Chapter 3

116 4 0
                                    

"Thank you all, please enjoy the night!" Sambit ni Hannah bago kami gumayak papuntang sala.

Hindi pa rin magkamayaw ang puso ko sa nangyare kanina. Bea, ano ba? Like na agad? Unang kita pa lang? Tsaka matanda na yun. Ungot ko sa sarili ko.

Eh ano naman? Kaya nga may katagang "Age doesn't matter" diba?

Mahina kong binigwasan ang sarili ko. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. This is not me, really!

"B, what do want us to do first? Total birthday ko naman, let's enjoy this night! Tinawagan ko na rin sila tito at pumayag sila na mag overnight ka ngayon dito. Isn't that exciting?" Mahabang linaya ni Hannah sa akin.

First of all di pa ako nakakarcover sa nangyare kanina ngayon naman parang natigalgal ako.
"What? Are you serious? Pinayagan talaga ako!?"
Hindi kasi ako pinapayagan ng mga parents ko mag-overnight kahit pa sa mga pinsan ko. So, I am a bit surprised na napapayag sila ni Hannah.

Oh my God! This is the first time!

"Oo nga te! Tara na! Ano kayang magandang gawin?"

"Eat while watching?" Suhestiyon ko sakanya. Mahilig talaga akong kumain habang nanunuod. That is my everyday routine kapag hindi busy sa mga school activities.

"Good idea!" " Sige na, ako na bahala sa mga foods. Ikaw na sa mga drinks, okay? And please, bring some wine." Malambing na sabi nito sa akin kasabay ng nakakalokong ngiti. Umiling na lang ako at nagsimula na akong pumunta sa kitchen nila kung saan nakalagay ang ref para kumuha ng iba't ibang inumin.

Pagkatapos kong kumuha ng mga inumin. Nakita ko ang mga wine sa bar counter nila.

Alam ko na ang nasa isip ni  Hannah. Noon pa man, isa na sa pangarap naming gawin ang umubos ng isang boteng wine. Ewan ko ba? Ang babaw namin.

Natawa na lang ako habang naisipang kumuha na ng isang bote. Only for tonight, mom and dad!

Habang pumipili ng maiinom na wine, hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko. Tumikhim ito bago magsalita.

"Aren't you too young for a wine?" Nangatog ang tuhod ko sa lamig at baritono niyang boses. Hindi ko alam ang isasagot ko. Think, Bea, think!

Lumingon ako para tignan siya. Prente siyang nakasandal sa table habang hawak ang isang beer na kabubukas lang. Kumuha ba siya ng beer siya ref nang di ko napapansin? O masyado akong excited sa wine para di man lang siya mapansin?

"U-hm, sorry kuya." Bahagya akong ngumiti upang matago ko ang kabang nararamdaman. Naghahanap ako ng pwede kong mairason pero wala talaga. Argh!

"Oh dude, andito ka pala." Napatingin ako sa nagsalita na si kuya Allyson. Omg! Thanks God! You just save my ass off kuya. Abala itong nakatingin kay kuya Reevo (short for Reevaughn) na nakatingin pa rin sa akin. Napansin siguro ni kuya Allyson ang prenteng pagtingin ni kuya Reevo sa akin dahil hindi man lang siya nito pinansin.

Agad lumipat ang tingin ni kuya Allyson sa akin. Nagulat siya base sa reaksyon nito pero agad ding nakabawi.

"Nandito ka rin pala, Bea. What are you doing here?" Papalit palit ang tingin nito sa amin ni kuya Reevo. Nagtataka siguro kung bakit nandito ako kasama siya.

"Ah kuya, kukuha sana ako ng wine. Balak sana naming tumikim ni Hannah. This is her idea." Sabi ko na may ngiting pag aalinlangan.

"I knew it. How about you, brother?" Baling ni kuya Allyson kay kuya Reevo. Sa puntong ito, lumipat na ang tingin ni kuya Reevo kay kuya Allyson.

"Nothing." Seryosong usal ni kuya Reevo bago bumalik sa veranda. Yun lang? Nothing daw eh kanina pinagbabawalan ako. Tsk! Ang tipid niya namang magsalita. But, I find it hot!

Natigil lang ang pagpapantasya ko kay kuya Reevo nang biglang magsalita si kuya Allyson.

"I'll let this slide, B, since birthday naman ni Hannah but promise me na isang bote lang and you two are not yet allowed to drink hard liquors without our permission. Understand?" Tumango na lang ako bilang sagot at pumanhik na sa second floor kung nasaan ang room ni Hannah.

Akala ko ay wala siya sa kwarto niya nang pumasok ako. Yun pala ay nasa banyo ito, malamang ay nagpapalit ito ng mas kumportableng damit. Naka-cocktail dress kasi ito kanina.

Wala akong dalang damit pantulog pero alam ko namang pahihiramin ako ng bestfriend ko. Perks of having a bestfriend that has a same body size as mine.

Nanghihina akong napahiga sa kama ni Hannah pagkatapos kong ilapag ang mga inumin. Bakit ba kasi ako pa ang inassign niya sa pagkuha ng mga inumin?

"What took you so long, B?" Pukaw ng atensyon sa akin ni Hannah. Kakalabas niya lang ng CR, pansin ko ring nakabihis na ito.

"Sa sobrang tagal mo, nakaligo na ako. Sayang ang oras! Kanina pa sana tayo lasing!" Sabay halakhak nito. Kung pwede lang bigwasan 'to eh. Natawa na lang din ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang sabihin ang nangyari kanina dahil paniguradong tutuksuhin ako nito.

Sa buong oras na naginuman, nagkwentuhan, nanuod at nagtawanan kami ni Hannah, hindi pa rin ako kumportable. Alam ko kasing nasa ibaba lang sila. Naririnig ko pa rin ang mga halakhak nila. Hindi pa ba sila tapos? Lasing na kaya siya?

Ipinagkibit balikat ko na lang. This kind of night is once in a blue moon so I should make this night a memorable one.

Just like what we want, our night went well. Natapos namin ang movie kasabay ng pag ubos namin sa wine. I felt so dizzy. Hindi ko na nagawang magpalit at mag half bath. Nakatulog na rin si Hannah sa tabi ko dala siguro ng pagkahilo dahil nga first time naming magwine.

Hindi naman kami malalasing sa wine kaya paniguradong nahilo lang 'to. Wala na rin akong naririnig sa baba. Siguro ay umuwi na sila?
Tumabi ako kay Hannah at sa pagpikit ng aking mga mata, I saw him. I saw Reevo.

Akala ko sa wine lang ako natamaan, pati pala sayo?

Corny!

For now, keep your feelings lowkey, B

Admiring YouWhere stories live. Discover now