Chapter 1

10.4K 332 19
                                    



Napasighap ako habang hawak ang shoulder bag ko at pinagmamasdan ang pangalan ng Night Bar sa harapan ko. Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ay 'di ko kayang ihakbang sa pinto ang paa ko, lalo na't highschool palang ako. Alam kong bawal ako rito kaya napatalikod ako at binabalak umuwi.

"Oh, bakit ka aatras. Tara na, naghihintay na si Mr. Destiny mo sa loob," bungad ng kaibigan ko. Napailing nalang ako at tumingin sa kaniya.

"Joanne, napaka bata pa natin para pumasok sa Night Bar. Hindi tayo pwede-" hindi ako nakatapos sa pagsasalita dahil hinila na ako niya papasok. Namilog naman ang mata ko at pinipilit na hindi pumasok.

"Ano ka ba. Pagmamay-ari nila Wendell ito kaya tayo-tayo lang ang nasa loob. Tsaka hindi ka ba masaya na pinaghandaan pa ni Wendell lahat para lang salubungin ang birthday mo?" pangunginsensya pa ni Joanne. Napabuntong hininga ako at napatingin sa Night Bar bago pumasok. Sana walang makapansin sa'kin dito, dahil malalagot ako at pwedeng matanggalan pa ako ng scholarship.

"Bright!" sigaw sa'kin ni Wendell habang nakangiti at papalapit sa akin. Habang papalapit siya ay mukhang bumagal ang oras at lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. Halos mabingi na ako habang nasisilaw sa mga ngiti ni Wendell. Medyo napaayos ako ng buhok ko at bistida kong pink.

"Bright, dumating ka." Pinagmasdan niya ako at humakbang papalapit sa'kin. Gosh! Natutunaw ako sa titig niya, nakakahiya talaga dahil ngayon lang ako napalapit sa kaniya ng gan'to kalapit. Naramdaman ko ang braso niyang biglang pumulupot sa bewang ko, na dahilan ng pag-angat ng mukha ko. Ilang pulgada lang ang lapit ng labi ko sa labi niya at nagmamanhid na ang katawan ko dahil sa irregular heartbeat, may mga mala-bubuyog din na nagp-party-party sa tyan ko. Ang feeling na nag papahirap sa'king pahinga ngayon, pero gusto kong mas pahirapan pa ako kung mukha niya lang din naman niya ang sasalubong sakin.

Namilog ang mata ko ng simulan niyang ilapit ang labi niya sa labi ko. Shet! Ito na. Ito na ang hinihintay ko, ang halik ng Mr. Destiny ko. Pumikit ako at inaasahang hahalikan niya ako ngunit nagkamali ako. Ang nakapalupot sa bewang ko na braso ay kumalas at itinulak ako.

"Whoo!" sigaw ng mga kasamahan nila at ang labing sa akin sana lalapat ay iba ang hinanap.

"J- Joanne?" Hindi ko alam kung anong ilalabas kong emotion. Kumawala sa'kin ang luha at ang kaninang bubuyog sa'kin tyan ay nawala't napalitan ng basag na pinggang tumutusok sa'kin lalamunan.

"Akala mo talaga na ikaw ang hahalikan ng Boyfriend ko no?" Napatawa siya at nakipaglandian kay Wendell sa harapan ko.

"T-Teka? B-Boyfriend? Kayo na ni Wendell pero hindi mo sa'kin sinabi at hinayaan akong magmukhang tanga?" Tanong ko at ikinuyom ang kamao.

"It's just a bet at syempre kailangan din kasi namin ng isang uto-utong gagawa ng assignment namin," sagot niya sa malanding boses.

Hindi lang ako makapaniwala na kaibigan ko pa talaga ang gagawa nito. Napatingin nalang ako sa sahig at umiling habang pinipilit hindi mawalan ng balanse.

"Oh! 'Diba mananalo ako. Nasaan na pusta niyo?" rinig ko kay Wendell at sa mga kasamahan niya. Habang pinagmamasdan ko sila sa ilalim ng iba't ibang kulay na ilaw ng Bar, ay nagmumukhang impyerno ang pinaglalagyan ko.

"Poor you, Witty girl. Sa sobrang talino mo hindi mo man lang ma identify kung ang pag-ibig ba na pinasok mo ay mali o tama." Lapit ni Joanne at dahan-dahang binuhos sa'kin ang ladies drink na hawak niya.

"Bakit niyo kailangan gawin 'to?" taka ko at hindi mapigilang mapaluha pero ngumiti lang sila ng mala demonyo. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali para pagkaisahan nilang ng gan' to lalo na sa dami dami ng taong magtatraydor sa'kin ay bakit si Joanne pa?

Reincarnated as Lunatic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon