Naglalakad ako sa hallway habang suot ang isang malaking ngiti sa labi ko. Hindi ko paren maiwasang hindi matawa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina.
.....
Napabalikwas ako ng may maramdaman akong malamig na tubig na tumatapon sa buong mukha ko.
Nakarinig ako ng malakas na tawa kaya binuksan ko ang mata ko at nakita ko ang walanghiyang pinsan ko na kasalukuyang tawang tawa dahil sa itsura ko.
"Putcha insan, sobrang priceless ng mukha mo HAHAHHAHA." Sabi niya habang naka hawak pa sa tiyan na.
"Isa..." Pagbibilang ko kaya napatigil siya sa pagtawa at kinabahan ng makita na madilim ang mukha ko.
"T-teka insan w-wag naman ganyan hehe nagbibiro lang ako." Kinakabahang sambit niya.
"Dalawa.." Patuloy parin ako sa pagbibilang kahit gustong gusto ko na tumawa dahil para siyang natatae na ewan.
"I-insan c-chill kalang h-hehehe." sabi niya habang umaatras patalikod.
"Tatlo!"
"Wahhh!" saktong pagkasabi ko ng tatlo ay tumakbo siya papuntang pintuan pero hindi pa siya nakaka labas nang mahuli ko ang paa niya kaya parehas kaming bumagsak.
Kiniliti ko ang paa niya kaya naman nagpupumiglas siya pero hindi ko parin pinapakawalan ang paa niya kaya kinuha niya ang unan na malapit sa kanya at inihampas sakin.
Napabitaw naman ako kaya kinuha ko ang dalawang unan staka ko hinampas yon sa mukha niya.
"HAHAHHAHAHA" tawa ako ng tawa dahil mukha talaga siyang nalugi sa itsura niya. Napatigil pa siya habang nanlalaki ang mga mata.
Maya maya biglang sumama ang tingin niya kaya napatigil ako ng tawa.
"Oh-uh." Dahan dahang sabi ko habang paatras ng paatras.
Tumakbo naman siya kaya naging hudyat ko din yon para tumakbo din ako. Hinablot niya ang dalawang unan kaya dumeretso ako sa papuntang pinto at saktong pagbukas ko ay hinagis niya ang unan kaya yumuko ako at sa hindi inaasahan ay sa ibang mukha tumama ang unan.
Dahan dahan itong nag angat ng ulo kaya nakatanggap kami ng isang napaka samang tingin.
Nagkatinginan naman kami at parang naintindihan na agad namin ang isa't isa kaya sabay kaming tumakbo papunta banyo pero nahablot na agad kami nito sa damit.
"Wahhh ayoko pa mamatayyyy!"
"Ahhh tulungan niyo koooo!"
***
Nakanguso ako habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri ko.
Katabi ko rin ang pinsan ko na gulo gulo ang damit pati na ren ang buhok.
"Ano bang ginagawa niyo at napaka gulo ng kwarto mo hah chloe?!" tanong niya saken kaya mas lalo akong napayuko.
![](https://img.wattpad.com/cover/241041206-288-k306034.jpg)
YOU ARE READING
The Good Girl Turn Into A Bad Girl
General FictionThey knew her as a happy-go-lucky girl. A girl that full of happiness in life. Even though she has a problem, the smile on her face never fades. Her look? She's just simple. She wear manang clothes. And because of that, people always look down to he...