Chapter 2
| Aj's POV |
Pagmulat ko ng mata ay nagulat ako sa aking natatanaw. Grabe ang ganda. Ganto pala ang siyudad. Tama nga ang sinabi ng mga kaibigan ko tungkol dito, mga naglalakihang building, sangkatutak na sasakyan at mga taong naglalakad na animo may kanya-kanyang patutunguhan. Tinitingnan ko palang sila mukhang maliligaw ako dito kun di mo kabisado ang mga lugar dito. Malawak ika nga.
Pagkatapos ng mahigit siyam na oras ay nakarating na din ang terminal. Di pa tumitigil ang bus ay kinakabahan na ako. Ano kaya ang tatahakin king buhay dito? Iniisip ko palang pinagpapawisan nako.
"Ano bunso kamusta biyahe mo?" bungad sakin ni kuya jhay saka kuha ng gamit ko."
"Ok lang naman kuya, nakakapagod lang sa kakaupo" pagiinat kong sabi. Sa haba kasi ng biyahe nakatulog ako, ng natulog ng natulog. Ayan pati mga stop-over eh tulog ako. Gutom tuloy ako ._.
"Hahaha ganyan talaga bunso, sinasanay palang ng katawan mo eh. tara at kumain muna tayo bago pumunta sa tutuluyan natin."
"Sige kuya" sambit ko nalang.
Panay sunod lang ako sa kanya. Eh paano ba naman baka maligaw ako. Takot ko lang malawa nuh. Ang lawak kaya ng siyudad.
Kung di niyo natatanong (may nagtanong ba? Hahahaha) eh may kuya nga ako. Si kuya Jhay, mas matanda siya sakin ng 4 years. Sobrang bait niyan nuh saka gwapo kaya kung walang magkagusto dito. Hahaha.
Kung bakit nandito si kuya sa maynila, eh mahabang kwento, paikliin ko nalang. Kakagraduate lang ni kuya noon nung nagkaroon kami ng problemang pinansyal dagdag pa ang problema sa taniman kaya di nakapag kolehiyo si kuya. Ang ginawa niya para kahit papaano makaraos kami ay lumwas siya at naghanap ng trabaho. At dahil sa pagsisikap niya ayun kahit papaano nakakabawi kami sa nawala samin noon.
Kumain muna kami ni kuya ng tanghalian sa karenderya, alam naman kasi niya na malamang sa haba ng biyahe namin eh nagutom ako. Nagpupupmilit nga si kuya na kumain kami sa isang fast food chain pero ayaw ko kasi di nga ako sanay.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa tinutuluyan ni kuya sa ngayon. Grabe ibang iba to sa bahay namin sa probinsya na simpleng barong barong lang, dito kasi talagang sementado ung bahay at malaki pa.
"Oh wag mo masyado titigan yang bahay ha baka matunaw. Haha. Dito ka na din titira mula ngayon para kahit papaano mabantayan kita. Syempre di naman kita pwedeng pabayaan noh." biglang utol ni kuya sa pagmumuni-muni ko.
"Ay sensya kuya naninibago pa kasi ako eh. Ibang iba sa bahay natin.. Ikaw lang ang tumutuloy dito?"
"Oo ako lang mag isa, alam mo naman ako diba di ako sanay na may kasama ako. Ung unang palapag lang ang atin nuh, sa ibang nangungupahan ung ibang palapag." dagdag niya. Siguro mayaman ung nagpapaupa at ang laki ng bahay para paupahan lamang nila. Grabe.
Dinala na ako ni kuya sa kwarto ko ng makapasok na kami ng bahay. Tama lang naman ang laki nito at may dalawang kwarto, tama lang samin magkapatid. Iniwan na din ako ni kuya para makapagpahinga na din ako at makapagayos pa ng gamit ko.
Ng maiayos ko na ang lahat ay nahiga na ako sa kama ko. Bigla lang ako napaisip. Grabe laki na ng magiging pagbabago ng buhay ko simula sa araw na ito. Kailangan ko ding makisama sa mga tao dito kasi di ko pa masyadong kilala ang mga ugali ng tao dito sa siyudad.
Ang kwanto kasi sakin ng nanay at tatay eh iba iba daw ang ugali ng mga tao dito, may ilang masusungit, aarte, masasama at ung mga halos wala daw pakialam sa mga tao sa paligid nila. Pero meron din daw mga mababait. Hay. Bahala na basta magpapaka totoo nalang ako.
Pagbubutihan ko pa lalo ang pagaaral ko dito. Lalo na ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Para din to sa ikatutupad ng mga pangarap namin, at di ko sasayangin ang oportunidad na ito. At nakatulog lang din ako sa kakaisip ng kung ano ano.
BINABASA MO ANG
I'm Mahirap and You're Mayaman (Hiatus)
RomanceMy life's been as perfect as it is right now. Not until that derp came out of nowhere. I should do something to make him disappear, or else everything will be ruined, including my perfect life. But what if one day i accidentally fall for him ... wai...