Chapter 4

20 0 0
                                    

Chapter 4

NASA loob na kami ng hapagkainan. May mga nakahanda ng pagkain para sa mga guwardya personal na galing sa misyon. Lahat sila ay nanggaling sa maimpluwensyang pamilya na kaibigan ni papa kaya maayos ang trato niya sa mga ito.

Napatingin ako kay Halwell nang ipaghila ako nito ng upuan.

Ngumiti ako sa kaniya. “Thank you,” sabi ko bago maupo.

Matagal na kaming magkakilala ni Halwell at talaga maginoo siya.

Ngumiti lang siya at hinila ang upuang nasa tabi ko. Akmang uupo siya rito nang may mauna sa kaniya rito.

Gulat akong napatingin kay Luca na nakahalukipkip at diretsong nakatingin sa harap.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin kay Halwell na parang humihingi ng tawad. “Sorry,” I mumbled.

“It's okay.”

Sa harap ko na lang siya pumwesto.

Napatingin ako kay Luca. Mamaya ay kakausapin ko ito pero sa ngayon ay maganda kung kakain muna kami. Puro panghimagas lang ang pagkain namin kanina sa hardin at hindi siya masyadong kumain dahil masyado siyang focus sa laro kaya paniguradong nagugutom na siya. Hindi maganda ang ginawa niyang pag-una sa pag-upo sa pwestong nagustuhan ng guwardyang lubos na pinagkakatiwalaan ni papa.

Lumapit si Amelia sa lamesa kaya napatingin kami sa kaniya.

“Mamayang hapon pa dadating ang Sir George at Lady Viviana. Maaari muna kayong maghintay sa mga guests room dito sa mansion hanggang sa sila ay dumating. Sa ngayon ay sana ay magustuhan niyo ang hinain naming pagkain para sa inyo.”

“We understand. Thank you.”

After that the servants serve us. We eat while the others is talking to each other. Tahimik lang ako pati na'rin si Halwell ngunit napapansin ko ang panaka-naka niyang tingin sa'kin kaya hindi ko maiwasang hindi mailang. 

Ibinaling ko na lang ang aking atensyon kay Luca na nasa aking tabi para maiwasan ang pagtama ng aming mga mata. Tahimik lang itong kumakain. Nakakapagtaka dahil lagi niya akong kinakausap kapag kami ay kumakain. Hindi lang pagkakain, halos lahat ng oras.

“Luca, are you okay?” tanong ko sa kaniya nang hindi ko na napigilang magsalita.

Hindi niya ako pinansin at nagtuloy lang sa pagkain.

Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang atensyon sa pagkain. Mamaya talaga ay kakausapin ko siya.

Inangat ko ang aking ulo at akmang kukuhanin ang isang bowl ng pagkain ngunit hindi ko ito maabot. Nakita kong kinuha yon ni Halwell at inabot sa akin.

Bahagyang akong natawa habang nakatingin sa kaniya. “Thank you... again,” I said as I accepted it.

Natawa rin siya. “No prob.”

Kanina pa bentang-benta sa'kin ang ngiti niya. Yumuko ako upang itago ang namumuo kong ngiti sa labi at ang namumula kong pisngi.

Napatingin ako sa aking kaliwa nang marinig ko ang paglapag ng kubyertos. Nakita ko si Luca na bumaba sa kaniyang upuan. Akmang tutulungan siya ng butler ngunit tinabig niya lang ito.

“Busog ka na? Ngunit parang hindi mo pa nagagalaw ang iyong pagkain,” sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang na naglakad palayo.

Napabuntong hininga ako. Uminom muna ako ng tubig bago pinulot ang table napkin na nakapatong sa aking kandungan at marahang idinikit-dikit ito sa paligid ng aking labi. Pagkatapos ay tumayo na ako upang sundan si Luca.

LucaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon