Chapter 2

7 0 0
                                    

Yzabella's POV


Dinaig ko pa ang tumakbo ng malayo sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko o kaya naman para akong uminom ng dalawang tasa ng kape dahilan para magka palpitations ako. Hindi ko maitago sa sarili ko na nagulat ako sa biglaang pagyakap sakin ni Brylle. Oo, hindi ito yung first time na may yumakap sakin na pasyente ko, pero iba naman kapag ganito kagwapo at kabango ang yumakap sayo. Wait... Whaaaat?


Inalis ko sa isipan ko yung yakap na yon at hindi na binigyan pa ng kung ano pang kahulugan. Papasok na sana ako sa office ko ng may biglang tumawag sakin.


"Hep! Hep! Hep! Yzaabellaaa! Sino yon ah?! May boyfriend ka na ba at tinatago mo lang samin ng Mama Jessie mo at ng Tito Louie mo? Nakuu! Sino yun ah?! Bakit may pagyakap?"


My ghaad! Nakita pala yon ni Tita. Nakakahiya naman baka nakita niya kung paano ako nag react kanina. Hinila niya ako papasok sa opisina ko at agad sinarado ang pinto.


"Haay naku Tita! Boyfriend agad? Alam mo naman na tatlo na nga lang tayo sa bahay no tapos magagawa ko pa bang maglihim sa inyo ni Mama? No. Hindi ko po siya boyfriend, siya po yung pasyente ko kanina. Siguro very thankful lang po siya kaya ganun ang naging way niya." Ginalingan ko sa pagpapaliwanag para mas maniwala si Tita sakin, which is totoo naman talaga.


Umupo ako sa office table ko at humarap sa tablet ko para lagyan ng ekis sign ang pangalang Beatrice Villa.


"In fairness ah! Ang gwapong bata naman non. Parang bagay kayo. Chikahin mo nga minsan yon sa susunod na session niyo, itanong mo kung may girlfriend na ba siya, para kung wala, irereto kita." Mukha pang naeexcite si Tita Ellaine sa mga sinabi niya.


"Tita, alam mo naman na ayaw ko no. Lalo na kapag pasyente." Saad ko.


"Why not? Kung ganun naman kagwapo diba? Mukhang ang bait bait niya pa at gentleman." Hindi ito ang unang beses na na-excite si Tita pagdating sa mga ganitong usapan. Minsan kasi kapag may natipuhan siyang mga kapwa namin Doctor or Nurse or kahit Intern palang, ay nirereto ako agad which is hindi ko naman na binigyan ng panahon. Alam ko namang aasa lang yung tao lalo na kung di ko naman talaga siya gusto.


"Wala sa itsura yan Tita. Maganda kung ready na ako 'no saka ako makikipag relasyon."


"Ano palang pangalan non?"


"Beatrice Villa." Sagot ko sa tanong ni Tita na halata namang naguluhan siya.


"Eh? Beatrice ba kamo? Diba pangbabae yon?" Gusto ko ng matawa sa naging reaksyon ni Tita. Kinamot niya pa ang ulo niya na halatang naguluhan sa sinabi ko.


"Bakla ba siya?"


"Hahahahaha!" Hindi ko na mapigilan ang pagtawa. Dahil katulad ni Tita, parehas lang din kami ng unang naisip.


"Hindi po Tita." Mabilis kong sabi ng makabawi matapos ang pagtawa.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My PsychologistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon