Chapter 18

32 0 0
                                    

Kagat ko ang labi habang iniisa isa ang mga susi niya dahil hindi ko mabuksan ang pinto lalo pa't damang dama ko ang bigat niya sa likod ko.


Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan ko na iyong mabuksan. Nang hihina na ang tuhod ko at nahihilo pero pinilit kong dahan dahan siyang ihiga sa sofa nila.


Napaupo nalang ako sa sahig na pagod na pagod at pawis na pawis. Hinubad ko ang polo ko dahil sa init na nararamdaman at binuksan ang aircon nila. Bumalik ako sa pagkakasandal malapit sa kaniya para mahulog man siya pagkatagilid ay masasapo ko.


Nakakaramdam pa rin ako ng hilo dahil hindi ako nagpigil kanina ng inom. Nagpahinga ako saglit bago tumayo at kumuha ng tubig para uminom at pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina nila para basain ang panyo ko. Pagkabalik ay sinikop ko ang buhok niya sa isa kong kamay at ang isa naman ay pinupunasan ng marahan ang mukha niya.


She's in a deep sleep and I'm sure she won't remember about this night even how she got on Sab's house. I don't have plans to make her remember and just act as nothing happens. Sana lang ay hindi siya isumbong ni Eve kahit pinakiusapan ko na ang babae. Sabi ko rin kay Sab na 'wag na sabihin pa sa pinsan ko dahil lasing na iyong mga 'yon panigurado.


Pinakatitigan ko ang mukha niyang wala ng make up ngayon. Mukhang pagod ang mata pero sobrang amo niya tingnan. Nakatitig lang ako habang pinupunasan ang kamay niya. Itinali ko ang buhok niya at pagkatapos ay umupo sa sofa malayo kung saan siya nakahiga.


It's already 3 am and I'm also sleepy. Pinipigilan ko lang dahil gusto ko pa siyang tingnan. Matagal tagal din noong nakita ko siya ng malapitan o kahit sa ganitong distansiya man lang.


Wala akong balak na ipaalala sa kaniya ang gabing 'to at ang nangyari. Ayaw pa maproseso ng utak ko ang lahat ng nangyayari sa kaniya. Nagaalala ako dahil wala niisa sa amin ang may kakilala sa lalaki kahit ang bestfriend niyang si Sab ay hindi kilala.


If they're dating I would be uneasy. I believe that she doesn't deeply know that person though she looks happy with him. I don't trust him but I can't judge him easily. Baka nakakaramdam lang ako nito dahil nangyari na ang kinatatakutan at iniiwasan kong mangyari.


I'm not threatened by him, I just wanted the best man for Jill. I believe I am him but it's her to decide. I always wanted to be that man. I know I can be a good partner to her.


Unti unti akong lumapit sa kaniya at umupo sa harapan. Nakaramdam ako ng kaonting kirot habang pinagmamasdan ang mukha niya. Dahan dahan kong inilapit ang kamay saka marahang hinawakan ang pisngi niya.


"Pwede bang ako nalang?"


Bulong lang iyon pero halos isigaw na iyon ng puso ko. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya ng hindi lasing at hindi tulog. Gustong kong umamin hanggat hindi pa huli ang lahat...hanggat hindi ko pa nakukumpirma.


Napayuko ako at hinawakan ang kamay niya. Nababalot ng katahimikan ang paligid at dilim ang sumasakop samin. Kahit huni ng kahit ano ay wala... at sa oras na ito ay gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman na ilang taon, buwan at araw ko nang itinatago sa sarili.


Nakahawak pa rin ang kamay ko sa kaniya at mas dumiin 'yon nang kumirot nanaman ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya.

Setting the real score (Mc Kelly Series #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now