Chapter 2

128 8 7
                                    

Chapter 2

"Gusto mo bang mangabayo?" Tanong ni Dale, kumislap naman ang mata ko at tumango

"Sure!..kaso hindi ako marunong," sagot ko, pero pinisil nya lang ang kamay ko

"Sa akin ka muna sasakay," nahihiyang ani nito na ikina-tawa kong mahina

"Salamat"

Pinagmasdan ko lang syang inilalabas ang isang brown na kabayo sa kwadra nito, at maingat hinila papunta sa gawi ko.

"Maaari.. ba?" Tumango lang ako.

Lumapit sya sakin at walang kahirap-hirap na hinawakan ako sa bewang at isinakay sa kabayo, sumunod naman ito sa likod ko.

Para tuloy syang nakayakap sakin dahil sa nagsisilbing tali sa harap, napakalapit nya sakin na halos maramdaman ko ang tikas ng katawan nito.

in fact I'm not used to being so close to boys, and I have no experience having a boyfriend, siguro nasanay lang ako na laging dumidistansya sa mga lalaki dahil sa trust issues ko.

But now at the same time, Dale is a goodman at mahinhin kaya siguro magaan ang loob ko.

"Gaano ka na katagal rito?" Panimula ko.

Para naman kahit papaano ay hindi sya mabored, and knowing each other?

"Anim na taon na akong naninirahan rito Senyorita" he called me senyorita?

"Ikaw.. may pinagkakaabalahan ka ba sa Metro?" Maamo nitong boses na ikinangiti ko.

"Wala eh,"

"May boyfriend ka na ba?" Agad na tanong nito na tila may narealize.

Napalabi ako at bigla nanamang may kumontra sa isip ko, interesado ba ang maginoo ko? Choss

"Wala, ikaw meron ka bang girlfriend?" Balik ko, syempre curious lang din ako.

"Wala pa.." nahihiyang sagot nito,

Gusto kong matawa sa isip ko, so magkakaroon palang? Pwede bang itaken ko na para magkaroon na sya? Kidding, bakit ang harot yata ng isip ko

"Ano nga palang tawag ruon" turo ko sa dulo ng napakalawak na farm, kung saan ay may nagtatanim na iilan.

"Aqua Farm, ang tawag rito. Sa kabilang bayan ay ang Glenn land Farm,"

"Ikaw ba ang nagtatanim at nagdidilig ng mga halaman rito?" Napatango ito at humawak sa batok nito.

He's cute

"Oo ito na talaga ang minsan kong ginagawa dahil wala naman akong masyadong ginagawa sa palasyo,"

Gwapong nilalang isang Hardinero? May ganuon pala, napaka maalaga naman nya, siguro ay agriculture ang kinuha nitong course no doubt

"May.. kapatid ka ba?,"

"Meron.. isa," what I am referring to is my real sister.

"Ikaw? May kapatid ka?" Tumango ito saka bumaba.

Hinawakan naman nya ako sa bewang at maingat na ibinaba

Between The Lies✔ [Del Lascivia Series #1]Where stories live. Discover now