"Care to tell me who's that boy?" nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko iyon.
Dahan dahan akong humarap at nakita ang isang napakasamang mukha este napakasamang tingin.
Napalunok naman ako at sumagot.
"Schoolmate?" hindi siguradong sagot ko. Tumaas naman ang kilay niya at humakbang papunta sa akin.
Napapikit naman ako ng tumigil siya sa harapan ko. Akala ko ay sisigawan niya ako ngunit iba ang nagyari...
"Aray!" daing ko ng batukan niya ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit masama rin ang tingin niya sakin kaya umamo bigla ang mukha ko ng maalalang may kasalanan pa nga pala ako.
"Hoy ikaw ah! Isusumbong kita kay tito!" sigaw niya saken at dumila pa.
Lumaki ang mata ko at kumapit sa braso niya. Nandidiri naman niya akong tinignan.
Hindi ko pinansin iyon at mas lalo pang kumapit sa braso niya.
"Wag moko isumbong kay titooooo!" sabi ko at halos isubsob ko na ang sarili ko sa kanya.
Pilit niya akong inilalayo ngunit hindi ako nagpapatinag. Tumitig ako sa kanya at nagpaawa.
Lumambot naman ang ekspresyon niya at bumuntong hininga.
"Aish! Oo na nga! Tigilan mo na yang-"
"Yang ano?" nagtatakang tanong ko. Umiwas siya ng tingin at pansin ko ang pamumula ng pisngi at tenga niya.
"Y-y-yang m-mukha mo!" nauutal na sigaw niya.
Nagulat naman ako sa sigaw niya kaya medyo naluluha ako.
"P-panget ako?" tanong ko at isang butil ng luha ang kumawala sa mata ko. Nataranta naman siya at pinisil ang magkabilang pisngi ko gamit ang palad niya. Lalo namang namula ang pisngi niya.
"Hindi ka panget. A-ang c-cute mo kase pag ganon."
Tumigil naman ako at tumitig sa kanya. Nailang naman siya kaya napangiti ako.
"halika na nga!" sabi ko nalang at hinila siya.
"San tayo pupunta?" nagtataka niyang tanong sakin.
"Ililibre kita." nakangiti kong sabi.
.....
"Akala ko naman kung anong suhol ang gagawin mo. Ice cream lang pala." naka irap na sabi niya.
"Anong ice cream LANG? Eh nakakatatlong ulit kana nga e!" tawa ko sa kanya.
Alam kong paborito niya ang ice cream kaya dito ko siya dinala sa laging kong pinupuntahan na ice cream parlor.
"Tsk!" irap niya at sumubo ulet.
Palihim naman akong ngumiti at sinimulan ang usapan na balak ko.
"Ahm hehe, yung about nga pala sa kanina-" naputol ang sinasabi ko ng sumabat siya habang nakatingin pa rin sa Ice cream niya.
"Tss. Oo na, hindi ko na sasabihin kay tito." kuminang naman ang mata ko dahil don.
"Pero!-" putol niya sa kasiyahan ko. Tumingin ako sa kanya at nginisian niya ko.
"Pero... Ano?" tanong ko.
Hindi naman sa ayaw kong sabihin kay tito. Alam ko naman na masama ang magsinungaling pero kasi baka kung anong isipin niya tungkol don.
![](https://img.wattpad.com/cover/241041206-288-k306034.jpg)
YOU ARE READING
The Good Girl Turn Into A Bad Girl
General FictionThey knew her as a happy-go-lucky girl. A girl that full of happiness in life. Even though she has a problem, the smile on her face never fades. Her look? She's just simple. She wear manang clothes. And because of that, people always look down to he...