KABANATA 32

745 35 33
                                    

Kabanata 32: GOODBYE

CELESTE

Nagising ako na puro puti lamang ang nasisilayan ng aking mga mata.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking talukap at unang nakita ay si Lexi na sobrang may pag-aalala na mababakas sa mukha nito.

"Gosh finally, you're awake. Teka, wag ka munang babangon, tatawag lang ako saglit ng doctor." Saad niya sabay punta sa may pintuan.

"Doc!." Sigaw nito. Bumalik siya sa tabi ko at hinaplos ang aking ulunan.

"Nag-alala ako ng sobra sayo." Halata sa boses niya ang nerbyos.

Nanatili akong walang imik habang pinagmamasdan ang pagpasok ng doctor.

He gently approached me and took out his pen from his pocket.

"Wala ka bang ibang nararamdaman?," Kinapa nito ang nakadikit saaking swero. "O kahit na anong masakit sa iyong katawan?." He asked.

I shooked my head and he nodded. "Good," Humarap siya kay Lex bago may isinulat sa papel.

"I'll just give you the medicines she needs to take, also keep her always safe and healthy because the baby inside her womb has been somewhat affected." He said.

Iniabot nito ang papel na may sulat kay Lex bago ibinalik ang hawak na ballpen sakaniyang bulsa.

"Reminder once again, let's avoid if possible from things that can stress the patient, it is detrimental to the child's health." Dugtong pa nito at ngumiti ng matamis.

"That's all, i have to go. I have another patient to take care of, always be careful." Paalala niya bago siya nakaalis.

"Salamat po doc." Paalam ni Lex at pinagsaraduhan pa ito ng pinto.

Lumapit siya saakin at inabutan ako ng isang basong tubig.

"Oh, uminom ka muna para naman mamasa-masa yang lalamunan mo." She said before helping me to sit up.

Ininom ko ito lahat at nakahinga naman ako ng maluwag, i feel better now.

"Celes," She called my name that made me faced her. "Sa doctor ko pa nalaman." Walang emosyon niyang sabi saakin kaya napalunok ako.

"I-I'm so sorry Lex, balak ko naman kasi talagang sabihin s-sayo kaya tinawagan kita kanina pero kasi-"

"But what?." She sighed. "Don't worry, hindi naman ako galit 'e." Masaya niyang saad.

"T-Talaga?."

"Oo, syempre. Atsaka bakit ako magagalit?, dapat nga niyan matuwa pa ko dahil kaisa-isang bebe girl ko, magkaka-baby na!." Masaya nitong sigaw sabay damba ng akap saakin.

Napatawa naman ako. "Anong bebe girl?, kadiri ka."

"Che, arte mo ah." Inirapan niya ko at bago kumalas ng yakap. "Pero hindi ako masaya para sa ama ng batang yan Celeste." Diretsuhang sabi nito.

Kusang nag-iba ang ekspresyon ko, kahit naman ako, dahil alam kong kahit anong gawin ko, sa iba siya magkakapamilya.

Na dati lamang ay pangarap ko para saaming dalawa.

"Nasabi mo na ba 'to sakaniya?." She suddenly asked.

I sighed first before i answered her. "H-Hindi pa." I stuttered.

"Hindi pa?, 'e sa mga magulang mo?."

"H-Hindi parin." Napaiwas ako ng tingin sakaniya.

Narinig kong bumuntong hininga siya. "Ako palang ba ang nakakaalam?." Seryosong tanong niya.

Stepbrother's Obsession (Obsessive Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon