ISANG buwan na ang nakalipas pero naaalala ko pa rin siya. Ako kaya? Naaalala niya pa? Anong ginagawa niya ngayon? Is he busy? Does he already have a girlfriend? Magkikita pa ba kami?
Hay naku! Why can't I stop thinking about him!? One month has passed. I kept myself busy para hindi siya sumagi sa isip ko pero walang effect. Kung hindi siya sumasagi sa isip ko, dumadalaw naman siya sa panginip ko. Infatuation lang ito. Right? No! This can't be! Siguro, napogian lang talaga ako.
Tumango tango ako bilang pagsang-ayon sa naisip ko. Yes! Wala lang yun, baka kasi masyado lang akong humanga sakanya at sa taglay niyang pisikal na kaanyuan. Oo! Ganun nga."Hoy, sissy! Why are nodding like an idiot? Wala ka namang kausap diyan ah!" Pagpukaw ni Hannah ng atensyon sa akin. Sa mukha niya pa lang, I know she is so confused of what am I thinking.
"Ha? W-ala lang 'to. So, again. What are we talking about?" Pag-iiba ko ng topic para hindi na siya magtanong pa. Alangan namang sabihin ko na I'm thinking about that guy, Reevaughn. No! Never!
"Hmm, so ayun nga. I was just thinking maybe we can hangout sa bahay after our last class today?" Matagal tagal na rin kasi nung huli akong bumisita sa kanila. These days kasi masyado kaming naging busy dahil papalapit na mag-end ang school year. We need to pass some requirements since we are graduating students.
"Okay, sure. Magpaalam ako. Total, we're free naman na. Tapos na rin naman tayong magpass ng mga kinakailangan." Ngiting tugon ko kay Hannah. Mas lumawak naman ang ngiti niya. I texted my mom right away to ask if it's okay if dumiretso ako kela Hannah para magmiryenda. Close kami ni mom so I know papayagan niya ako.
Mom: Okay dear. Just be home early. Alam mo naman si dad, okay? Take care! I love you.
After our class, hinatak na agad ako ni Hannah palabas ng classroom. Hmm, why do I feel na she is so excited to go home? Magmimiryenda lang naman kami diba?
"Hey, Hannah! Slow down!" Pigil ko sa kanya dahil hinihingal na ako sa kakatakbo. Nginitian niya lamang ako. Kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan, kanina ko pa to binatukan eh.
Nang makalabas kami ng gate, agad kaming pumasok sa service car nila Hannah. Medyo na-haggard ako sa pagtakbo ha!
After 10 mins of driving, we're finally here at their house.
Napansin ko na parang ang dami naman nilang sasakyan. The last time I checked, they have 4 cars in total at ang isa dun ay van. I didn't know na puro sports car pala ang pagmamay-ari nila? One of those is my favorite! Gosh! Sakanila ba ito? That's Bugatti La Voiture Noire! That's insane! I cannot!
Manghang mangha ako sa mga nakikita ko. Even if I want to ask Hannah, kinibit balikat ko na lamang ito. Of ourse, they can afford cars like that. Di hamak naman na mas mayaman sila kaysa sa amin. She aint a Cuartel for nothing!
Pagkaapak ko pa lang ng aking mga paa sa main entrance ng kanilang bahay, nakarinig na kami ng mga tawanan. Probably, nasa may dining area sila.
My heart started beating really fast. You gotta be kidding me! Why do I feel so nervous? Keep your shit together, Bea! He is nothing, okay? Crush mo lang naman eh! Tsaka malay mo hindi pala siya kasama.
Nakangiting lumapit sa akin si Hannah. Pansin niya rin ata ang pagkashock ko dahil nandito ang mga kaibigan ni kuya Allyson.
"Surprise, my friend! They're here!" Bulong nito sa akin na may halong kilig.
Nagpanggap na lamang ako na parang wala akong pakialam.
"As if I care, Hannah. Ikaw lang naman ang may crush dun." Dahil doon, nakatanggap ako ng irap galing sa kanya."Kuya!" Tawag pansin ni Hannah kay kuya Allyson. Nakayuko lamang ako dahil alam kong sa oras na tumingin ako sa direksyon nila, siya ang hahanapin ng mga mata ko. So, it is safe to stay like this. I don't wanna see his eyes. I don't wanna fall even harder.
Para naman hindi ako magmukhang tanga, inatupag ko na lang ang sarili ko sa pagdutdot ng aking cellphone. Kunwari na lamang ay busy ako sa kung ano. But the truth is, wala akong data! Hindi man lang ako makapag-facebook! Argh! Kunwari na lamang ay may katext ako kahit wala naman talaga.
"Great! You're already here. Here. Ito na lahat ng pinabili mo. Your favorite snacks from Jollibee."
"Oh no! Actually kuya, that's Bea's all time favorite. Mine is Mcdo, remember? But still, love ko na rin yan since it is my bestfriend's favorite snack." Inakbayan ako ni Hannah kaya napataas ako ng ulo. Dumapo naman agad ang paningin ko sa iisang tao. He's here!
Sa takot na baka mapatagal ang pagtitig ko sakanya, agad ko itong inilihis. Ayokong malaman niya. Baka mabasa niya kung ano itong nararamdaman ko. This is so new to me. This kind of feeling is making me feel uncomfortable at the same time happy?
"A-h hehe, t-hat's right kuya. By the way, if you'll excuse me, magrerestroom lang po ako" Tugon ko with an awkward smile. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kinaya ang atmosphere doon.
His eyes. After a month.
Ang mga mata nito.
Wala pa ring nagbago.
Mas lalo niya lang binabaliw ang puso't isip ko.Ano ba itong pinasok ko?
YOU ARE READING
Admiring You
RomanceThere's this one man, I admire... from a distance. Secretly adoring and viewing him from afar just like how I like staring at the stars; so beautiful to look at, yet so hard to reach. Hanggang nakaw tingin lang ang kaya ko. I am a teenager girl who...