Hindi ako nakatulog buong magdamag. Ang tanging tumatakbo lang sa utak ko ay ang sinabi ni Tam. Palagi naman niya itong sinasabi pero this time ibang iba.
"Gosh, umayos ka nga Trinity," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame. "Trinity tama na, nagbibiro lang ito okay? may trabaho ka pa bukas."
Para na siguro akong tanga sa ginagawa ko. Kung may makakarinig man sa akin paniguradong iisipin nilang nababaliw na ako. Humugot ako nang isang malalim na hininga at saka nagtalukbong ng kumot.
At makalipas nang ilang minuto dinalaw rin ako ng antok. Hindi pwedeng wala akong tulog bukas magiging haggard ako tignan.
***
Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan ko. Pikit mata akong tumayo at naglakad patungo rito.
"Good morning, breakfast is ready." Nakangiti nitong sabi at saka pinasadahan nang tingin ang suot ko.
Umawang ang labi ko. I was just wearing a white sando and a loose pyjama. Tangina. Wala akong bra!
Napatakip ako sa katawan ko at saka sinarado ang pinto. I heard him chuckle, which made me more embarrassed.
"Next time wear something good." Sabi niya. Narinig ko ang mga yapak niya paalis kaya nakahinga ako nang maluwag.
Tinignan ko ang suot ko. Fuck! Anong kahihiyan 'to Trinity!
Nagmadali akong ginawa ang morning routine ko pagkatapos ay bumaba na para makakain.
Nakatingin si Tam sa akin na para bang wala itong sinabi kagabi na dahilan para hindi ako makatulog. I rolled my eyes on him. "Sa pagkain ang tingin 'wag sakin." sabi ko.
Tumawa siya at may binulong pero hindi ko ito naintindihan. Bakit ba ang hilig hilig nitong bumulong. May lahi ba siyang bubuyog?
Tumingin ako sa gawi ni Kalhil na ngayon ay tahimik na kumakain. Even with his slightly unruly hair, he looked very handsome. Stop it Trinity!
"Stop looking at me. Sa pagkain ang tingin 'wag sakin." panggagaya nito sa sinabi ko kanina. Minsan lang ito magsalita nang tagalog kaya magugulat ka na lang talaga.
Napaubo ako at saka binaling na lang ang tingin sa pagkain ko. Pagkatapos ay naghanda na kami para sa pag alis. Kalhil didn't took his car instead, sumabay ito sa amin. Nasa harap silang dalawa and I'm on the backseat. Nagtalo pa ang mga ito kung sino ang magmamaneho. Tss, parang mga bata.
"Nadala mo ba lahat?" Tam asked.
Ininspeksyon ko lahat nang dala ko at saka tumango. Tahimik lang ako sa likod at nakatingin sa labas ng bintana.
Nagiwas ako ng tingin nang mapansing nakatingin sa akin si Kalhil. "Sa daan ang tingin 'wag sakin." saad ko na ikinangisi niya.
"I can still drive without looking at the road." He replied, still not taking his eyes off of me.
Umubo si Tam sa tabi nito.
"What?" tanong niya kay Tam. Umiling lang si Tam sa kanya at takip bibig na binaling ang tingin sa labas ng bintana.
Napailing na lang din ako sa kanila. Ano bang meron sa dalawang kumag na to. Tahimik lang kaming tatlo hangang sa makarating. Pagbaba namin agad na sumalubong sa amin ang isang pamilyar na matandang lalaki.
Nakipag kamay si Kalhil sa kanya gayundin si Tam. Lumapit naman ako para makipag kamay at magmano. Sobrang pamilyar niya sa akin ngunit hindi ko matandaan kong sino.
"Ang laki laki mo na iha." Ani nito sa akin.
Sinuklian ko lang ito nang ngiti dahil hindi ko talaga matandaan kong sino siya. Napansin niya siguro ang pagkalito ko sa mukha kaya muli siyang nagsalita.
"Hindi mo na siguro ako maalala. Ako si Ben pagaari ko ang lupang pagpapatayuan nang chapel." aniya.
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang matandaan ko kung sino siya. Siya si Mang Ben yung may ari nang bahay na palagi naming pinupuntahan ni Kalhil noon.
"Mang Ben!" Bulalas ko at saka siya yinakap. He's really a nice person, sobrang napaka down to earth niyang tao. Lahat ata dito ay hinahangaan siya.
Pagkatapos nang konting kamustahan dinala niya kami sa lugar kong saan ipapatayo yung chapel. Napakalawak na lupain ito. At ayon kay Kalhil ibinigay niya daw ito ng kusa. Di na ako magtataka pa dahil mayaman naman talaga ang pamilya ni Mang Ben.
"Narinig ko may sakit daw siya at bilang na lang ang araw na natitira sa kanya." Bulong sa akin ni Tam na ikinagulat ko.
Hindi ako nakapag salita. Nilingon ko sila sa di kalayuan at seryoso silang naguusap ni Kalhil.
"Sinong nagsabi?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Narinig ko yung usapan nila kanina ni Engr." He replied.
Nanatili akong tahimik. Hindi parin makapaniwala. Kaya ba binigay niya na lang itong lupa? Agad akong nagpeke ng ngiti nang lumingon ang mga ito sa amin.
"Ang hirap siguro nun. Mayaman ka nga, may iniinda ka namang sakit."
Tumango ako sa kanya. Alam na kaya ng mga anak niya? Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik ang mga ito sa pwesto namin. Inaya kami ni Mang Ben sa bahay niya para mag meryenda, hindi naman kami makatanggi dahil ngayon lang din naman ulit kami nagkita kita ulit.
Tahimik lang kami habang naglalakad pabalik sa sasakyan. Mang Ben told us not to use our car anymore dahil malapit lang naman daw ang bahay niya.
Halos napapatingin ang lahat sa amin at ang iba'y kumakaway pa sa akin. Malamang natatandaan rin nila ako. Tanging ngiti lang ang sinusukli ko sa kanila. I used to be so friendly here before halos lahat ay kakilala ko kaya hindi na ako magtataka kung naaalala rin nila ako.
"Dami mo namang fans." bulong ni Tam sa tabi ko.
I just rolled my eyes on him.
"Meron ka ba ngayon?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko. How did he know?
"How did you know?"
Tumawa siya. "So, meron ka nga? kaya naman pala ang sungit mo." aniya.
Aakmang kukurotin ko sana siya sa tagiliran ng biglang tumikhim si Kalhil sa harap namin.
"Focus on your way. Stop flirting with Alvarez." He coldly said.
Mang Ben chuckled. He knows everything about us.
With my jaw dropped, I looked at Tam, who was now super red, trying his best not to laugh. I raised my middle finger at him, and that made him smirk.
"I would love to, but we're here for work. Maybe next time." nakangisi niyang sabi.
Namula ako sa sinabi niya. Fuck you Alvarez!
Hindi ko na siya pinansin pa hanggang sa makarating kami sa Mansion ni Mang Ben. Kagaya ng dati manghang mangha padin ako sa laki nito.
Even Kalhil looked amazed. Kagaya rin ito ng dati ngunit madaming nabago.
Just like us.
BINABASA MO ANG
Wave Of You [On-going]
RomanceIf you were trinity, who would you choose between your past and your present?