Nagpumilit pa itong sa kanya na lang daw ako sumabay pero at the end sumuko din ito. Akala mo naman magkaibang lugar yung pupuntahan namin.
Dinampot ko ang cellphone ko sa kama ko nang marinig itong tumunog.
Tam:
Sa baba na ako.'wag kang magmadali, take your time hihintayin kita.
Kinuha ko na ang mga dapat kong dalhin at nagmadali ng lumabas. I double locked my door first bago bumaba. Just to make sure na walang makakapasok na kung sino.
"Sabi kasing 'wag magmamadali." ani nito nang muntikan na akong matumba dahil sa mga bitbit ko.
Kinuha niya sa akin ang ibang bitbit ko at dumiretso sa compartment ng sasakyan niya. He even complained na ang dami ko daw dala e hindi naman daw kami gaanong magtatagal doon.
Eight thirty na nang umaga kami nakaalis. Hindi naman gaanong malayo ang masbate kaya hindi kami aabutin ng ilang oras sa pagbbiyahe.
"Sigurado akong bored na bored na si Tasha sa office ngayon." aniya.
Tumawa ako."Gusto nga sana niyang sumama kaso next time na lang daw pag medyo mas magaan na yung trabaho niya."
Tumingin ito sa akin.
"Ang ganda."
Umirap ako sa kanya.
"Ang ganda ng view kako." aniya na mas lalo kong ikinairap sa kanya.
"Whatever." tanging sagot ko na lang at saka bumaling sa bintana. And, yeah he is right ang ganda nga ng view.
Sinabihan ko siyang tumigil muna sa jollibee to get us food for lunch. Ang walang kwenta ko namang kaibigan kong pagmamanehoin ko itong gutom diba.
"Ako na oorder, wait for me here." sabi ko.
Tumango lang ito sa akin. Kabado akong tumawid ng kalsada. It's been my biggest weakness simula nung bata pa ako. Maybe dahil muntik na akong mamatay noon dahil muntikan ng masagasaan.
"Ingat ka." narinig ko pang sigaw niya bago ako makatawid.
While I was waiting for my order, A guy suddenly appeared in front of me. At dahil nakaupo ako tiningala ko siya. He was smiling widely.
"May kasama ka ba?" tanong nito.
I nodded."Nasa kotse, inaantay ko lang yung order ko." sagot ko at saka kunwaring tumingin tingin sa palagid nagbabaka sakaling layuan na ako neto.
"Kung ganun, pwede bang makuha na lang number mo?" dagdag pa niya.
I was about to answer him no, but someone did it for me.
"Hindi pwede, yung number ko na lang kung gusto mo." sagot ni Tam sa kanya.
The guy faked a smile. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"Asa naman siya." bulong nito.
"Sabing antayin na lang ako dun e," suway ko sa kanya."Malapit naman na." dagdag ko pa.
"Mukha akong timang dun." aniya.
"Hindi ka mukhang timang, timang ka talaga." sagot ko. But as usual, he didn't get mad at me and instead, he laughed at what I said.
"Ang gwapo ko namang timang kung ganun." aniya.
Napabuntonghininga ako habang pinapanuod ang malakas na pagtawa niya na akala mo'y walang mga tao sa paligid naminq. "San banda?" pagputol ko sa pagtawa niya.
Tumigil siya sa pagtawa at sinamaan ako ng tingin.
"Tss. nakakasakit kana talaga. Pasalamat ka, Trinity. Pasalamat ka talaga at-"
"At ano, huh? Ano?" hamon ko.
"At 'di ako pumapatol sa maganda." bulong niya sapat lang para marinig ko.
Hindi na ako nagsalita pa. Purposely ignoring it, Tumayo na ako para kunin na yung order ko.
Bumalik kami sa sasakyan para kumain. Hangang sa pagkain hindi ako tinantanan ng kupal na 'to.
***
It was six in the evening nang makarating kami sa Masbate. Supposed to be ngayon sana iccheck yung lugar na pagpapatayuan pero dahil daw medyo mahaba ang biyahe mula maynila hangang rito ay ipinagpabukas ito. Good, dahil nakakapagod kahit wala naman akong ginawa.
Muntikan pa akong mapabalik nang maynila nung malaman kong sa rest house nina kalhil kami magsstay ngayong gabi. But in the end wala akong nagawa kundi pumayag para sa trabaho to e.
Sa sobrang kagustohan kong kalimutan ang lugar na ito muntik ko nang makalimutang taga rito pala siya. I've been here before nung kami pa ni kalhil. Sobrang dami naming memories dito dahilan para gusto ko nang kalimutan itong lugar.
Naalala ko pang nangako pala siya sa mga taga rito na kapag engineer na ito ay siya mismo ang magtatayo ng chapel para sa kanila. At ito na nga unti unti na niyang natutupad. Nasaktan ako sa desisyon niya pero I can't help but to be happy and proud for him.
Nagsimula sa mga katagang,
"We'll achieve our dreams together, love. I'll be here always to support you, okay?"
At humantong sa,
"Maybe it's time for us to grow on our own. We'll still achieve our dreams, but not together anymore. I'll always love you. Good bye."
Kalhil and I are two people who used to be in love.
What a beautiful thing to have been.
What a sad thing to be.
Napapikit na lang ako sa mga naalala, dito kami unang nagsimula at dito rin nagtapos. Good thing na malapit lang sa dagat ang rest house nila. Nakaka relax para akong hindi pumunta dito para sa trabaho.
Nabigla ako nang magsalita si Tam sa likod ko. Tss.
"Iniisip mo siguro ako kaya hindi ako makatulog no?" aniya.
Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mata.
Paano niya nalamang nandito ako."Paano mo nalamang nandito ako?"Tinuro niya ang rest house. At saka binalik ang tingin sa akin.
"Hindi naman ako bulag para hindi ka makita, sa ganda mong yan." ngumingising sagot nito.
Tinalikuran ko siya at humarap sa dagat. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko.
"Magpatayo din kaya ako nang bahay rito." aniya.
Nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa dagat. Kagaya ng mga alon sa dagat ang kalmado niyang tignan.
Umiling iling ako. Kelan ka pa naging corny Trinity?
"Ganda no?" muli niyang saad.
According to my peripheral vision nakatingin ito sa akin. Pinili ko na lang tumango sa kanya para maiwasang tignan siya.
Tahimik lang kaming nakamasid sa dagat. Tanging ang ragasras na lang ng alon ang maririnig.
"Tin," pagtawag niya sa pangalan ko.
Nilingon ko siya. Ngunit nanatiling nakatingin lang ito sa dagat."Ano?" sagot ko
"Alam mo ba kung bakit Tin ang tawag ko sayo?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko."Ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko.
Tumawa siya. At saka tumayo at pinagpagan ang suot nitong pangibaba.
"Wala. Tara na sa loob gabi na." aniya at saka inalok ang kamay para tulungan akong makatayo.
Inabot ko ito pagkatapos ay nagpagpag na rin. Kunot noo akong naunang maglakad sa kanya. Ano bang trip nito sa buhay at dinadamay pa ako.
"Kasi ikaw lang ang tanging iniibig ko." he whispered that didn't miss my ears.
BINABASA MO ANG
Wave Of You [On-going]
RomanceIf you were trinity, who would you choose between your past and your present?