at the Bar

14 1 0
                                    


Habang papasok ako sa isang sikat na Bar ay naamoy ko na ang halo halong amoy ng alak,amoy ng usok ng sigarilyo..at nakikita ko din ang mga tao na kanya kanya na sila ng ginagawa. merong naghahalikan sa sulok, merong mag babarkada na nag kakasiyahan sa isang table, at meron chill lang..habang palinga linga ako sa paligid upang hanapin kung nasaan ang bestfriend ko ay may bumangga saakin na isang lasing na lalaki..

"ouch!" tiningnan ko kung sino iyon ngunit nagulat nalang ako dahil bigla akong niyakap ng isang hindi ko kilalang lalaki..

"hey michelle i miss you so much!" saad ng lasing na lalaki

"for god sake! hindi ako ang michelle na kilala mo!"nakakasilaw ang ilaw sa buong bar paiba iba ito ng kulay, kaya naman napapapikit pa ako habang nakatingin sa lalaki. sinigawan ko din sya dahil sa lakas at nakakabinging sounds sa buong sulok ng bar..tinulak ko na papalayo saakin ung lalaki at hinanap ko na ang bestfriend ko na si Nicole De Vera, at nakita ko na nga sila  na magkasama ng boyfriend nyang si Jake Ejercito .. magkayakap itong nadatnan ko .. at kung bakit naman ako napapunta dito ay dahil engage na sila ng boyfriend niya..at para i celebrate nila ang kanilang another journey sa buhay..

"hey guys!"bati ko para maistorbo sila sa muntikan na nilang paghahalikan haha

"hey bestie! bakit ba ang tagal mo dumating ha? kanina pa kami naghihintay sayo" sermon ng magaling kong bestfriend saakin at medyo lasing na ..nakarami na ang bestfriend ko ng alak ! hay lasingera talaga ..

"pasensya na ha may dinaanan pa kasi ako.. at alam mo namang hindi ako komportable na pumupunta sa Bar .. alam mo namang i hate alcohol at ang amoy ng usok ng sigarilyo, and guess what?! napagkamalan lang naman ako ng isang lasing na lalaki na gf niya at tinawag pa akong michelle at niyakap pa ako! arrrgggh" mahabang litanya ko naman sakanya

" ihhh pasensya na ha  at naistorbo pa kita  Sam" paawa effect pa ang bestfriend ko as if naman matitiis ko sya!

"but its ok Nicole, matitiis ba naman kita .. and syempre ayoko namang mawala sa pinaka importanteng yugto ng buhay mo :)" at niyakap ko na siya 

"oh sya bestie maupo kana rito at maginom tayo :) i love you hihi " napairap nalang ako sa kagagahan ng kaibigan ko

"jake bakit mo naman pinainom ng sobra ang kaibigan ko ? alam mo namang walang preno sa alak ito .. tignan mo oh!" sermon ko naman kay jake ..

"ayaw papigil Sam eh .. sorry" hinging paumanhin ni jake

"ano pa nga bang magagawa ko"

nagorder nalang ako ng light drinks para hindi ako maboring dito..

habang nakaupo ako ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext

its Stephen my boyfriend

"hey babe..nasa condo mo ako .. kanina pa ako nag dodoorbell.. where are you?" Stephen

nasapo ko ang noo ko.. argh! pupunta nga pala siya sa condo ko bat ko nga ba nakalimutan.. haaays ..

nireplyan ko sya na nasa Bar ako with Nicole ..

"Im sorry babe, i forgot to tell you na nasa bar ako with Nicole..bukas na tayo magkita ha"hinging paumahin ko ..

"what! i've waited you for an hour tapos malalaman ko lang na nasa bar ka?!" ayan nagalit na ng tuluyan ang boyfriend ko

"I'm so sorry babe.. engage na ang kaibigan ko and she invited me here para mag celebrate"hindi na nagreply si Stephen saakin at alam kong galit nanaman saakin .. great Samantha ! goodluck suyo well bukas..

nakita ko si Nicole and jake na sumasayaw na sa dance floor.. enjoy na enjoy ang dalawa samantalang ako heto nagmumukmok sa sulok ..pupunta muna ako ng comfort room..

habang naglalakad patungong CR ay may nadaanan pa ako na naghahalikan .. argh! kahit saan nalang huh.. ang sarap sigawan ng "get a room mga bwiset!"..at sinarado ko ng malakas ang pinto para matigil sila sa kakalampungan sa tapat ng CR haha! ..

_______________________________

palabas na ako ng CR ng may makabanggaan ako at heto ako nauntog sa matigas na parte ng katawan! wait! kinapa ko ito at matigas niyang dibdib! .. jusko lord ilayo nyo po ako sa tukso..

tinignan ko kung sino at nakita kong medyo mapungay ang kanyang mata dala siguro ng alak.. nakatingin din siya saakin at

"I'm sorry miss hindi kita napansin, nagmamadali kasi ako" saad ng lalaki

"ah o-ok lang" bumitaw na ako sa pagkakahawak sa kanyang dibdib at akmang aalis na ng hilahin nya ang braso ko

"wait miss! what's your name?" gulat ako ng higitin nya ang braso ko

"sorry but i don't have time for this " at umalis na ako dun huh sino ba sya at kailangan niya pang malaman ang pangalan ko!..oo gwapo siya pero sorry siya dahil may boyfriend na ako...

nakabalik na ako sa pwesto namin at ang kabigan ko ay lasing na nakapikit na ito at hindi na kinaya ang kalasingan..

"jake ihatid mo na si Nicole sa condo niya lasing na siya"

"sabay kana samin Sam?"

"No its ok.. okay lang ako .. mag tataxi nalang ako" tanggi ko ..

"ok just make sure na makauwi kang safe..malalagot ako sa bestfriend mo kapag may mangyari sayo"

"yes jake, just please take care of Nicole"..

at nagpaalam na nga ako sakanila..nagpara na ako ng taxi dahil coding ang kotse ko so no choice kailangan ko mag commute..

_______________________________________

after 30mins.....

ay nakarating na ako sa condo unit ko.. wala na si Stephen..malamang umalis na yun dahil sa badtrip sakin.. ikaw ba naman paghintayin ng ilang oras at kalimutan ang inyong usapan sinong hindi mababadtrip ..

at sumalampak na ako sa aking higaan pagkatapos kong mag halfbath ..haaays!  its a long and tiring day ! need ko na matulog ..

bago ako matulog ay biglang sumagi sa isip ko yung lalaki sa bar na nakabanggaan ko...in fairness gwapo siya.. kahit hindi katangkaran ay malakas pa din ang dating..

wait! bakit ko nga ba iniisip yung lalaking yun..hayys he's just nothing so erase erase erase! ..

anyway, I am Samantha Claire Mendoza .. 27 years old and currently working at SunTrust properties as a Civil Engineer.




Fallen for Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon