| prologue

2.8K 64 29
                                    

"Baby, please.. my father wants to see you. At matagal na rin kitang gustong ipakilala sa kanya. We've been in a relationship for a year now, I badly want to present you to my father.. please.." ani Juno habang nakahawak sa kamay ko at paulit-ulit na hinalikan iyon.

I averted my eyes into him. Jusko! Matagal narin niya akong kinukulit tungkol dito pero hindi pa ako handa.. at natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng ama niya 'pag nakita ako.

I bitterly smiled, wiping the side of my lips with table napkin. Tumingin ako sa kanya at ngayon ay ako naman ang kumuha sa kamay niya at idinantay sa pisngi ko.

Lumalamlam na ang gabi at mabibilang narin ang mga taong nagda-dine-in sa resto. We spent our time here at our favorite resto kung saan kami unang nagkita, it's not our monthsary nor anniversary but we sometimes spent our time, dating. Ganito siya parati kaya naiinis nalang ako minsan dahil ako ang namomoblema sa pera niya.

"Baby, I'm not ready yet.. at isa pa, papaano kung hindi ako magustuhan ng daddy mo? You know.. I'm not the person he expected to be with you. Alam mo naman siguro ang pinapahiwatig ko diba?" Napakamot ako sa ulo, hoping that he will gonna taste my reason. But to be honest, I'm really not ready to face his father.. what if his father noticed me and investigate my identity?

What if he'll know my secret?

Maingat ko nga itong tinatago kay Juno, eh. I love Juno more than I love my self, and if keeping my identity makes him stay, then I will. Alam kong sa huli, malalaman at malalaman din niya iyon.. pero hangga't hindi niya pa alam ang tungkol sa akin ay magsisinungaling ako. Magpaparaya ako kahit mali, kahit hindi tama.

Dahil sa maling ito ay mararanasan ko kung paano mahalin. Kung paano tratuhing babae.. na kahit isang malaking kalokohan lang ang lahat ng ito ay magiging masaya ako.

Juno shook his head. Then his eyes switch into serious one. Tumikhim ito 'saka pumirmi ng upo. Umiling uli, "no. My decision is final, 'by. I don't want to keep our relationship private anymore. Gusto kong ipakilala kita kay dad, magustuhan ka man niya o hindi. Final." Hindi ako naka-sagot. Tanging tingin ko lang ang pinukol sa kanya.

I sighed. Yeah. Okay. He's such a decision.. and I don't want to make a commotion out of here. Wala na akong magawa, eh. At ipapanalangin ko nalang na sana.. hindi ako mabisto ng magulang niya. And that night, after we ate dinner at the resto, hindi na ako nakatulog. Lagi kong naiisip ang planong pagpapakilala ni Juno sa akin.

Juno and I are not in the same house. He's with his father's place, ako, may condo lang. I insist not to be with him, living with him in the same roof is such a danger of me. Lalo na siguro kapag malaman niyang trans ako, and it's not really a good idea, it's risky. Lalo na't sa panahon ngayon, mainit pa ang issue sa amin. We're living like a punchbag, na kapag nalaman nilang iba ka ay dalawa lang; aalis pero may pagbabanta at aalis na may bugbog sa katawan.. or the worst part is death.

And here I am, standing in front of this big aristocratic house. My mouth slightly open. Namamangha kong giniya ang mata sa bawat gilid ng bahay.

So this is where Juno lives? Akala ko ay simpleng mayaman lang siya dahil hindi naman siya materialistic na tao but the house is screaming dollars and golds. A sudden thought came from my mind. And it's not good.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko at diretso akong tumingin sa kanya, smiling. I bit my lips as we both reach their front door. Ang malamig na hangin na nagmula sa loob ang sumalubong sa amin. I instantly got shivered when the air touches my fair skin.

Napayakap ako sa sarili at naramdaman ang mainit na kamay ni Juno sa likod ko.

"You okay?" He asked. Tanging tango lang ang nagawa ko rito at dahil hindi siya kumbinsido ay ngumiti ako ng pilit. He sighed, clinging his hands into mine. Forming a letter on my palm. Napakalma ako duon sa ginawa niya.

Secret Affiar [Wild Daddy Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon