Chapter 21

418 16 0
                                    



Pagkagising ko ay napalingon agad ako sa gilid ko. Alyssa's sleeping beside me. Ang himbing ng tulog nito. Nakatitig lang ako sa mukha nito buong magdamag. Hanggang sa napatingin ako sa labi nito. Naaalala ko na naman yung kahapon. She has the most kissable lips for me.




Maya-maya pa ay nagising na rin ito kaya napaiwas agad ako ng tingin para hindi niya mapansin na ang tagal kong nakatitig sa kanya.




"You're awake."She said.




I smiled at her a bit, "Yeah. Kanina pa. Inaantay nalang kitang magising."




Naiinis na naman ako sa sarili ko. Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari kahapon na dapat kakalimutan ko na. Pero bumabalik lang sa utak ko yung pangyayari.





"Una ka ng maligo."Inayos niya yung sarili niya para umupo.




I shook my head, "Ikaw na muna. May titignan lang ako sa phone ko saglit kasi."




"Ano?"Sambit pa niya, "Magseselfie ka? Woke up like this? Ganun?"




Inirapan ko ito, "Luh, dami mong alam! Maya-maya pa ako maliligo."Napatitig ako sa kanya, "Ikaw ba? Bakit ang tagal mo nagising? Ano na namang ginagawa mo kagabi?"





"Nagphophone lang."Simpleng sagot nito.




"Kaya ang tagal?"





"Ano naman?"





Hindi na ako nagsalita pa rito at tumayo na.





"San ka pupunta?"Tanong nito sa'kin.




"Edi maliligo."Pilosopo ko pang sagot sa kanya.




"Akala ko ba mamaya ka pa maliligo?"Daming tanong naman nito. Maliligo na nga ako eh para hindi na mahirapan pa.





"Maliligo nalang ako ngayon. Lalabas kasi ako. Magpapahangin lang ako sa may lobby."I told her.




"Oh sige, pakibilisan! Susunod ako."Napatango ako rito.





Pumasok na ako sa CR para maligo.







•••




Lumabas na ako ng kwarto para pumuntang lobby pagkatapos kong maligo. Pagkatapos ko kasing maligo ay natutulog pa si alyssa. Nakakahiya namang gisingin siya.





"Sister mo?"Nakasalubong ko na naman yung gwapong lalaki na mukhang manyak. Napatingin pa ito sa likod ko na parang hinahanap si alyssa.





"Sleeping."Tipid na sagot ko.





"So, hindi siya nakasunod sa'yo?"He suddenly smirked. Mukhang manyak talaga.




"Hindi nga eh. Halata naman diba?"Pagsusungit ko pa sa kanya.





"Nagtatanong lang naman ako, miss samantha."Napahawak ito sa braso ko kaya napatingin ako sa hinawakan niya. Hinihimas-himas pa niya ang braso ko.





Nabigla lang ako kasi may biglang humila sa akin. It's alyssa na kakaligo palang ata.





"Stop harrassing her, dude!"Seryosong sabi nito sa lalaki.




"I'm not harrassing her."Depensa pa ng lalaki sa kanyang sarili, "She has a nice skin. I'd like to touch it."Napatitig ito sa braso ko. Tangina! Ang manyak talaga ng itsura nung lalaki.




"I told you a lot of times to stay away from her."Mariin na sabi nito, "Why don't you just listen to me? O baka naman gusto mong may mangyari na naman sa'yo!?"




Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay as if hinuli siya ng pulis, "Woah! I just appreciate her beauty."

"Well, not my sister."Kalmadong sabi nito sa harapan ng lalaki, "You can flirt somebody in there. But not my sister."

"You really like her that much huh!?"Napangisi ang lalaki dito.


What is he talking about?





"I'm protecting my sister."Seryosong nakatingin si alyssa sa lalaki.




"Okay."Tanging nasabi ng lalaki, "But if I were you, i will tell her."




"It's not that easy so stay away! Don't meddle with it."Alyssa said. What are they trying to say? Hindi ko sila maintindihan.




"Chill, aly-"Magsasalita pa sana ulit ang lalaki pero nilapitan siya ni alyssa sa mukha kaya napaatras ito at umalis sa harapan naming dalawa.




Pagkatapos umalis nung lalaki ay napaharap si alyssa sa'kin.





"Wag kang lumalabas ng mag-isa kapag hindi mo ko kasama."Seryoso ang tono ng kanyang boses.




"Magpapahangin lang naman kasi ako."Sambit ko sa kanya.





"Edi sana sinabihan mo ko."- Alyssa.




"Natutulog ka kasi."I rolled my eyes, "Nakakahiya namang gisingin ka."





"Kahit na! You should know better. Magiging pamilya na tayo oh."- Alyssa.





Napatikom nalang ako ng bibig. Napakapaasa talaga nitong alyssa valdez na 'to!




"Tara na."Yaya pa nito habang napahawak siya sa kamay ko.




"Saan tayo pupunta?"I even look at the hand that she's holding with full of confusion.



"Edi lalabas."Pilosopong sagot niya, "Magpapahangin ka diba?"




"Ako lang. Di ka kasama."Inirapan ko ulit siya.





"Sasama ako."Kalmadong sabi pa niya, "May bibilhin lang ako sa labas. Magpapasama lang din ako sa'yo."





"Bakit hindi nalang ikaw mag-isa bumili?"Kunot-noo kong pang sambit sa kanya, "Idadamay mo pa ako eh."




"Just a bit, first kiss."Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya.




"Ano kamo?"Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.



"First kiss."Ulit pa niya sa kanyang sinabi.



"Narinig ko. Pero bakit first kiss?"Puno ng pagtataka ang mukha ko.



"Your my first kiss."She said.



I suddenly froze sa kinatatayuan ko. What the hell?!!! Kakalimutan ko na sana yung pangyayari kahapon eh kaso pinaalala pa niya. Naku naman, alyssa valdez! I AM HER DAMN FIRST KISS?!!! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dun eh.




Kasi napakapaasa niyang tao sa totoo lang. Parang any minute ay ang bait niya sa'kin tapos bigla na naman siyang magsusungit. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Aaminin ko, hindi siya yung first kiss ko but she has the most kissable lips, I must say.

Loving My Step Sister (SamLy)Where stories live. Discover now