02

5 1 0
                                    

Maaga akong pumasok sa office ngayon hindi dahil gusto ko kundi dahil may iniiwasan ako. Isang lunch lang naman yun pero bakit parang sirang sira ang buhay ko. Gosh!

Kanina pa ako tinetext ni Tam kung nasaan na ako. Pagkatapos kasi ng nangyari kahapon mas lalo na siyang naging weird. Anyway, he's not my suitor.

Tasha texted me. Nasa cafe pa daw siya at ipinapatanong kung anong gusto ko. Pwede ko bang sabihing gusto ko ng peace of mind? At dahil nasa cafe pa si Tasha pinili ko na lang mauna sa office.

"Aga mo today, ah." salubong ni Mara sa akin.

I just smiled at her.

Bago pa ako makaupo sa desk ko napansin ko yung bulaklak sa table ko. Agad akong lumingon lingon sa paligid. I searched for the card para tignan kung saan galing.

But, it was just a message saying 'good morning, beautiful.' It was pink tulips. Alam niya yung favorite flower ko.

Napailing na lang ako tsaka nilapag ito sa table ko. Sakto namang pagdating ni Tasha.

Gulat siya nung makitang may flowers sa table ko. Tinignan lang ako nito ng nakakaloko.

"Hulaan ko kung sino nagbigay."

"Walang nakalagay na pangalan, wag kang manghula." sagot ko sa kanya.

"Haba naman ng hair mo," aniya. "Baka pwedeng pahiram."

"Tigil tigilan mo ako, Natasha."

May sasabihin pa sana siya kaso pinutol ko dahil nakita ko ang pagpasok ni Tam. Ngiting ngiti ito na tila ba nananalo sa loto. Pero agad na nawala ang ngiti nito nung mapansin yung bulaklak sa table ko.

"Good morning," bati niya.

Inirapan ko siya. "Masyadong maganda yung umaga ko para sirain mo Alvarez."

"Masyado akong gwapo para masira araw mo." sagot naman nito.

"Ang kapal mo." saad ko.

"Ikakagalit ba ng umaga kung sa akin mas maganda ka?" dagdag pa nito.

Napatili si Tasha sa sinabi nito pero agad ding tinakpan ang bibig dahil nakuha niya ang atensyon ng iba pa naming katrabaho.

I rolled my eyes on him. Ngumisi lang ito sa akin. Kinuha niya yung mga bulaklak sa table ko at ininspeksyon.

"Kanino galing?" tanong nito.

"Pake mo?" sagot ko.

"Akin na lang." aniya bago kinuha ito at nilapag sa table niya. Nakakahiya naman sayo Alvarez ikaw ba binigyan?

Halos araw-araw ng naulit yung pagbibigay sa 'kin ng bulaklak tuwing umaga. Hindi ko na lang pinapansin dahil wala rin naman akong time sa mga ganyan. Kung may balak silang ligawan ako or what  dapat diretsohin nila ako.

"Kulang na lang gawing garden yung table mo e." saad ni Tasha habang nililigpit yung mga bulaklak sa table ko.

Sanay na din yung mga katrabaho kong nakakakita ng bulaklak sa table ko uma umaga. Pero wala ni isa sa kanila ang may alam kung sino ang nagbibigay.

"Hindi kaya si Engr? tanong ni Tasha.

I just shrugged. Minsan naiisip ko din na siya pero ayokong magassume. Bakit naman niya gagawin diba? Besides, after nung nangyari sa lunch we never talked again. At ayoko din namang makipag usap.

"Nood kayo gig namin mamaya." pag-aaya ni Tam sa amin.

"Ayoko, 'di ka naman magaling. Sisirain mo lang gabi ko." sagot ko sa kanya.

Umakto siyang parang nasasaktan. "Ang sakit mo naman magsalita miss." aniya.

"Kasama ba ulit si Rocky?" masayang tanong ni Tasha.

"Sino si Rocky?" tanong ni Tam pabalik sa kanya.

Tumawa ako. "Rocky kase pinangalan niya dun sa guitarist niyo." sagot ko.

"Ah, si Chonce." aniya.

Napilit niya din kaming manood ng gig nila. Friday pa naman punta naming Masbate para icheck yung lugar na pagpapatayuan ng chapel.

"Punta kayo ha, text niyo 'ko kung papasundo kayo."

Tumango lang ako.

Umayos ako ng upo nung mapansing palapit sa 'kin sa kalhil.

"Good afternoon, Engr." tumayo ako para batiin siya.

Tumango lang siya tsaka ako pinaupo. He looked so stressed pero tangina ang gwapo parin.

"Don't forget to bring your other designs on Friday okay?" saad niya. "And.."

"And?" tanong ko.

"Nevermind." sagot niya bago tumalikod sa akin.

Kunot noo kong inayos yung table ko bago tumayo para puntahan si tasha sa baba.

Pasara na yung elevator nung makarating ako kaya nagmadali akong hinarang yung kamay ko para pigilan ito sa pagsara. Ngunit tila maling desisyon ang ginawa ko.

Tangina.

Tumikhim ako tsaka umayos ng tayo. Lumayo ako ng kaunti sa kanya para hindi niya marinig yung kumakalabog kong puso.

"Are you going home?" tanong niya sa kalagitnaan ng katahimikan.

Umiling ako. "Manonood ng gig ni Alvarez." sagot ko.

Tumango siya. "Can I come?" tanong nito.

Lord, bakit? Tanging nasabi ko na lang sa isip ko. Akala ko sa pageenglish lang sasakit ulo ko pati pala sayo.

I just nodded. Paano ba ako tatanggi. Nasa baba na rin daw si Tam at Tasha.

Matalim ang tingin ni Tam sa akin pagkarating ko sa pwesto nila. As if ginusto kong makasabay si Kalhil no?

"Sasama daw." sabi ko sa kanila sabay turo kay Kalhil.

"I'll bring my car, sakin ka na lang sumabay." saad niya bago puntahan yung kotse niya sa parking lot.

Bago pa man ako magsalita nahatak na ni Tam ang kamay ko.

"Sa akin na siya sasabay." aniya.

Napatigil siya sa paglalakad. Bakas sa mukha niya ang inis pero agad ding tumalikod sa amin.

"Ako na lang sasabay sayo." saad ni Tasha bago tumakbo para habulin si Kalhil.

Kinurot ko sa tagiliran si Tam nung marinig na bumubulong pa ito.

"Kelan ka pa nagkaroon ng buntot?" tanong niya.

"Tigilan mo ako ha, baka magbago isip ko." sagot ko sa kanya kaya tumawa siya.

"Meron ka ba ngayon?" tanong niya ulit kaya hinampas ko siya sa balikat.

Nauna  akong maglakad sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka kung ano pa ang magawa ko sa taong to.

Tumatawa lang ito habang nakasunod sa akin.

"Suggest ka ng kanta, kakantahin ko mamaya para sayo." aniya nung maabutan ako.

"Ayoko nga, baka masira gabi ko." sagot ko sa kanya.

"Alam ko namang maganda boses ko Tin, 'di mo na kailangang sabihin pa." dagdag pa niya.

Inirapan ko lang siya. Punong puno na ako sayo Alvarez.

"Baka kapag narinig mo akong kumanta sambahin mo na 'ko." ani pa niya.

"Ano ka diyos para sambahin?" tanong ko.

"Di ako diyos pero pwedeng pwede mo akong luhodan." tumatawang sagot nito.

Wave Of You [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon