Chapter 25

386 10 0
                                    


Nag-iimpake pala kami ni dad ngayon kasi lilipat na raw kami ng bahay. Sayang naman 'to kung ibebenta pero anyway, alam ni dad ang makakabuti kaya susundin ko nalang ito.



"Dad, reklamador talaga yung anak niya."Seryoso ko pang sabi kay dad.



"Alyssa, behave!"Dad said.



"I am behave!"Madiin ko pang sabi.




"But you don't have to say that."— Daddy, "We have to understand her din. Tska malalaman rin naman niya yung totoo eh. Antayin nalang natin."




"Kelan pa?"Kunot-noo kong sambit.




"Sa takdang panahon."Kalmadong sabi ni dad habang nakatingin sa akin, "Basta, you have to do your part. Be there for your sister, protect her from any danger."




"Alam din ng mom niya yung plano diba?"Tanong ko sa kanya.



Tinanguan naman niya ako, "Yeah. It's actually our plan. If ever that our plan will worked, her mom will also gonna do her part."



Napabuntong hininga nalang ako. No choice ako eh!








•••




Dumating na kami sa bagong bahay na lilipatan naming apat. The house is big. Mas malaki nga 'to compared sa bahay namin na binenta namin sa batangas. Tska yung bahay namin sa manila.





"Tatlo ang kwarto dito. Pero pinapagawa pa ang isa. Kaya magshare muna kayong dalawa sa iisang kwarto."Paliwanag ni daddy. No problem with me!




"Ano?"Inis na sambit ni samantha, "Tangina! Di na nga ako nakatanggi na makasama kayo. Tapos magshashare pa kami ng kwarto nitong anak mo?"Ka walang respeto naman niya. Hindi ko alam na may nagmumura palang magagandang babae. Off nga talaga ang ugali niya for me.





"Akyat na ako, dad."Seryosong sabi ko, "Puro reklamo ang naririnig ko sa babaeng 'to eh."Naiirita na talaga ako sa babaeng 'to






"Hoy!"Sigaw nito sa akin.





Pero patuloy lang akong naglakad papunta sa taas. Ramdam kong may yapak ng mga paa kaya alam kong sumunod ito sa'kin.







"Pakialam mong nagrereklamo ako?"Biglang inis na sabi niya sa'kin. Habang naglalakad ako ay salita naman ako ito salita sa likod ko, "Eh, di ko naman kayo gusto makasama eh."As if, gusto ko rin silang kasama. Kung hindi dahil kay dad, di naman ako sasama talaga eh




"Bakit? Gusto ko bang makasama kayo?"Kalmadong sambit ko sa kaniya, "Hindi rin."Tumingin na ako ng diretso sa nilalakaran ko.




Maya-maya lang ay nakarating na kami sa kwarto namin.




"Isang higaan lang ang meron. Sa sahig ka."Sabi nito sa akin. Luh, pala desisyon!






Nalingon naman ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko, "Ang arte mo! Pwede lang namang magtabi."Yan! Dinirekta ko na.




Loving My Step Sister (SamLy)Where stories live. Discover now