Chapter 5.1

42 1 1
                                    

A/: Veeeeeeery short update.

Chapter 5.1

*~*~*~*~*~*

| Charm's POV |

Lalong uminit ang ulo ko sa nakita ko. Siya nalang palagi ang nakakadisgrasya sakin. Kahit sabihin pa niyang di niya sinasadya, para sakin sinasadya na eh.

Nakatingin lang kami sa isa't isa nang matagal. Parang di kami makapaniwala na magkikita nanaman kami sa ganitong sitwasyon. Pero habang iniisip ko yun bigla nalang napunta lahat ng dugo ko sa ulo ko at pinagsisigawan siya.

"Ikaw lalaki ka! Talaga bang nananadya ka ha?! Nakakailan ka na ha! Di pa ba sapat yung tinapunan mo ako ng kape ha? Tapos ngayon sasadyain mo nman na matisod ako!" sigaw ko ng napakalaks sa knya. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon, namumuro na tong lalaking to eh.

"So---sorry talga, hindi ko naman talaga sinasadya eh. Nasira kasi ung bag ko ka---"

"Sorry sorry, luma na sa pandinig ko yan eh! Alam ko naman sinasadya mo to! Tulad ka din naman nila eh!" Pagputol ko. Ayoko nang marinig ang paliwanag na. Naririndi nako.

Tatayo pa sana ako para sampalin siya kaso bigla ako natumba uli. Anak nang! Di niya lang ata ako balak tisurin eh kundi balak pa niya akong pilayan!

"O--okay ka lang?" halatang kabado isya. Nanginginig siyang nagtanong sakin.

"Sa tingin mo okay lang ako ha? Ung matumba ka sa pagtayo at napaaray sa sakit sa tingin mo okay yun ha? Magisip ka naman! Kahit kailan ka talaga! Balak mo pa yata akong lumpuhin eh! Unang araw na unang araw ng klase kamalasan na agad ang ibinibigay mo sakin eh! Baka di mo ako nakikilala at pwede kitang patalsikin dito! Umalis ka na nga lang sa harap ko! Napakawalang kwenta mo talaga kahit kailan!" sigaw ko ulit sa kanya. Di ko na talaga mapigilang mailabas ang galit ko sa kanya.

Nagulat ung ibang nakikiusi samin sa sinabi ko, ang iba umiwas na ng tingin, ang iba nagsilayo na at umalis. Mukhang alam na nila kung ano ako dito sa pinasukan nila. Medyo nagulat din ang taong nasa harapan ko. Bigla nalang nagbago ang mukha niya at medyo nalungkot. Naawa tuloy ako sa itsura niya.

Teka? Naawa? Ano ba yang pinagsasasabi ko? Nahihibang nako, dala siguro ng galit ko. Ako maaawa? Ha.

Kinuha nalang niya ang bag niya at mga gamit niya tapos ...

"Hoy ibaba mo ako!" utos ko sa kanya. Inilagay niya lang lahat ng gamit niya sa isang tabi at binuhat niya ako. Alam niyo ung buhat ng bagong kasal? Ganon ang pagkakabuhat niya sakin ngayon.

"Ako ang may kasalanan kung bakit ka napilayan. Kaya responsibilidad ko na dalhin ka sa clinic." malamig na tugon niya sakin na ikinagulat ko. bigla nalang kasi nagbago ang expresyon niya.

Walang umiimik samin habang bitbit niya ako. Di naman sa nahihiya akong kausapin siya o naiinis sa kanya pero parang wala akong lakas na kausapin siya pagkatapos ng narnig ko sa kanya. Iba kasi ang naramdaman ko nung nagsalita siya nn eh, parang galit na masyadong malamig na walang pakiala. Basta yun. Hirap ipaliwanag eh. Di ko rin maiwasan na marinig ang mga nagttsismisan ng mg estudyanteng nadadaanan namin. Ayaw ko na nga pakinggan kasi puro mga walang kewnta ang pinaguusapan nila tungkol samin, pero medyo nagaalala ako sa lalaking to kasi puro sa kanya tinuturo ang usap-usapan eh. Napasulyap tuloy ako sa kanya, pero seryosong mukha lang ang maaaninag mo sa kanya, walang kaemo-emosyon. Inialis ko nalang ang tingin ko kasi nakakatakot eh.

Teka nga bakit naman ako magaalala sa kanya? Eh diba nga siya din naman ang may kasalanan kaya nagkapilay ako. Hay ._.

Nangmakarating kami ng clinin ay ibinababa nalang niya ako sa may kama at kinausap ang nars na nakassign doon. Di ko alam kung ano ang pinagusapan nila kasi di medyo malayo sila sakin eh. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatitig sa kanya hanggang sa makaalis siya nang di lumilingon dito.

*~*~*~*~*~*

| Aj's POV |

Tahimik lang ako na umalis sa lugar na iyon at pilit nagmamadaling bumalik kung saan ko iniwanan ang mga gamit ko. Buti nalng pagdating ko doon ay nandon pa din ang gamit ko walang gumalaw. Binuhat ko nalang ang mga ito kasi sira na din naman ung bag ko.

Medyo wala na ako sa mood ngayon lalo na sa mga sinambit niya kanina. Medyo sanay nakong pagsabihan ng mga masasakit na salita pero di pa rin maiiwasang masaktan sa mga sinabi niya.

Noong nagaaral pa kasi ako sa probinsya namin panay tukso na din ang natatanggap ko sa mga kapwa ko estudyante. Kesyo nagpapasipsip lang daw ako sa mga guro namin para lang mataas na marka ang mga ibigay sakiin. Lahat na nga ata ng pangaalipusta ginawa na nila sa akin noon. Pero di ako nagsumbong sa mga magulang ko o lumaban man lang sa kanila, pinagbuti ko nalang ang pagaaral ko nang mapatunayan ko sa kanilang lahat na nagaaral talaga ako ng mabuti pra lang makuha ang mga marka na yon.

Pero ang nagpatahimik sakin kanina at nagpabago ng expresyoon ko? Ung katotohanan na ate nga pala niya ang may ari ng unibersidad na to. At isang sabi lang niya sa ate niya eh pwede nako mapatalsik. Masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan ko para makarating dito. Ayokong mawala ang scholarship ko dito, kaya pilit kong inaalagaan iyon pati na ang pangalan ko.

Hindi na nga ako umalma sa mga sinabi niya knina para di lumala ang away namin eh. Pero kabado pa rin ako kasi kahit di siya magsumbong eh alam ko na makakarating at makakarating din ang balita sa ate niya. Mabilis na kasi ngayon kumalat ang tsismis eh. Pero kahit di makarating sa pamamagitan ng tsismis eh malamang sa malamang may magrereport sa kanila na staff dito.

Pag pinatawag lang ako sa opisina nila, patay na lahat ang pinaghirapan ko.

Wala sa sarili kong narating ang aking silid sa dami ng iniisip ko. Ni hindi ko nga alam kung saan ang magiging classroom at building ko kya nagtaka din ako kung paano ako nakarating dito agad.

Pagpasok ko ng room ay biglang nagsitigil ang lahat ng tao at tumingin lang sakin na para bang may pumasok na sikat. Malamang sa malamang nakarating na din sa kanila ang balita. Umupo nalang ako sa sulok ng kwarto at sumubsob sa lamesa ko, mukhang wala pa kasi ang prof namin eh, ayoko naman magtanong sa mga kaklase ko kasi ramdam ko ang mga matatalim na tingin nila sakin, kaya eto itutulog ko nalang muna. Ilang oras palang ang lumilipas pero ang dami nang nangyari at ramdam na ramdam ko na ang pagod. Ayoko na din muna pakinggan ang pinaguusapan nila tungkol sa nangyari kanina kasi lalo lang ako nasasaktan.

~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Mahirap and You're Mayaman (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon