'The shock of any trauma, I think, changes your life. It's more acute in the beginning, and after a little time, you settle back to what you were. However, it leaves an indelible mark on your psyche.'
Idinilat ko ang aking mga mata. Ang unang sumalubong sa akin ay ang nakakasilaw na puting kisame at ang masangsang na amoy ng disinfectant. Masakit ang buo kong katawan, lalo na ang aking ulo na tila binibiyak.
I looked around. The unfamiliar faces made me feel uncomfortable. The unfamiliar surroundings made me think where the effin place I am.
Sinubukan kong igalaw ang kamay ko at napansin ang suot na puting hospital gown. Bakit ako nandito? Ang huling alaala ko ay ang makapal na usok... ang init ng apoy sa aming bahay... ang pagsigaw ko kina Mommy at Daddy.
'Why am I even wearing this?' a question from my mind uttered.
I was about to ask where exactly I am when I felt a heavy, cold stare from someone standing at the foot of my bed. He wasn't smiling. He was wearing a sharp business suit, his arms crossed over his chest, looking at me as if I were a problem he didn't want to solve.
He's holding a bouquet of flowers, pero hindi ko maramdaman ang warmth sa kanya. His masculine scent made me shiver—he smelled so damn good, but that smell isn't familiar.
Buong akala ko ay lalapit siya sakin ng bigla siyang maglakad pero huminto lang siya sa may gilid ng kama ko. He looked at me with those sharp, cold eyes. Nilapag niya ang bulaklak sa side table nang walang kaingat-ingat.
"Now you're awake," malamig niyang sabi. "Should I thank God for that?" he sarcastically added.
"Who... are you?" I asked him with full of curiosity. "And why am I even here!?" I heard myself shaking. Nagpalinga-linga ako sa paligid.
I saw how his facial expression changed. Yung kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan ng isang mapait at sarkastikong ngiti. He scowled at me as if I were some kind of a joke and it seems like he is disgusted by my question.
"Don't start with your games again, Alysandra," he answered while his brows meet. "Honey? Or should I say... my dear wife? It's me—Kaedan. Inaasahan mo ba na ibang lalaki ang sasalubong sa 'yo paggising mo?"
'What the—' seryuso ba 'to? Sinong Alysandra? Asawa? Lalaki? What the hell is he talking about? Kailan pa ako ikinasal? I'm pretty sure that I am not married yet. I'm still young enough for that serious thing. At saka, strict kaya ang parents ko!
"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo," nanginginig kong sagot. "At sino si Alysandra? Hindi Alysandra ang pangalan ko"
"Seriously, Alys? Huwag mong sabihing gagamitin mo ang aksidenteng ito para mag-drama? Fresh start? Amnesia?" He hissed, his voice trembling with suppressed anger. "Hindi mo mabubura ang lahat ng kasalanan mo sa isang pagkukunwari lang."
Bago pa ako makasagot, isang maliit na batang babae ang sumulpot sa tabi niya. "Mommy..." tawag nito sa akin habang umiiyak.
Napatitig ako sa bata. Napakaganda niya, pero wala akong matandaang anak. Hindi pa ako kasal! Strict ang parents ko, at hinding-hindi ako magkakaroon ng anak sa ganitong edad.
"P-pero– hindi ko kayo kilala... Please, maniwala kayo," pagmamakaawa ko. "Nagkaroon ng sunog sa bahay namin, 'yun ang huli kong natatandaan!"
"You're unbelievable. Pati ba naman ang anak mo ay itatangi mo para lang makatakas sa mga ginawa mo?"
Baliw ba 'to? Kanina Asawa at Lalaki ko daw, tapos ngayon may anak pa?
Mataman kong tiningnan ang batang babae sa tabi niya. She's incredibly adorable and beautiful.
"I really don't know you" napapailing kong sabi. "I don't know any of you!" I almost shout habang napahawak sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.
Memories flashed—yung usok, yung init ng apoy sa kwarto ko... I remember our house was burning. I called my mom, my dad... and then darkness.
Umayos ako ng upo. Akmang lalapit si Kaedan para alalayan ako—hindi dahil sa pag-aalala, kundi dahil sa obligasyon—pero pinigilan ko siya.
"Don't touch me." napatigil siya sa pagkilos. "And don't come any closer." ramdam ko ang panghihina ng katawan ko, maging ang bawat titig ko sa kanya ay pumupungay narin.
Nagtiimbagang siya at muling humalukipkip. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya, hindi pag-aalala.
"You said I am your – wife?" I looked at him, sarcastically laughing. "How? I mean, do I really look like your wife? That's impossible. Really impossible. Kaya please lang, stop talking nonsense." Halos maiyak nalang ako dito sa kinauupuan ko sa sobrang takot.
He smirked. Nilingon niya ang kanina pang nakikinig samin sa loob ng kwartong iyon. Isang matandang babae na nakaupo sa sofa. Nakahalukipkip at pairap-irap kung sumulyap. At isang matipunong lalaki na halos kasing edad lang nung Kaedan.
"Yes, my wife," sagot niya na puno ng kasiguraduhan pero may halong animo'y pandidiri. He tsked. "You're the one talking nonsense here. Claiming you don't know us? Napaka-convenient naman na nakalimutan mo kami matapos kang mahuli sa ginagawa mo."
Napangiwi ako. He's so mean! But more than that, I was confused. Bakit siya galit na galit?
"How about me? Don't you even recognize who am I?" singit ng isang lalaki sa likod.
'At sino rin naman 'to? –'
I bit my lower lip and took a deep breath. Yung itong 'asawa-ko-daw' nga kuno ay nakakapagod ng kausap, tapos may isa pang magtatanong sakin kung kilala ko ba siya.
Isang nakakapagod na iling lang ang naitugon ko sa kanya. What would be my answer anyway? I don't know him either.
"I see" simple niyang sagot sa naging tugon ko. "You're accident might be the reason, though" dagdag pa niya.
Anong konek naman? Ang gugulo nilang kausap.
Sumulyap si Kaedan sa kanya saka naiiling na napabuntong-hininga. It really makes me confuse why is he kept on insisting that I am his fucking wife. I was about to argue him again when he suddenly handed me his phone.
"Well," ani niya sabay lahad ng cellphone niya "I don't know what kind of show you're putting on. And if Heldrix thought is right" sabay lingon niya sa lalaking nasa likod niya "...and you need some reminder kung sino ka, feel free to check the gallery."
Hindi ko alam kung anong gusto nilang ipahiwatig sa 'thought-daw' nung Heldrix. Ang malinaw lang sakin ngayon I don't want to prolong this, I grabbed the phone. I checked the pictures. And he's right—there's a woman there, his wife, and their daughter....
"See?" I chuckled at him. Padabog kong nilapag sa kama ang phone niya. "I am not your wife. Because that woman in the picture is obviously not me." matapang kong saad sa huli.
Kaedan took a deep breath, his eyes looking helpless yet full of rage. "Is that how you really want me... to be out of your life? Sa pamamagitan ng pagdedeny sa sarili mo?"
That question makes me feel uncomfortable. Para ako'ng binuhusan ng sobrang lamig na tubig. I vowed down my head. The whole room filled with silence. No one tried to talk. No one tried to ask about what's happening. I glanced each one of them and I saw how they arched their brows. Their eyes are asking me some questions that I can't definitely answer. Even the little girl beside Kaedan is giving me a confusing stare.
"I-I'm sorry, I don't want to upset any of you" I said in a teary eye, sinubukan kong tingnan sila isa-isa. "Please d-don't scare me. As what I've said, your just probably mistaken me" I looked at Kaedan Again. And this time, hindi na naiwasan ng traydor kong mata ang mga takas kong luha.
"I didn't see any similarities of me and your wife. I didn't mean to offend you but please, stop insisting and just leave me alone" at tuluyan na ngang bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
Pagod na ako. Pagod na akong ipaliwanag yung panig ko.
Muling tumahimik ang buong kwarto. Pakiramdam ko nasa gitna ako ng isang interogasyon. After a minute of silence, the old woman clear her throat.
Naagaw niya ang atensyon namin.
"We also don't know why you kept on insisting that YOU.ARE.NOT.ALYSANDRA." she finally talked – in a very strict voice I had ever heard. Bakit parang mas nakakatakot pa siya kesa sa Mommy ko?.
Ramdam ko ang pagdiriin niya sa mga huling salitang inusal niya.
"You want proof?" dagdag pa ng matandang babae sa likod niya—his mother, I guess. Inabutan niya ako ng salamin. "Tingnan mo ang sarili mo, Alysandra. Let's just say that your ACCIDENT caused you an amnesia. Kaya hindi mo ma'recognize ang asawa't anak mo. Kaming lahat actually" ani niya na may pa gesture pa sa hangin. "However, I believe that you must probably AT LEAST...recognize your face"
Her tone told me that she is tired of listening our argues.
Tumingin ako sa inaabot niyang salamin sakin. Eehh, ano naman kaya gagawin ko dyan? Napangiwi ako sa isip ko.
"Care to take this?" saad niya ng mapansing tinitingnan ko lang ito.
I don't want to take it but I'm also curious what's with my face that made them sure and insisted that I am the woman their claiming of.
Iritable ko'ng hinablot ang salamin na inaabot niya sakin.
"Tss..bastos talaga" pairap niyang bulong bago muling bumalik sa inuupuan niya kanina.
I didn't care. I looked at the mirror and my heart literally stopped. Nanginginig kong kinuha ang salamin. Muntik ko na itong mabitawan nang makita ang repleksyong nasa loob. Wait, ano 'to? Wala sa sarili kong binaliktad ang salamin. Baka mali lang ang nakita ko.
Bakit yung mukha nung asawa ni Kaedan ang nakikita ko? It was the same face from Kaedan's phone gallery. But this isn't me! I'm pretty sure of that. My face, my looks—everything is different!
Ang bilog at maamong mukha ko ay napalitan ng isang matangos, sopistikada, at napakagandang mukha. Pero ang mga matang ito ay hindi sa akin. Ito ang mukha ng babaeng nasa phone ni Kaedan. Ito ang mukha ng babaeng kinamumuhian nila.
"N-no..." I stammered, feeling the terror rising in my chest. "Hindi maaari 'to. Panong... Impossible!"
So this explains everything. Ang kaluluwa ko ay napunta sa katawan ng ibang babae. Isang babaeng may asawa at anak, pero mukhang kinamumuhian ng lahat.
"N-no... This isn't me," hisal ko habang bumubuhos ang luha. "Hindi ako 'to! Nasaan ang katawan ko? Nasaan ako?!"
"What a crap Alys" sigaw ni Kaedan, dahilan para mapatalon ako sa takot. Sa paraan ng pagsigaw niya ay ramdam ko ang sobrang galit. Ang kanyang mga matang animo'y nag-apoy. He was about to talked again ng muling magsalita yung may edad na babae.
Feeling ko talaga ito yung Mommy ni Kaedan. They have resemblance.
"Kaedan" saway niya. Muli siyang naglakad sa direksyon nito at hinila si Keila na halos hindi ko na namamalayang kanina pa pala nagmamasid sa kaguluhan namin. Mariin niyang tininggan si Kaedan bago niya ipukol ang masamang tingin sakin. "I'll bring Keila outside. Dun ko nalang din kayo aantayin" ani pa niya bago tuluyang hilain palabas ng kwarto ang bata.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto habang sabay sabay naming pinagmamasdan ang paglabas ng dalawa.
"I'm sorry..." Wala sa sarili kong isal, I also said it in between my sobs.
Gusto kong sabihing hindi ako si Alysandra, pero sino ang maniniwala sa akin? I'm stuck. Stuck in a body of a woman I don't even know.
Ngayon naiintindihan ko na why they kept on insisting that effin shit. No way, It really can't be. So what now? Of all people na makaka soul-switching ko bakit sa may asawa pa at higit sa lahat sa isang komplikado pang sitwasyon. Ano naman kaya nangyari sa katawan ko. Posibleng kayang nandun ang kaluluwa ni Alys sa katawan ko? At namgyayari nga ba talaga sa totoong buhay ang soul-switching?
Naguguluhan talaga ako. Sa sobrang kaba at takot ko ngayon parang gusto ko nalang kainin ako ng lupa. Masyado na ako'ng maraming sinabi, hindi ko na alam kung san ko pa ilulugar ang sarili ko ngayon.
A couples of questions cuddle my mind. I don't know where to start thinking. I don't even know that this such thing is possible. Ang tanging alam ko lang sa ngayon, everything are complicated. Really complicated. How I wished this is just a nightmare, but how can it be a nightmare when everything's clear to me. Pano magiging bangungot kung ramdam ng buo kong kalamnan ang kakaibang takot at kaba?. I know that I lost my consciousness, what I didn't know is when I woke up I'm in a different body. And speaking of consciousness, how long did I lost it?.
"Sorry? For what? For what Alysandra?" tiimbagang na sagot ni Kaedan, It bring my senses back to reality. Nasa hospital nga talaga ako. Kasama ang mga taong ni sa panaginip o internet manlang ay di ko pa nakita.
Natamene ako sa sinabi niya. Hindi ko rin naman alam ano pang sasabihin. Tumayo yung Heldrix mula sa sofa at lumapit kay Kaedan.
"You should calm down. Baka nga talagang hindi niya tayo nakikilala" ani niya pagkalapit sabay tapik aa balikat ni Kaedan.
Hindi ko alam kung bakit pero may part sa loob ko na naku-konsensya, kahit pa hindi ko rin naman alam pano ako napunta sa katawang 'to. Pero mas lamang ang takot ko dahil alam kong hindi maganda ang relasyon ni Alys sa mga taong to.
Napahilamos si Kaedan sa sobrang pagkadismaya.
Wala akong amnesia kung yun man ang iniisip ni Heldrix. Alam ko kung sino ako. Pero paano ko ipapaliwanag sa kanila na ang kaluluwa ko ay naligaw sa katawan ng isang babaeng makasalanan? At paano ako mabubuhay sa piling ng isang asawang handa akong sakalin sa galit, at isang anak na naghahanap ng pagmamahal na hindi ko alam kung paano ibibigay?
Hindi naman ako iyaking tao pero iba yung emosyon na nararamdamn ko ngayon. Diyos ko po, pano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Pano nangyari ang ganito? Ano po ba purpose niyo sa pangyayaring ito.
"I'm sorry kung hindi ko kayo nakiki...lala. Naguguguluhan din ako, nahihirapan. Bakit ganito?" sabay silang napalingon sa direksyon ko ng muli akong magsalita.
Naramdaman ko ang muling pagkahilo. Higit sa lahat, ang takot.
A knock from the door caught pur attention. That was the Doctor. I feel relieved when I saw him, hoping that he has the best answer, we all need to know.
"I'm glad your both here Mr. Vergara and Mr. Travina" bungad nito.
Lumapit siya sa direksyon kasunod ang isang nurse. May kung anong ginawa ang nurse sa dextrose ko habang chine-check naman ako ng Doctor.
"Kelan po kaya siya pweding ma discharge Doc?" si Heldrix.
"After her few laboratories Mr. Travina"
Tumango si Heldrix. May kung ano-ano pang sinabi ang Doctor na halos hindi ko rin masundan dahil hindi na rin nan ako naging intresado na.
"By the way, can I talk to you in private? Both of you? I have something important to discuss with" huling dinig ko sa Doctor na siyang sinang-ayunan naman ni Kaedan at Heldrix.
Maya't maya pa ay lumabas na ang Doctor, sumunod narin si Kaedan. Lumapit si Heldrix sakin at naupo sa gilid ng kama ko.
"Pinag-alala mo ako" ani niya pagkaupo. Unlike Kaedan, hindi siya yung tipong galit na galit sa akin. I wonder who he is. And how is he related to Alysandra. "Don't worry about your condition. Doc Arellano said na eventually babalik din naman sa normal ang lahat"
Nanatili akong tahimik. Gustuhin ko mang sumagot pero magiging walang kwenta lang sa kanila yun. Kaya wag nalang.
"Maaaring galit din ako sa ginawa mo Alys, but it doesnt change the fact that your my sister, and I still care about you" malumanay niyang saad.
Ah so magkapatid pala kami? I mean, sila ni Alys. Alysandra is indeed beautiful, masasabi ko'ng mas maganda siya sakin kasi parang napaka'perpekto ng kurba ng mukha niya, kaya naman hindi ako nagtataka at may gwapo at makisig siyang kuya.
"So...sorry" nahihiya ko'ng tugon sa kanya.
He chuckles.
"Wow" para ba'ng naamaze pa siya. "That's the first time huh. I don't know what's that sorry for, but I know you mean it.
Eh! Hindi ba nag s-sorry si Alysandra sa kanya? Atsyaka, in-fairness naman 'tong si Heldrix, ibang iba kay Kaedan. Sabagay kapatid nga 'daw' kasi kami.
Hindi ko alam kung may nakakatawa ba pero parang tuwang tuwa siya sa mga pinagsasasabi niya. Bagay na mas lalo lang nag-papagulo sa isip ko.
"Wala ka ngang maalala" dagdag pa niya. "Anyway, I'll better get going. May sasabihin daw si Doc Arellano samin" muli siya'ng ngumiti saka tumayo.
Hindi na ako umalma pa. Wala rin naman akong sasabihin. Lumapit siya sakin at bahagyang ginulo ang buhok ko. Hindi na ako umalma at pinanuod na lamang siyang palabas ng kwarto.
----------------
Kaedan's POV
I've been enduring a lot. No matter how I tried to be the best husband it doesn't seem to be enough. I may not be perfect but I know how much I love my family to the point na lahat titiisin ko.
Just like other couples, we also struggle to save our relationship. Ni hindi ko nga akalain na pagkatapos ng lahat ng masasamang nangyari samin nanaisin ko parin ang mabuhay siya.
Keila love her mom so damn much, kaya kahit paulit ulit niya akong saktan hinahayaan ko, wag lang mawalan ng ina ang anak ko.
But for God damn sake! What did I do wrong to suffer this much?. I should've quit and let her go right? But fuck! – And for God's sake again! Seeing her act like she doesn't know us? It's making me sick.
"Everything is unfamiliar to her right now," sabi ni Doc Arellano. "Make her feel she is part of the picture." Papunta kami ngayon sa office niya.
Kanina, hindi ko alam kung matutuwa ba talaga ako o maiinis dahil nalaman ko'ng gising na siya. Pero nung tumawag sakin si Keila at narinig ko ang bawat saya't tuwa sa mga sinasabi niya na gising na ang Mommy niya, lahat ng galit at inis ay muling maduwag magpakita. Kaya halos pagsisihan ko ang ginawa kong pagsigaw kanina na narinig pa ni Keila.
Hindi ko alam kung bakit pero may part sa loob ko ang natutuwa na nagka amnesia siya. Sa ganon kasi hindi niya maalala ang mga gawi niya noon. O kung ano siya dati.
"I will Doc" tanging sagot ko sa kanya.
"Have a seat" ni hindi ko manlang namalayan na nasa office na pala kami ni Doc. Arellano. Masyado nga akong naging lutang sa kaiisip.
Wala sa sarili akong umupo at sinundan siya ng tingin na may kung anong kinukuha sa drawer niya. Habang pinagmamasdan siya sa ginagawa, hindi ko maiwasang maalala si Alysandra. Ibang-iba ang mga mata niya kanina. Wala ang dating yabang at pagmamataas. Pero hindi ako magpapaloko. Masyado na akong maraming beses na nasaktan para maniwala sa bagong maskara niya kahit pa sabihing may amnesia siya.
Inabot niya sakin ang isang malaking brown envelope. Laman nito ang CT SCAN result ni Alys at iba pa niyang laboratories.
"I'll be blunt with you, Kaedan. Ang milagrong pagkagising ni Alysandra ay may kaakibat na komplikasyon. She is suffering from Retrograde Amnesia caused by Traumatic Brain Injury." saglit akong natahimik ng muling magsalita si Doc Arellano.
Umupo siya sa kanyang swivel chair bitbit ang clipboard na may copy sa CT scan result ni Alys. Hindi pa man nag s-sink in sa utak ko ang sinabi niya ay binungad ng pinto si Heldrix pagkatapos ng ilang katok.
"Come in Mr. Travina" si Doc Arellano. Naupo sa tapat kong silya si Heldrix
"Amnesia?" nang sa walas ay matauhan na ako sa sinabi ni Doc Arellano kanina "she can't even recognize her own face in the mirror. She's acting like her whole identity was erased. Is that even normal?"
"In severe cases, yes. Sa bilis ng takbo ng sasakyan nung gabi ng accident, ang utak niya ay nagtamo ng tinatawag nating coup-contrecoup injury. Ibig sabihin, ang utak niya ay humampas sa loob ng bungo niya nang sobrang lakas. Specific parts of her Temporal Lobe—kung saan naka-store ang memories—ay nagkaroon ng severe swelling at bruising."
Kunot noong bumaling din si Heldrix sa kanya "Pero Doc, bakit pati ang personality niya parang nag-iba? Sinubukan ko siyang kausapin kanina bago sumunod dito. And she sounds... different. Soft-spoken, mahinhin. Halos hindi siya makapagsalita ng diretso." halos pareho din pala namang napansin yun agad ni Heldrix sa kapatid niya.
"That's what we call a Personality Shift. Minsan, kapag ang Frontal Lobe—ang part ng utak na nagko-control sa behavior—ay na-damage, ang pasyente ay pwedeng mag-iba ng ugali. It's like the brain rewired itself to survive the trauma. Right now, her mind is in a 'defense mode.' Sinusubukan niyang intindihin ang paligid niya pero dahil walang data ang utak niya tungkol sa inyo, itinuturing niya kayong estranghero." muling paliwanag ni Doc Arellano samin.
I smirked bitterly
"So, Doc, sinasabi mo bang biglang naging 'mabuting tao' ang asawa ko dahil lang sa pagkakabagok ng ulo?" I sarcastically asked.
Dr. Arellano took a deep breath "Medical science can only explain the physical damage, Kaedan. But the brain is a mysterious organ. Ang amnesia niya ay pwedeng Permanent o pwedeng Transient. But for now, kailangan niya ng familiar environment. Her brain needs to feel safe para hindi siya ma-trauma lalo."
"Gaano katagal bago bumalik ang memorya niya?" si Heldrix.
"No one knows. Pwedeng bukas, pwedeng sa isang taon... o pwedeng hinding-hindi na. Right now, her mind is a blank slate. Kung ano ang ituturo niyo sa kanya, 'yun ang paniniwalaan niya. She is literally a stranger in her own body."
Napayuko ako at matamang pinagmasdan ang folder na hawak hawak ko.
"Blank slate... Ibig sabihin, wala na siyang maalala kahit isa sa mga ginawa niya?" wala sa sariling tanong ko habang nananatiling sa folder ang tingin.
"Wala, Kaedan. Even the most basic details about her life are gone."
Napahawak ako sa panga ko. Sa loob-loob ko, hindi ko manlang maramdaman ang lungkot. Sa halip, isang madilim na plano ang nabubuo sa isip ko. Kung wala nang maalala si Alysandra, ibig sabihin, kontrolado ko na ang bawat impormasyong papasok sa utak niya.
Siguro kung sa ibang tao, baka naghurumintado na sila pag nalamang wala ng posibilidad mabalik ang memorya ng mahal nila sa buhay. Pero sakin, kabaliktaran. Mas masaya akong marinig ang ganitong balita.
Hindi na ako umimik sa naging sagot niya sakin. Sapat na sakin sa ngayon ang malamang walang assurance na mababalik pa ang memory niya.
I smirked while looking at her lab results. Habang tinitingnan ko ang CT scan ni Alys, isa lang ang tumatakbo sa isip ko.
Hindi ako natatakot na mawala ang alaala niya. In fact, it's a blessing. I don't want her to remember. I don't want the real Alysandra back.
Sana... sana nga lifetime na ang amnesia niya. Para hindi ko na kailangang makita ang babaeng paulit-ulit na nagtaksil sa akin.
But for now, hindi ako pweding maging kampante sa amnesia niya. Galit pa rin ako. And I still want her to feel that hatred she caused.
Lumabas ako ng office ni Doc. Arellano na may ngiti sa labi. Sa likod ko ay si Heldrix na may katawagan na sa telepono niya.
Habang tinatahak ko ang hall way pabalik sa kwarto ni Alys ay tahimik ko'ng dinadasal sa isip ko, na sana hindi na bumalik ang alala niya.
Sana...lifetime na ang amnesia niya.
----------
Author's POV :
If you are reading this, probably your done reading the first part of my story. First and foremost THANK YOU SO MUCH for spending time. It's really mean a lot to me. Please leave your comment if you like it and see yah on the next part..
Love lots,
Suxyjazz 😘🌺
BINABASA MO ANG
My Stranger Wife
Romance"What if the person you hate the most suddenly becomes the person you can't live without?" Para kay Kaedan Vergara, ang asawa niyang si Alysandra ay isang magandang nightmare. She was a master of betrayal-isang babaeng walang ibang ginawa kundi sakt...
