PART 2
***
Natuwa naman ako dahil mabilis siyang tumango.
---
Napangiti naman ako nang pumasok kaming malinis ang bahay. Alam kong susundin ako ni Pauline.
Mahal na mahal kasi ako ng babaeng 'yon.
"Pre?! Anlaki naman pala ng bahay mo. Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ni Izaak.
Napangiti ako kay Carla, napayuko siya. Alam niya kasing nagsasama kaming dalawa.
Kung, nagtataka kayo kung... bakit hindi alam ng mga kaibigan ko na kasal na ako. Sila 'yong mga kakakilala ko lang na kaibigan. Nung panahon na nakita kong magkapatong si Kuya at si Pauline, lumipat ako ng trabaho at lumipat kami ng bahay.
"Malapit na kaming maging dalawa ni Carla". Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Carla.
Nag-inom kami, kunting kasiyahan. Napapikit ako nang marinig ko ang pagpatak ng baso mula sa kusina. Alam kong si Pauline 'yon.
Tatanga-tanga, sabi kong hu'wag lalabas, eh!
"Sino 'yon?" Tanong ni Romel.
"Siguro 'yong katulong ko". Matipid kong sagot.
"Akala ko ba ikaw lang mag-isa?"
"Bat ba tanong ka nang---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ang paglabas ni Pauline sa kusina. At mabilis pumasok sa kwarto niya.
"Ang ganda naman ng katulong mo, Pre!" Nakuyom ko ang kamao ko. Ganyan ba siya? Papansin sa lalaki? Tangina.
Alas dose na kami natapos. Sila Romel, pinauwi ko na. Si Carla, sa kwarto ko pinatulog. Lasing na lasing siya.
Alam kong gising pa si Pauline kaya sinadya kong buksan ang pinto ng kwarto ko.
➖➖➖
![](https://img.wattpad.com/cover/298908274-288-k626592.jpg)