Family Bonding

14 1 0
                                    

9:00 am

Kakagising KO Lang at tinatamad pa akong bumangon.

Nandito ako sa bahay ng parents ko umuwi dahil day off ko naman ngayon, para na din maka bonding ko sila at dahil namimiss ko na din naman sila .. 

habang nakahiga pa ako ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext.

"Hi babe, good morning! :) eat your breakfast first bago ang lahat" si Stephen pala ang nag text, alam niya kasi na nandito ako sa parents ko dahil nagpa alam ako sakanya bago ako nagtungo dito

"good morning too babe !" "yes i will" reply ko naman sakanya

pagka reply ko sakanya ay bumangon na ako at nagtungo ng CR para maligo bago bumaba.


after 20 minutes....

pababa na ako ng hagdan nang naririnig ko ang tawanan sa may sala

"hey guys,anong meron ?" tanong ko kina mama at Aireen

"Hi ate! good morning:) naku wala yun inaasar ko lang si mama" sagot saakin ni Aireen

"ay nako anak, itong kapatid mo kasi puro kalokohan" saad ni mama. iiling iling nalang ako sa kalokohan ng kapatid ko. 24 na pero hindi padin nagmamature puro parin kalokohan.

"tara na sa kusina at mag almusal ka na anak" yaya saakin ni mama. nagtungo na din ako sa kusina para kumain 

"sige po mama" "nasaan po pala si papa?" sunod ko namang tanong sakanya

"nagsimba ang papa mo anak, hindi na muna ako sumama kasi alam kong kailangan mo ako dito :) at naiintidihan naman yun ng papa mo kaya siya nalang muna mag isa nagtungo ng simbahan" 

"ok lang naman po ako dito mama, dapat po sumama nalang kayo kay papa"

"gusto ko lang na alagaan ka anak habang nandito ka sa bahay, alam mo namang bibihira ka lang maka uwi dahil sa trabaho mo at namimiss na kita"haays si mama talaga.

"sige po mama,babawi po ako sa susunod na uwi ko dito:)"ngiti kong sabi kay mama.at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko

____________________________________

pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa sala, naabutan ko si Aireen na nanunuod ng korean drama.

"Aireen kamusta pag aaral mo ha?" tanong ko sakanya pagka upo ko sa tabi niya

"ok naman po ate" sagot niya habang kumakain ng chips

"buti naman kung ganon, pagbutihin mo ang pag-aaral mo para makapagtapos ka at maka hanap ka ng magandang trabaho, sina mama at papa tumatanda na kaya wag kang magpapasaway sakanila" paalala ko sakanya

"opo ate, hindi ko po sasayangin ang sakripisyo niyo po para saakin :) mag-aaral po ako ng mabuti" ngiting saad ng kapatid  ko kaya naman pinisil ko ang matambok niyang pisngi haha ang cute cute kasi ng kapatid ko 

"ano ba ate, lagi mo nalang pinipisil ang pisngi ko -_-" haha naka simangot na saad niya

"haha eh sa ang sarap pisilin eh ang cute2x mo pa!" asar ko sakanya

habang naguusap kami ni  Aireen ay dumating na si papa at kaagad akong tumayo para mag mano...tinulungan ko na din siya sa mga bitbit niya

"Ang dami nman ho nitong pinamili mo papa, anong meron at mukhang madami po kayong lulutuin?" takang tanong ko 

"Aba'y syempre nandito ka anak! kaya gusto kong paglutuan ka ng mga paborito mong pagkain :)" si papa talaga :) bumili ba naman ng karneng baka,hipon,crabs,bangus at iba'tibang klase ng prutas

"PA malayo pa po ang birthday ko :D" natawa nalang si papa sa sinabi ko at dinala ko na sa kusina ang mga pinamili ni papa.

"Ang dami naman nyan anak" gulat na saad ni mama pagkarating ko ng kusina

"eh si papa po ang bumili niyan, gusto niya daw po lutuin para saakin dahil ngayon lang po ulit ako nka uwi dito sa bahay"

"oh siya sige anak iwan mo nalang jan sa mesa at ako na ang bahala mag ayos nyan" 

"sige po mama, magpprepare po ako ng table sa garden para duon po tayo kakain ng lunch :)" masayang turan ko kay mama

"sige anak ikaw bahala"

pumunta muna ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko at  baka may nagmessage na importante

pababa na ako ng magmessage si Nicole..

"Hi Beshy, how's your day with your fam?"

"ok naman, ito at maglulunch kami sa garden:) ang daming binili ni papa na favorite food ko. sayang nga at wala ka" madalas din kasi dito sa bahay si Nicole noong high school at college kami, ngayon nalang na may trabaho ay bihira na siya makasama dito at dahil na din siguro sa engage na siya

"Sorry beshy medyo busy lang ako, next time sasama ako sayo to visit na din sina tito&tita :)"

"ok, Bes, no worries:)"

tapos ko na ilagay ang mesa sa may garden.kumuha na din ako ng mga pinggan para saaming apat.

si papa ay nagiihaw ng bangus, si mama naman ay nagluluto sa kusina.si Aireen naman ay naghihiwa ng manga,pinya,at apple para naman sa dessert

"Ma tapos na po ako sa garden ano pa po ang pwede kong maitulong ?"

"tapos ko nang lutuin yung hipon at crabs anak, paki salin nalang sa plato. malapit na din itong nilagang baka maluto" 

"ok po mama" nilagay ko na nga ito sa plato para malagay ko na sa mesa sa garden,excited na akong kumain hehe ang sarap ng luto ni mama, ito ang namimiss ko kapag nasa manila ako, at masarap naman talaga magluto si mama.

Habang kumakain kami ay tinanong ako ni mama kung bakit hindi ko kasama si Stephen dito.

"busy po siya ngayon mama." "madami po siyang inaasikaso sa trabaho"

"ganun ba, nako sa susunod na bisitia mo anak isama mo na ang boyfriend mo para mapaglutuan ko din siya ng masasarap na pagkain:)" masayang sabi saakin ni mama, well botong boto si mama kay Stephen para saakin. bukod sa gwapo ito ay napakabait pa.mala korean daw ang itsura :D

"trabaho nga lang ba anak?" tanong naman ni papa

"Papa naman, may tiwala po ako kay Stephen." "hindi niya po ako lolokohin"

"Aba'y dapat lang anak! dahil pag nalaman ko na niloloko ka niya hindi ko alam ang magagawa ko sakanya, ni kahit kailan hindi ko kayo sinaktan na magkapatid" si papa talaga napaka over protective saamin ni Aireen hindi ko naman siya masisi dahil si papa yung tipo na kapag masugatan lng kami ay naghihisterical na.dinaig pa si mama haha

"tama na yan Alfonso hayaan mo nalang sila, nasa tamang edad naman na sila..at alam nila ang ginagawa nila, wala naman ako nakikitang masama pagdating kay Stephen" awat ni mama kay papa

"Pasensya na anak alam mo naman na pinoprotektahan ko lang kayo sa anumang makaksama at magpapahamak sainyo, ayoko lang na nasasaktan kayo"hinging paumanhin ni papa

"ok lang po Papa,naiinitindihan ko naman po kayo"

pinagpatuloy ko nalang ang pag kain ko at hindi na nagsalita..

natapos na din kaming kumain at sobrang nabusog ako.

masaya talaga kapag kasama ang pamilya :) kailangan ko nang sulitin ang ilang oras ko sa pamilya ko dahil bukas balik nanaman ako sa trabaho..




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen for Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon