Chapter 4

22 1 1
                                    

A/N:

Waaaa. Nagulo na ung plot ko. Nawala nako since nung last chap ._. Saka nasa bakasyon ako. Pati utak ko nag bakasyon sa alapaap :3

Very short update lang habang inaayos ko pa ang plot at ang cp ko. Sana may bumabasa at kahit papaano natutuwa sa update ko *pray*

*----------*

Chapter 4

| Charm's POV |

This is it. First day nanaman sa school, but this time as a college student. Excited ako na hindi.

Excited kasi madami nanaman ako maiinis. Hahaha. I'm not the usual friendly type kasi, why would i care about them diba? Most specially na sa school namin ako magaaral. Mas madali akong makakagalaw.

On the other side, naiisip ko lang ung lalaking yun umiinit na agad ulo ko. Why? Kasi naiinis ako sa kanya. Masyadong painocente ee, tulad lang naman din siya ng ibang lalaki diyan, manggagamit. Lalomg lalo na pag mayamang tulad ko ang makikilala nila. Hinding hindi nako magpapaloko sa isang tulad niya.

Then something popped out of my mind. Tingnan natin kung hanggang saan siya aabot. Bwahahaha >:)

I've done my usual routine then drove to school. Magisa nalang kasi ako sa bahay eh,  lahat sila nagsipasukan na. Ganyan naman palagi eksena sa bahay, maaga pumapasok ang lahat ng tao kaya sanay na sanay na ako. Pero kahit busy sila nagagawa pa din naman nila kahit papaano magbigay ng time samin ee, MINSAN.

Pagdating ko ng school nagpark na ako. Ang dami ding estudyante na kasalukuyang pumapasok at naglalakad sa loob ng school at naghahanap ng kanikanilang rooms. Tinitigan ko muna sila isa isa, masinsinang binubusisi ang mga naglalakad kung may makakasundo ako sa mga to or magiging terror ang buhay nila sakin. Bwahahahaha.

Bago ako bumaba nag full retouch muna ako. Medyo mahaba din ang biniyahe ko nuh, at dapat todo paganda ako ngayon kasi ayokong mahaluan ng pawis nila, and also sa amin 'tong school na ito nuh kaya dapat ako lang ang prinsesa dito. Got it? ;)

Inayos ko na ang gamit ko at saka bumaba ng kotse. Pagbaba ko palang tinginan na sakin ang lahat ng tao. Yan. Yan ang gusto ko. Attention. Sakin lang dapat yan. Naririnig ko din kahit papaano ang bulung bulungan nila na maganda sa pandinig ko:

G1: Grabe ang ganda niya

G2: Model siguro siya nuh? O kaya bagong artista?

B1: May chix oh tol! Liligawan ko to!

B2: Liligawan mo lang? Ako aasawahin ko na!

Tinatawanan ko nalang ang mga naririnig ko. Basta ang mahalaga sakin, ung naririnig ko na 'Maganda' ako. Period.

Pati dito sa hallway napatigil ang lahat ng tao at napatingin sakin. Akala nila may dumaang sikat eh. Oh well, meron nga naman talaga. I feel like i'm walking in a red carpet, going to receive my precious award.

At dahil proud ako na pinagtitinginan ako ng mga tao, di ko namalayan na natisod ako sa isang bagay at .... nadapa ako. Nyeta naman oh ang ganda na ng pasok eh sinira naman ng kung sinong peste na to. Sa totoo lang sinira na niya ang araw ko. Di lang sa natisod ako, mukhang nasprain pako sa sakit ng paa ko. Naka high heels kasi ako eh.

Mas lalong naginit ang ulo ko nang magtawanan ang lahat ng tao. As in. Kung kaninang naglalakad ako di pa lahat nalatingin sakin, ngayon lahat lahat as in. Nakakahiyang nakakainis alam mo ba yun? Tapos walang tutulog sayong tumayo at tinawana ka pa?

"ANONG TINITINGIN-TINGIN AT TINATAWA NIYO DIYAN HA! HINDI NIYO MAN LANG AKO TULUNGANG MAKATAYO DITO, INUNA NIYO PANG MAG TAWANAN AT MAG CHIKAHAN DIYAN! MGA L*CH* KAYO!" di ko na napigilan sarili ko. I really hate this day.

Bigla naman nagbulung bulungan ung mga tao sa paligid.

G1: Ay maganda nga masungit namab

G2: Mayabang pa ata.

B1: Pinaglihi ata sa amazona to ee.

Buset. Lalong umiinit ulo ko sa naririnig ko. Pilit kong inaalala ang mga pagmumukhang ito para ipatalsik kay ate. Sumusobra na sila eh.

"Ahh-ahh .. Ate so-sorry talaga, di ko sinasadya. Nala---" Nagsalita ang dahilan kung bakit ako napapahiya ng todo ngayon. Pinutol ko na ang pagsasalita niya at sinigawan ko ng bonggang bongga.

"HOY IKAW! ALAM MO NAMANG DAAN TO DIBA! ISA KA PANG T*T*NG*-T*NG*NG ----"

"IKAW?" putol ko sa sarili ko nang makita ko kung sino ang pesteng nakatalisod sakin, at sabay pa kaming napasigaw. Nung una tinapunan ako ng kape, tapos ngayon tatalisurin ako. Ano pa kayang kamalasan ang idudulot sakin ng pesteng lalaking ito? Oh great.

*----------*

| Aj's POV |

Ilang araw din ang lumipas nung magpaenroll ako. Nakauwi naman ako ng maayos, sinundo pa kasi ako ng kuya eh. Pinakabisa na din niya sakin ang mga pasikot-sikot para daw kaya ko na sa susunod.

Buong bakasyon yun ang ginawa ko. Kung saan-saan ako dinala ni kuya para makabisado ang bawat sulok ng siyudad na to. Kaso sa dami eh ilan lang natandaan ko. Nakakahilo kasi.

Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Unang araw ng klase. Excited na kabado ako kahit papaano. Iniisip ko kasi kung marami ba ako makakasundo sa school. Di tulad nung nakilala ko nung nag enroll ako. Sabi nii kuya sakin tipikal na daw na may ganon sa eskwelahan, kaya iwasan ko nalang daw.

Oo nga pala ung babaeng yun ... May pinapagawa nga pala sakin ang ate niya pero di ko naman alam ang gagawin doon. Saka ko nalang iisipin at proproblemahin yun pag nandoon nako.

Gumayak nako papunta sa eskwelahan. Inagahan ko na ang alis kasi ayokong malate. Kabisado ko na din naman ang papunta doon. Pagdating ko doon ay ang daming tao sa loob. Inaasahan ko na din to kasi ang laki din naman ng eskwelahan na to eh. Kung iisipin mo pang mayaman talaga, na totoo naman.

Naglalakad nako sa hallway nang maalala ko na di ko alam kung saan ang room ko. Di ko pa kasi tinitingnan ang form ko simula nung nag enroll ako kaya ayun. Habang hinahanap ko sa bag ung form, naglaglagan naman lahat ng gamit ko sa sahig. Ano ba yan. Lumang luma na kaso tong bag ko eh, tinahi ko lang pag may sira. Kaso ngayon pa bumigay. Kainis naman. Makahiran mga mamaya kay kuya.

Minadali ko nalang na kunin lahat ng gamit ko. Nasa gitna kasi ako ng daanan eh. Ramdam ko din na parang pinagtitinginan ako ng ng mga tao. Unang araw ko palang nakakahiya na ang nangyari kaya pinipilit kong ligpitin lahat ng gamit ko.

Kung iniisip niyo kung ano laman ng bag ko? Sangkatutak na notebook, papel, ballpen at kung ano ano pa. Eh sa di ko alam ang mga gamit na dapat dalhin kaya ayun kung ano ano nalang binili ko.

*BOOOOOOOOGSH*

*HAHAHAHAHAHAHAHAHA*

Habang nagpupulot ako sa isang side ng mga gamit eh may narinig akong bumagsak sa kabilang side. Hala natisod siya sa bag ko! Anu ba yan nakaaksidente pako.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN AT TINATAWA NIYO DIYAN HA! HINDI NIYO MAN LANG AKO TULUNGANG MAKATAYO DITO, INUNA NIYO PANG MAG TAWANAN AT MAG CHIKAHAN DIYAN! MGA L*CH* KAYO!" sigaw niya. Hala kasalanan ko naman talaga eh! Kung itinabi ko na ung bag ko wala sanang natisod. Nakakahiya talaga.

Dali dali akong pumunta sa harap niya at inabot ang kamay ko. Di ko malang pinansin ang mga pinagsasasabi ng mga tao sa paligid. May nangyari lang na di maganda nanghusga na agad sila.

Kaso di niya ata napansin ung kamay ko kaya nagsalita nako.

"Ahh-ahh .. Ate so-sorry talaga, di ko sinasadya. Nala---" pinutol niya agad ang sinasabi ko ng bigla nalang siya sumigaw ulit.

"HOY IKAW! ALAM MO NAMANG DAAN TO DIBA! ISA KA PANG T*T*NG*-T*NG*NG ----" napatigil siya ng tumingin siya sakin ng nakakatakot.

"IKAW?" sabi namin ng sabay.

Nako. Patay. Lagot. Siya nanaman. Maluluto nanamn ako nito sa mga sigaw at inis niya x.x

~

I'm Mahirap and You're Mayaman (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon