Chapter 21

21 0 0
                                    

Hindi siya matatalo sa labang siya ang premyo.


Hindi ko alam kung nagkakaintindihan pa kami o lahat ng lumabas sa bibig namin ay malalim ang pinaghuhugutan at kahulugan.


Ayokong matapos ang araw na 'yon na hindi kami maayos kaya nagsorry na'ko agad kahit hindi ako sigurado kung may nasabi ba'kong mali. Buti naman at kalmado siya at nagsorry rin sa'kin.


I wasn't listening to our prof because my mind was thinking about her. I can't focus thinking how should I confess again before it's too late. I don't want to watch her fall for someone else. I don't want to let my chance go away when I still have time but she has a crush on someone else. That means she's not into me.


Napayuko ako at mahinang pinukpok ang ulo sa lamesa.


It's just a crush. Pwede pa 'diba? Hindi pa naman niya mahal at hindi pa nanliigaw. She was just attracted and it's not something deep.


Nang matapos ang klase ay hindi ako umuwi at naisipang mag golf magisa. Gusto ko maglibang at huwag na muna masiyadong isipin ang mga bagay bagay. Masyado nang nagiging magulo ang utak ko sa mga nakaraang buwan.


Unregistered nurse:

Are we okay?


Umupo ako para magpahinga at mareplyan siya.


Burke:

Yes. Is there something bothering you?


Naghintay ako ng reply niya dahil hindi ako makapaglaro o matuloy ang mga gagawin ko kapag hindi pa natatapos ang paguusap namin. Laging gano'n.


Laging nakadepende sa kaniya ang lahat ng gagawin ko. Laging kailangan kasama siya sa mga desisyon gagawin ko.


Before there was a part of me that I want her to be not too dependent on me but at the same time I know that it was alright. Kaso ngayon...parang ako pala ang masyadong nakadepende sa kaniya sa paraang hindi ko kayang makitang may kasama siyang iba, magmahal siya ng hindi ako, at ngumiti siya na hindi ako ang dahilan.


Hindi ko iyon naisip noon na posible nga palang mangyare ito. Nakampante kasi ako na hindi kami maghihiwalay na magkasama kami hanggang dulo. Hindi ko naisip na paglaki namin ay mamulat kami sa pagmamahal. 


Sa lahat ng bagay na nacurious siya ay mukhang ito na ang hindi ko ikinatuwa. Dito kase wala akong kaseguraduhan na ako pa rin ang pipiliin niya. Dito kase hindi ko siya pwedeng turuan na mahalin ako. Hindi ko pwedeng pagaralan at ituro sa kaniya dahil sa pagmamahal ka mismo matuto kapag naramdaman mo na.


Ako lang ang sigurado sa kaniya.


Unregistered nurse:

I have something to share. Let's have siomai!


Napangiti ako ng kaonti sa sinabi niya.


Burke:

Okay, see you later.


Setting the real score (Mc Kelly Series #2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now