Kabanata 28: Protect 2.0 💪😎

13 1 0
                                    

The Doctor's betrothed #28

Our long day and night eventually ended positively. Though, last night, we encountered some goons who wanted to kidnap or hurt Sebastian and his family ; thanks to pesteng Ezekiah, na kahit late may gamit  pa rin naman. Nas-stress Ako dun! Ayoko siyang banggitin. Mas namo-mroblema lang Ako kung iisipin ko pa Siya! Hayst ! Sa lahat lahat ng makaka-alam , Siya pa talaga!? Saan ang hustisya? Nasa awa ni Ezekiah! Shuta! 

Dali-dali kong kinuha ang aking 3310 na cellphone Saka tinawagan si Cel. Mangangamusta lang sana.

Ilang ring lang Ang aking narinig sa Ilang beses kong pagtawag sa kanya ngunit mukhang busy ata ang bruha! Lumelevel-up! Di na makasagot ng tawag! Hayst! Babangon na sana ako sa aking kama nang marinig na mag-beep Ang aking mumurahing telepono. Agad kong sinilip kung sino ang nag-text. Mas nangunot ang aking noo ng makitang unregistered number and nakalagay roon. I decided to open the unknown messenger but I regretted it, instantly. Ezekiah-- pesteng Ezekiah is the culprit! At mas lalong sumira ang Araw ko matapos mabasa ang kanyang mensahe.

From:Unknown number
Message:
Always remember what I told you , yesterday. Those goons aren't just moving because of their own will. There's someone whose rendering them a command. Protect the twins so that I'll keep your secret, intact. Nakuha mo ba , babae?

Umirap Ako habang kaharap Ang aking kawawang telepono bago ako nagtayp ng sagot na mensahe para sa pesteng si Ezekiah. Ang aga-aga namemeste na, di ba pwedeng mamayang tanghali nalang! Kabanas!

From: Me
To: Unknown number
Message:
Naka-unli ka ba , Ezekiah?

Agad ko iyong isenend sa kanya at ilang Segundo nga lang at agad itong may sagot sa naging tanong ko.

From:Unkown number
Message :
What? What's unli?

Nang mabasa'y  agad ko itong nireplayan.

From: Me
To: Unknown number
Message:
Unlimited ang kabobohan at pamemeste mo! Ang aga-aga pa, paulit-ulit lang, naka unli ka nga! Wag ka nang mag-reply nag-iinit ulo ko sa'yo, peste!

Hindi ko na inantay ang kanyang reply dahil na rin sa sinabi ko. Kung matalino Siya , hindi na Siya sasagot pero kung bobo , aba! Magsama sila ni Sebastian! Pupunta punta ng gyera Wala namang bala! Nakakasira ng Umaga. Pero bago ko muna ini-off Ang aking telepono ay agad kong si-nave ang numero ng pesteng si Ezekiah at gaya ng tawag ko , I named  him: PestengEzekiah_boboangputa. I laughed after renaming his name on my phone book. Huh! Nararapat lang sa kanya!

Matapos makaligo ay agad àkong bumaba sa aking silid at agad tinungo Ang hapag-kainan na para sa aming mga tagapag-silbi. Nang makapasok ay ang unang bumungad sa akin ang panay irap ni Brittany--ang lider ng mga bibi at nang tatlo niyang kasamahan. Ipinag-sawalang bahala ko ito, sira na nga ang Araw ko dahil sa pesteng Ezekiah'ng Yun ay susundan na Naman ni Brittany!? Hindi ba to nagsasawang awayin Ako? Dahil Ako , sawang -sawa na! Matadyakan ko yang Mukha niya, eh. Makikita niya talaga!

Umupo na lamang ako sa pwesto at upuang para sa akin. Nang makapagsimulang kumain ay mas nagpokus Ako sa paglamon kaysa makinig sa tsismisan galing sa mga kasamahan ko rin. Nasa kalagitnaan ng agahan ay biglang sumilip sa aming hapag si Sebastian. Brittany and some of the house- helps shrieked in joy and kilig when they saw Sebastian checked at all of us. His eyes draped in me and stop for a bit before he smiled at me lightly.

"Nay, mauna na ho ako sa Ttabaho. Ang mga Bata po, paki-tulungan si Eunice sa kanila" agad dumapo ang tingin ng Ilan sa mga kasambahay na nakarinig ng banggitin ng bobong si Sebastian Ang aking pangalan. Some gave me glares and some rolled their eyes at me. Inirapan ko rin naman, mga selosa!Tsk!

"Eunice. Ahem! Mauna na Ako" mas narinig ko ang nakakairitang jritan at reaksyon ng ibang kasamahan matapos marinig ang pagpapaalam ng bobong si Sebastian sa akin. Inirapan ko siya na ikinangiti lamang ng huli bago umalis sa harapan naming lahat. Pabida din Pala ang damuhong iyon! Neknek Niya! Kailan pa yun natutong magpaalam sa Akin? Anong nakain nun at ipagbabawal ko nang ipaluto rito! Char! Parang donya! 😂

ELITES  Series #1 --The Doctor's Betrothed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon