| chapter 02

2.6K 66 27
                                    

"H-huh? Pardon, sir?" I asked with a confused expression written in my face.

Agad lang itong tumawa at umiling. At pagkatapos ay may kinapa sa bulsa. I gulped. Nang makuha ang kung ano ay nakita kong ito ay isang green card. Para saan 'yan?

"Here.. take this. This will serve as your gate pass." Ani nito. Agad pumantig ang tenga ko. Teka.. gate pass? Sa ano? I look at him, trying to figure out what's this thing.

Agad naman nitong naintindihan ang pahiwatig ko at nagsalita, "basta. You will know. In monday, then?"

Hindi ko alam kung tanong ba iyon o pinal na saad. Hindi ako nakapagsalita. Mas lalo akong naguluhan. Ano naman ngayong lunes? Anong meron sa lunes? May klase ako, eh!

Wala sa sariling napatango ako. Ngumiti naman ito ng nakakaloko. He waved his hands at me before I saw him slowly leaving the restaurant. Duon lang ako nabalik sa wisyo nang alugin ako ni Rina sa gilid. She's smirking at me and it's kinda annoying. I frown and roll my eyes.

"Sino iyong fafa, Aia? OMG!! Niyaya ka pa, ah! Haba naman ng hair!!" Ang sigaw nito sa mukha ko. Tinakpan ko ang bunganga niya baka marinig kami ng mga customer.

Pinanliitan ko siya ng mata at sinabing hinaan ang boses. Hindi naman ito nakikinig at tinanong lang ako ulit.

"Sino nga iyon?" Ulit niya. Gosh!

"Hindi ko nga alam! Ano ba! Bumalik ka nga sa ginagawa mo." Ang iritang sabi ko. Hindi ko na sinabing kilala ko ito dahil ayaw kong malaman niya na iyong 'fafa' na sinabi niya ay ang lalaki at ama ni Juno na ikinuwento ko kanina.

"Hayop ka talaga Daia kahit kailan." At nagkunwaring naglungkot lungkotan. I just chuckled at her then proceed at my doings.

Napatitig pa ako uli sa green card na ito. The bold word can be seen.

DS Hauze
02-8221-4467
San Pedro, Laguna

Oh my gosh! Sa San Pedro? Malapit lang pala rito. Napatitig ako sa ibaba ng card at may bar code din pala. Itinago ko na iyon pagkatapos at nago-overthink. What if papupuntahin niya ako ruon para makipag deal na hiwalayan ko ang anak niya kapalit ng isang milyon?

Jusko! Huwag naman sana. Taasan naman sana iyong pera. Eme! Natawa nalang ako sa kapilyohan ng isip ko at hindi na binigyan ng pansin ang card. Nilagay ko na ito sa bulsa ko at nagpatuloy na uli sa ginagawa.

Kinabukasan, hindi ako maka-pokus sa mga activities sa school. I'm always thinking of that scene last saturday. Parang nababaliw na ako sa kakaisip nun at buti nalang ay hindi kami nagkaroon ng exam. Even the calls and texts of my dearest boyfriend, hindi ko napansin. I can't concentrate well. Nireply-yan ko nalang na super busy ako sa school kahit ang totoo ay hindi.

"Girl.. Let's go na sa cafe?" Napapitlag ako nang marinig ang boses na iyon sa likod. Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana hindi ko masabunutan ang babaeng ito!

Ba't ba sulpot nang sulpot ito sa kung saan? Mas lalo lang siyang nakapagdagdag ng problema sa akin.

"Rina! Huwag ka namang mang-gulat!" Asik ko sa babaeng ito. Tumawa lang siya at hindi pinakinggan ang anas ko.

"Beshy, kanina ka pa kasi tulala riyan! Ano bang problema, ah?" Tanong nito sa akin. Huminga ako nang malalim at sinagot ang tanong niya.

"Wala. Na ubos lang ang energy ko ngayong araw." Ang mahinahon kong sabi. Hindi ko na sinabi ang totoong dahilan. Tumango naman ito sa akin at nagsimula na kaming maglakad.

Nang nasa condo na ako ay diretso akong nag-bihis ng damit. Kaswal lang, naka pink t-shirt at blue jeans. Hindi naman pili ang isusuot sa trabaho ko kasi pinaparesan namin iyon ng blue na apron at blue na visor cap. I cheekily sneered in front of my mirror. Lumipad ang mata ko sa mukha kong maliit patungo sa buhok kong wavy na hanggang siko lang ang taas. Itinali ko ito at nang nasiyahan sa naging resulta ay kinuha ko na ang aking maliit na sling bag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Affiar [Wild Daddy Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon