Yzabella's POV
"A-amm sorry Sir?"
Hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Gusto ko sana itanong kung bakit Beatrice Villa ang pangalan niya, kung bakla ba siya o transgender? Ang kaso nakakahiya naman at baka isipin niya na hinuhusgahan ko siya at baka ma-offend pa siya sa mga sasabihin ko. I remain silent as I said sorry with a confusing face.
"No. Don't be sorry. It's my fault to use my mother's name just to have an appointment with you."
Naguguluhan man pero nakahinga ako nang maluwag ng malaman na pangalan pala ng nanay niya yon. But why? Pwede niya naman sigurong gamitin ang sariling pangalan niya, bakit ginamit niya pa yung sa nanay niya. Unless nalang kung may pinagtataguan siya or may malalim pa na rason.
"Hehehe it's okay Sir. Medyo nagulat lang ako. What should I call you then, Sir? If you don't mind."
"Just call me Brylle." sabi niya habang nakangiti.
"Brylle. What a nice name of yours. Let's take a sit, Mr. Brylle." Nagsimula na ako pumunta sa mini living room ng aking office. Niyaya ko siya umupo sa two seater sofa na katapat ko lang.
1 year ago ng mag request ako kay Tito Louie at Tita Ellaine kung pwede bang maging isa nalang yung office ko at kung saan ko ginagawa ang session ko per client or patient. Ako rin ang nag-isip na gawing black and white ang theme para maaliwalas tignan, at naglagay din ako ng mga maliliit na indoor plants sa gilid ng bintana. More relaxing kasi kapag ganon.
"Cut the Mister. Mukhang hindi naman nagkakalayo ang age natin Doc Yzabella."
Nagulat ako sa tugon niya. Hindi kasi ako sanay na tawagin ako by my whole name. Mostly na kilala ko ay Bella nalang ang tawag sakin. Napako naman ang tingin ko sa kamay ni Brylle na ngayon ay nanginginig.
"Nice to meet you Brylle." Nginitian ko siya para naman mabawasan ang tension na nararamdaman niya.
"Gusto mo ba munang mapag-isa? I can give you time para mag relax muna at mag ready. Just tell me whenever you're ready."
"Uhhmm yees? A-aah N-no. Yes tama, no." Nauutal na sabi niya.
Normal naman na kabahan ang isang tao lalo na kung first session palang nila. Dito ang goal lang naman namin is 'getting-to-know-each-other' at kailangan makuha ko yung tiwala niya.
"I-im fine with this. Medyo nakakahiya lang ata na ginamit ko ang pangalan ng mama ko. Sorry I know you made conclusion with your head. Baka ang weird para sayo."
Medyo hindi ata ako magaling sa pagtatago ng feelings ko kanina. Nahalata niya kaya na iniisip ko na baka bakla siya?
"Kaya ko lang naman yon nagawa is because, uhmm you know, people always sees man as a strong person." Pagkasabi niya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Nahihiya siya sa kanyang rason.

BINABASA MO ANG
My Psychologist
Mystère / ThrillerA woman named Yzabella Santos who dreams to be a psychologist to help other people fix the knots inside their brain. She believes that everything happens for a reason. The only way to get out of the confusions you have is to share and express yourse...