Chapter 12

4.4K 184 3
                                    

"Hindi na ako malakas. Isa nalang akong pet. Hindi alam kung anong mahika ang ginamit niya. Pero sana hindi ko na siya tinanggap rito. Paano kung pinagtatawanan na ako sa god realm? Nakakahiya. Papatayin ko siya pagnakawa ako rito." Rinig ko ang bawat pagbulong niya sa sulok habang nasa cafeteria kami. 

" Zeke!"tawag ni Everleigh kay mokong. Pero taray may pangalan pala siya. 

" Feya, paano ba tawagin ang owl? " tanong niya dahil hindi kami pinapansin nito. 

" Um... baka katulad din sa manok. Try natin," aniko at lumapit kay Zeke pero hindi parin ako pinansin.

"Umm... Crook... Crook!" tawag ko at napalingon siya pero mukha masama ang timpla.

"Ano? Grabe! Huh!" singhap niya na parang toro at hindi ako nilingon. 

Dahan dahan ko naman hinawakan ang polo niya gamit ang dalawang daliri ko at inila hila. "Pst! Bati na tayo," tawag ko pero hindi niya parin ako pinansin kaya sa inis ko ay tinulak ko siya ng malakas. 

"Aish! ANO BA PROBLEMA MO!" sigaw niya na umalingaw-ngaw sa Cafeteria kaya pinagtinginan kami. Napahinga ako ng malalim at galit na tumayo. 

"SABI KO MAGBATI NA TAYO! BAKIT MO KO SINISIGAWAN! NAKIKIPAG AYOS AKO NG MAAYOS SAYO 'DIBA!" sigaw ko. 

"ABA! Ikaw na nga itong mali tapos ikaw pa ang may ganang magalit?!" sigaw pa niya. 

"Huh! Wow kasalanan ko?" singhap ko sabay taray. 

"FYI, nag-summon lang ako at hindi ko naman akalain na ikaw ang matatawag ko. Tapos sasabihin mo kasalanan ko?" reklamo ko sa kaniya sabay turo sa sarili ko at taray. 

"Wow! Shet! Siya pa galit!" reklamo pa niya. 

"Hoy! Isa akong god tapos sasabihan mo akong walang kwenta sa harap ng maraming tao?" tanong niya kaya huminga ako ng malalim dahil baka mahimatay ako rito. 

"Anong marami? Dalawa lang sila roon!" 

"Dalawa? Hindi mo alam na may nanonood sayo maliban sa mga nakakasalamuha mo!" 

"Kasalanan ko ba na may bet kayo at teka pinanonood niyo ako meaning pati pagligo ko pinapanood mo!" 

"Oo!" 

Dahil sa galit namin at palitan ng sagot ay nadulas siya. Napatahimik kaming dalawa at unti-unti akong nilalamon ng kahihiyan at galit sa kaharap ko. 

"Teka sino 'yong guy?" 

"Ngayon ko lang nakita siya rito." 

"Tsaka, mali ba ang narinig ko? Pinapanood niya si Feya maligo?" 

Halos nagbulung-bulungan ang mga tao sa cafeteria at nakatulala parin ako. Bigla naman siyang napaubo at medyo lumayo. 

"Alam mo natural na sa'kin 'yon. Tsaka hindi lang naman ikaw ang mino-monitor ko at trabaho ko 'yon," paliwanag pa niya kaya lalo kaming nagulat at halos nalahat kaming mga babae ay napahawak sa katawan namin. 

"M-Manyak!" sigaw ng isa at mabilis ko siyang sinampal. 

"Anong kasalanan ko sa iyo? Tsaka hindi niyo ko katulad kaya walang malisya, trabaho lang!" katwiran niya. 

Napapikit ako at pinigilan ang galit ko. 

"So... trabaho mo na panoorin kami, right?" tanong ko at nakangiti na naiinis. Nagsipagtayuan naman ang mga babae at pati ang mga jowa ng mga babae at dahan dahan siyang pinalibutan. 

Reincarnated as Lunatic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon