh, Stell at Pablo. Hindi ako nahirapan mag-adjust. Sila ang unang nag approach sakin.
Matapos ang ilang minuto ay agad nang nag-dismiss si Ma'am Solomon. "Wew, overtime nanaman," sabi ni Stell.
"Tange, kailan ka pa ba masasanay? Tuwing tuesday ganyan yan," Sagot ni Pablo habang inaayos ang gamit. "Sabay sabay na tayo sa may sakayan ng jeep ah," Tumango naman kaming lahat.
Saktong paglabas namin ng room ay biglang dumaan si Ella. "Woah!", Sabi ni Josh. "Wala ka pala pre eh, ang torpe amputa," Sulsol naman ni Pablo. "Tanga eh hindi pa nga niyan alam miski pangalan niya pano mag pers mob?," Gatong naman ni Stell.
"Sige lang, makakausap ko rin yan," Sabi ni Joshn.
"Sige boi, sa panaginip," sagot ni Pablo at akmang babatukan ito nang sitahin kami ni ma'am Solomon.
"Ano pang ginagawa niyo riyan sa pinto?," Sambit nito.
"Ma'am ano po napapala niyo sa pag over-time?," Sagot ni Josh. Nagulat kaming tatlo sa sinabi neto at nagpipigil kami ng tawa. Bago pa man makasagot si Ma'am ay inunahan na agad 'to ni Josh. "Syempre Ma'am yung dagdag kaalaman diba po?,"
Mukhang tanga si Josh. Nilayasan lang tuloy kami ni Ma'am. "Gago ka talaga pre, kabado bente ako ron,"
"Tara na gago magdidilim na!," Aya ni Stell. Nang makalabas na kami sa school ay pumunta na kami sa sakayan ng jeep. Doon na kami maghihiwalay-hiwalay. Iba kasi yung daan nila samin.
Nang nandyan na yung jeep ay nag paalam na ako sa kanila, "Sige pre, bukas na lang ulit," Kinawayan ko pa sila bago sumakay.
Nang makaupo na ako ay pumikit muna ako. Doon ko naramdaman ang pagod ng katawan ko. Biglang nag vibrate ang phone ko. May nag-text.
xxx-xxx-xxx
Lumayo ka na sa kanila. Hindi ka nila kaibigan.

YOU ARE READING
kentin forever? together.
Cerita Pendek"Do you trust me?," "Yes, Ken i do." A short fanfic.