Chapter forty-six - variety show?

213 7 11
                                    

DWS --- [ 46 ]

------------------------------------------------------

 ( Nikki's POV )

this is the day. ngayon makikita na ng lahat ang aking talent. matagal ko tong pinaghandaan. sana lang walang umepal.

"Nikki have you seen Tristan? hindi pa kasi naaayos yung program para sa teachers eeh."

"Geena muka ba kong hanapan ng nawawalang Primate?"

"eeh kasi nakita ko kayo kanina na sabay pumasok eeh. malay mo may nabanggit siya sayo kung san punta niya."

kapag sabay ba ibig sabihin nag-uusap na agad?

hindi ba pwedeng nilibre lang niya ko ng pamasahe?

Oo! tama kayo ng basa!

first time yun no!

isa sa pinakakuripot na taong nakilala ko yun pero akalain mong nilibre ako?

miracle right? so unbelievable. 

"Ooh sige Nikki. basta kapag nakita mo pakisabi pumunta sa room naten. salamat."

hindi na ko sumagot at naglakad na paalis.

masaya ako. masaya ako. masaya AKO!!!!!!

 please lang wag niyong sisirain ang araw ko! >___<

I walked on the hallways habang nakikinig na naman sa mga kantang ipeperform mamaya.

"Hay. namimiss ko na agad ang piano ko. dadating kaya sila Cassie mamaya? nae-excite akong ipakilala ang lukalukang yun kay Ella. malamang magkakasundo yun parehong baliw."

I walked and walked hanggang makarating ako sa may gymnasium.

maraming tao kasi dito daw gaganapin yung variety show mamaya.

nagdire-diretso lang ako hanggang sa backstage.

mas maraming tao sa backstage. yung iba nag-aayos na ng mga kolorete nila para mamaya.

"Ate Nikki. what time ka po mag-aayos?" sabi ni Ella sabay cling sa braso ko. =__=

" I think ..... anong oras ba magsisimula mamaya?"

"Hhmmm sabi kanina ni Nicole before 6pm daw dapat ayos na tayo so maybe 6pm ang start ng show."

"aah sige then I'll be preparing myself 15 minutes before the show starts."

"ha? seryoso ka Nikki? baka kapusin ka ng oras?"

I just gave her a deadly glare. 

"You don't believe in me?"

"Of course I believe in you. pero sure ka talaga aah."

"Just look at me after my preparation."

tumalikod na ako at nagpunta sa stage. umupo ako sa piano ko at ready ng tumugtog ng may marinig kaming isang napakalakas na kalabog sa stage.

nagsitakbuhan silang lahat palabas at saka nagsigawan.

"Si Pamela. nalaglag si Pamela."

hindi ko alam pero napatakbo nalang din ako palabas at agad agad na hinawi ang mga tao at lumapit kay Pamela.

"Pamela." saka ko inangat ang ulo niya. pinatong ko yun sa braso ko. "Pamela. ayos ka lang ba?"

Devil wears SLIPPERS ?? [ |on-go¡ng| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon