Chloe's POV
Nakangiti ako habang naglalakad sa isang tila paraiso. Napakadaming bulaklak at sobrang ganda ng tanawin. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, basta ay pagkamulat ko ay ito ang bumungad sa akin.Tinignan ko naman ang aking sarili at nakita ang isang kulay puting dress na nakasuot sa akin. Kinapa ko rin ang aking ulo at tama nga ang aking hinala na may nakapatong na koronong bulaklak roon.
May nakita akong tila isang mahiwagang puno kung kaya'y naisipan kong pumunta doon.
"Hmmm~" rinig kong tila huni sa kabilang banda ng puno. Sumilip naman ako at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod saakin.
"Hello?" maliit na boses na ani ko.
Tumigil naman siya sa pagtipa sa gitarang ngayon ko lamang napansin at humarap saakin. Ngunit hindi ko matanaw ng lubos ang kanyang mukha dahil malabo ito.
"Kanina pa kita hinihintay." malambing ang boses na ani niya.
"Kilala moko?" tanong ko ngunit tanging ngiti lamang ang isinukli niya. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya kaya dahan dahan akong naglakad papunta roon.
"Napakaganda mo talaga binibini." masuyong sambit niya habang nakatingin saakin at hinahaplos ng bahagya ang aking mga pisngi.
Namula ang aking mga pisngi kung kaya'y natawa siya at mas lalo pang lumapit sakin.
"Mahal na mahal kita, aking binibini." dahan dahan niyang nilapit ang kanyang mukha saakin.
"Mahal din kita." hindi ko kilala ang lalaking ito ngunit tila may sariling kusa ang aking bibig upang sambitin ang mga katagang iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata upang hintayin ang kaniyang labi saakin.
Malapit na ito ngunit— "CHLOEEEE! GISING NA MALELATE NA TAYOOOOO!!!"
Argh!! Panira ka talaga kahit kailan Tyrone!
.....
Nakasimangot ako nang bumaba pagkatapos kong mag ayos ng sarili.
"Oh, iha. Halika na't sumabay na sa hapag." anyaya sakin ni tito.
Tumango ako at umupo sa bandang kanan niya. Si Tyrone naman ay nasa harapan ko kaya't sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit parang masama ata ang gising mo iha?" tanong ni tito. Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni Tyrone.
"Hay nako tito, paniguradong naputol lang kase ang panaginip niya tungkol sa PRINCE CHARMING niya kaya ganyan ang mukha nyan." ani Tyrone at tumawa pa ng malakas. Umismid lamang ako at pinagpatuloy na ang pagkain.
"Kayo talagang mga bata kayo Oo. Palagi na lang kayong nag aaway. Oh siya, kumain na kayo at nang makapunta na kayo sa school." parehas kaming tumango at kumain na.
Maya maya ay natapos na rin kami at sabay na kaming pumunta sa school.
.....
Kasalukuyan kaming naglalakad sa school ngayon. Hindi pa naman kami late kaya mabagal lang ang lakad namin. Gusto ko ngang bilisan dahil kanina ko pa nararamdaman ang masasamang tingin na binabato sakin ng mga babaeng nakakasalubong namin pero sabi kase ni Tyrone ay busog pa siya kaya mabagal lang kami. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, malamang ay pinaglalamayan nako.
![](https://img.wattpad.com/cover/241041206-288-k306034.jpg)
YOU ARE READING
The Good Girl Turn Into A Bad Girl
General FictionThey knew her as a happy-go-lucky girl. A girl that full of happiness in life. Even though she has a problem, the smile on her face never fades. Her look? She's just simple. She wear manang clothes. And because of that, people always look down to he...