Chapter 1: Pauline's Sermon

79 0 0
                                    

PART 1

***

"Magkape ka muna, alam kong pagod ka". Napapikit ako nang marinig ang paawang boses ng asawa ko.

Hindi ko man lang siya nakuhang tignan.

Nawalan na ako ng amor sakanya matapos kong makita na nakapatong si Kuya sa kaniya.

Simula no'n, nanlamig na ako sakaniya, nagagawa kong magloko at makipag-sex sa iba.

Hindi ko siya maiwan iwan dahil sa kasal kami.

"Pagod ako pero, hindi na ako titikim ng kape na tinimpla mo. Mamaya may lason pa 'yan, eh!"

"Pero, kasi... kakauwi mo lang galing trabaho tap---"

"EDI IKAW 'YUNG UMINOM. TANGINA, PAULINE. UMALIS KA NA PARA MATAPOS NA 'TO, PAG SINABI KONG AYAW KO. WAG MO NA AKONG GULUHIN". Sigaw ko dito. Mabilis naman siyang tumalikod saka lumabas ng opisina  ko. Napailing ako.

"Bwisit".

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko.
Napangiti ako nang mabasa ko ang message ng girlfriend ko, si Carla.

Alam ni Carla na may asawa ako pero, pumayag din siya na maging girlfriend ko siya. Isa pa, mas siya ang itinuturing kong asawa.

"Hon? I miss you!" Sa message palang niya naririnig ko na ang malambing niyang boses, kaya agad kong tinawagan siya.

"Hon? Bakit hindi ka pa natutulog? Malamim na ang gabi". Bungad na tanong ko sakaniya.

"Namimiss nga kita!"

"Ilang oras palang tayong hindi nagkikita, ah?"

"Happy 8th monthsarry satin bukas". Napasandal sa swivel chair habang iniimagine kung, anong hitsura niya ngayon habang binabati ako. Alam kong namumula ang pisngi niya.

"I love you, Carla!" Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may tumakbo. Alam kong si Pauline 'yon. Nakaramdam ako ng awa pero, agad napalitan ng galit.

Kasalanan niya din naman 'yon. Kung, hindi niya nilandi si Kuya. Hindi ako magiging ganito.

---

Hindi ko na alam kung, anong oras ako natulog. Nag usap pa din kami ni Carla. Pero, maaga akong nagising dahil sa trabaho. Magcecelebrate din kami ni Carla ng 8th monthsarry dito sa bahay.

Pagpasok ko ng kusina, nakaluto na si Pauline.

"M-mark?" Tawag niya sa akin.

Napangisi ako.

"Hindi na, sa labas na ako kumain. Mamaya, pupunta dito mga kaibigan ko. Wag na wag kang lalabas ng kwarto".

➖➖➖

My Desperate WifeWhere stories live. Discover now