Two

5 1 0
                                    

Nasa kwarto na ngayun si Shine at hinahanap sa computer kung may natanggap na ba siyang email.

Nagbabaka sakaling natabanun lang ang email na iyon sa pinakailalim.

Natatakot siya na baka hindi siya nakapasa dahil nagapply siya ng scholarship sa tanyag na paaralan. Isa iyon sa pinakasikat na paaaralan na pangarap niyang makapasok.

Well, she tried her best to get a scholarship in UG university.

Napabuntong hininga siya at kinuha ang cellphone at saktong may nagtext

Tinignan niya ang nagtext, isa sa mga kaibigan niya sa matagal na panahon, yung tipong magbestfriend na kayo.

You have a text from Sky.

Binuksan niya ang text nito at binasa.

Hi Shine! Well, Any news about the
school you're aiming for?

Not yet I'm still waiting for announcement.
Maybe i failed after all?

But if you failed we'll be in the
same school again. Well then
keep me updated okay?

Isa ito sa laging nagtetext o laging nagtatanong sa kaniya kung ano ang update niya sa buhay buhay.

Pareho lang kasi sila ng pangarap sa buhay at iyon ay makapagpatayo ng sariling cake shop. Kaya siya nagaapply sa university na iyon dahil kilala iyon sa mga magagaling at kilalang mga guro na isa ding mga tanyag sa kanilang mga larangan.

Kaya gustong gusto niya doong makapag-aral dahil baka sa dami niyang natutunan makapagpatayo na rin siya ng sariling cake shop.

Dahil sa naisip humarap ulit siya sa computer at naghanap ng idea sa paggagawa ng cake.

Naghanap siya sa youtube at sobrang dami niyang nakitang iba't ibang design na ang gaganda at mukhang masasarap.

May iba naman na simple lang pero gusto niya kasi yung makulay yung tipong pati mata ng makakakita mabubusog na agad.

Nagbrowse pa siya ng nagbrowse makahanap lang ng papatok sa paningin niya.

May nakita siyang isa at pinanood iyon. Sinulat pa talaga niya ang ibang ingredients na kakailanganin. Baka sakaling magaya niya ito kapag wala siyang ginagawa.

Ganun kasi ang routine niya, kapag walang sinasabi sa kaniya ang boss niya tungkol sa paglelead ng tour guide ay pagbabake ang pinagkakaabalahan niya.

Minsan nga ng pumunta ang ina niya para kamustahin siya ay sakto namang kakatapos niya lang magbake nun. Pinatikim niya ito sa ina at para itong hinile sa langit dahil sa reaksyon nito.

Natawa siya dahil sa reaksyon nito, nagpapasalamat din siya dahil natutunan niya ang pagbabake sa kaniyang ama na wala na ngayun sa mundo.

Malaki talaga ang pasasalamat niya dahil bago pa ito umalis, tinuro talaga nito sa kaniya ang tamang pagbabake. Gustong gusto niya sa tuwing tinuturuan siya nito dahil parang experto na ito sa ginagawa.

May maliit kasi silang bake shop nun at wala pang gaanong nabili. Kaya simula nun pinangako niya sa sarili na mag-aaral siya ng pagbabake at magtatayo ng madaming branch ng bake shop niya.

Ang ama niya ang gagawin niyang inspirasyon para sa pangarap nito at sa pangarap niya.

Pinagpatuloy niya ang panonood at paghahanap ng cake pero wala pa siya sa kalagitnaan ng may makita siyang article.

The Legendary Bakery finally closed, it will be in Tenth Generation.

She smiled sadly. Closed na ang kilalang bakery dahil sa sobrang daming nagapply.

She cheer up herself dahil may susunod pa naman o baka may iba pang bakery na tatanggap sa kakayahan niya.

Aalis sana siya para kumuha ng maiinom ng may mahagip ang mata niya. Nanlaki pa ang mata niya at sinigurado na ang UG University na email ang natanggap niya. Nilapit niya ang mukha sa computer at napatili sa nakita.

*KYAAAHHHHHH

Nakarinig siya ng maraming yabag pero hindi niya iyon pinansin. Nagtatatalon pa siya sa kama dahil sa sobrang saya.

Yes! Nagemail na sakin ang school pero paano kung dahil sa hindi siya nakapasa, tsaka lang ito nagsend sa kaniya ng email.

Nalungkot siya sa naisip at tumigil na sa ginagawa niyang pag talon.

Umupo ulit siya sa upuan sa harap ng computer niya at binuksan iyon.

Nakapikit pa ang isa niyang mata habang ang isa naman ay nakadilat at tinitignan ang resulta.

Binasa niya ang email pero ang pumasok lang sa utak niya ay "Congratulations, you entered and got a scholarship to UG university school"

Nagsasayaw pa siya sa tuwa, pati ang alaga niyang pusa nahagis pa niya sa sobrang saya.







-----------------------------------------------------------
Pati pusa na walang kamuwang muwang na nangyayari sa kaniya nadamay pa. 🙄😉😅

|MoreOverGirl|

FAKEWhere stories live. Discover now