Napansin ko ang kanina pang pagtitig niya sa akin kaya inirapan ko siya dahilan para tumawa siya."Bakit, anong meron sa mukha ko?"tanong ko.
"Kagandahan." nakangiting sagot niya bago bumalik sa desk niya.
Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakafocus na sa laptop niya. He's been acting weird lately, ewan ko kung ako lang ba nakakapansin.
Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya ngumisi siya sa akin.
I just rolled my eyes on him. Wala akong time sa kalokohan mo Alvarez.
"Tin, tawag ka ni engineer." mahinang saad ni Tasha sa akin. Kumunot ang noo ko habang iniisip kong bakit biglang ipinatawag niya ako.
Huminga ako ng malalim bago tumayo para puntahan siya.
Engr. Kalhil Lenard Blanza. My ex-boyfriend.
Tumikhim ako."Pinatawag mo daw ako." mahinang sabi ko.
Humarap siya sa akin tsaka ako pinasadahan ng tingin mula taas paibaba.
"What?" pinanlakihan ko siya ng mata.
"Kung wala ka rin namang sasabihin pwede na ba akong umalis?" medyo naiirata ng tanong ko.Ngumisi siya sa akin bago tumayo tsaka lumapit sa bintana."I heard sayo na assign yung pinapagawang chapel sa masbate." saad niya. "Can you show me your designs?"
"Okay, yun lang ba?" tanong ko.
Humarap siya sa akin at bahagyang tumango.
"Kung ganun, maari na po ba akong umalis?" tanong ko tsaka ngumiti ng pilit.
Paalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako sa pagbukas ng pintuan. Liningon ko siya ng nakakunot ang noo.
"Proud of you, Archt. Silvano." He smiled.
Tumango lang ako tsaka lumabas. Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumalik sa desk ko.
"Anong sabi, nakikipagbalikan ba?" excited na tanong ni tasha.
Kinurot ko siya sa tagiliran tsaka sinenyasang tumahimik. Lumingon ako sa mga katrabaho ko at nakahinga ng maluwag ng makitang busy silang lahat.
"Yung bibig mo tasha," suway ko sa kanya. "Baka marinig ka ng mga katrabaho natin, mahirap na baka ano pang isipin nila."
Ngumiti siya ng nakakaloko. "So, ano nga sabi?" pabulong niyang tanong.
"Wala, he just asked for my designs." sagot ko.
Para siyang nanlumo sa narinig. Umiiling siyang bumalik sa desk niya.
Inayos ko muna yung mga designs ko bago tumayo para puntahan siya sa office niya. Napangiti na lang ako ng mapait.
Kumatok muna ako bago pumasok. "Nandito na po yung mga designs." mahinang sabi ko tsaka nilapag sa table niya.
"Ito na ba lahat?" tanong niya.
Tumango ako. "You can ask for the designs of Arch. Alvarez too, kung wala kang magustuhan sa mga designs ko." saad ko.
Tumango siya. "You still never fail to amaze me, huh?" inangat niya ang tingin niya sa 'kin tsaka ngumiti.
Nagkibit balikat lang ako tsaka umupo. Habang busy siya sa pagtingin ng mga designs ko iginala ko ang mga mata ko sa office niya. The white and gray combination looks nice. Sobrang calm ng paligid.
Kalhil was my first boyfriend. We've been together since high school. Sabay nangarap, sabay nagplano para sa future. But then, things didn't go according to our plan.
Napaiwas ako sa nakita ko, It was a picture of us on our first anniversary. Kung di ako nagkakamali si tita pa ang kumuha niyan.
I fake a cough and it caught his attention.
Nakakunot ang noo niya sa akin. "Are you okay?" tanong niya.
Agad naman akong tumango. I was about to say something nung may biglang tumawag sa phone niya. He excused himself before answering his phone. Wala pang ilang minuto ay bumalik na siya sa kanyang upuan.
"May sasabihin ka ba?" tanong niya.
Umiling ako. It's already luch break at paniguradong naghihintay na sa akin si tasha.
"Do you want to join me for lunch?" he asked.
Umiling ako. "I'm with Tasha." saad ko.
"Then, take her with you." pagpupumilit niya.
I just nodded. Agad kong itinext si Tasha for sure abot tenga na naman ang ngiti nun.
Nauna akong lumabas sa office niya. Sinabi lang niya kung saan kami magkikita.
Sinundan ako ng tingin ni Tam. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Isinara niya ang laptop niya tsaka nagmadaling lumapit sa akin.
"San kayo magllunch, sama ako." saad niya.
"Hindi pwede." sagot ni Tasha.
Nagsimula na naman silang magbangayan. Hindi na ako nagsalita pa't nauna nang lumabas.
Pagkarating namin sa restaurant naka order na siya. Kunot noo ko siyang tinignan. What is he planning to do?
"My treat." sabi niya matapos mapansing nakakunot ang noo ko sa kanya.
"Thanks, Engr." singit ni Tam.
Pansin kong nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Tam sa likod ko.
"Uhm.. sinama na namin wala kasing kasabay."
Tumango siya.
Tahimik lang kaming kumakain. Tanging tunog lang ng mga kobyertos ang maririnig mo.
"So, how's tita?" pagbasag niya sa katahimikan.
"Okay naman siya." sagot ni Tam.
Inirapan ko siya. Ngunit ngumisi lang ito sa akin.
"I'm asking trinity." pagsagot niya kay Tam.
Napahawak na lang ako sa sentido ko. Sabi ko nga hindi magandang sinama pa namin si tam.
"Ako na sumagot para sa kanya, kumakain e." sagot niya "Bawal kasi magsalita kapag puno yung bibig diba tin?" tumango na lang ako sa pagaakalang titigil na sila.
"Bakit, ikaw ba siya?" muling tanong ni kalhil.
Nagkatinginan lang kami ni Tasha. Pinanlakihan niya ako ng mata. Hindi na 'to maganda.
"Hindi, pero as her suitor ako na ang sumagot. Hindi ba pwedeng nagaalala lang ako sa nililigawan ko?" sagot ni Tam na ikinagulat ni Tasha at Kalhil.
Gulat na gulat akong kinurot ni Tasha sa tagiliran. Pilit akong ngumiti para hindi mahalatang kinakabahan ako.
"Oh, I see. Then may the best man win." sagot niya tsaka tinawag yung waiter para sa bill.
BINABASA MO ANG
Wave Of You [On-going]
RomanceIf you were trinity, who would you choose between your past and your present?