Chapter 1 : The Famous Hartrob

3.5K 52 9
                                    

Isa akong simpleng nilalang na bumaba mula sa kagandahan ng kalangitan na biniyayaan ng mukhang hindi naman kagandahan.

Ang kagandahan na kahit kailan ay wala sa akin.

Hays.

Click Like

Nilike ko yung bagong post ni idol. Araw-araw akong nasa timeline niya at nag-aabang ng mga updates tungkol sa kanya.

Hays. Kelan ko kaya siya maabot ??

Ang gwapo naman kasi niya kaya imposibleng mapansin niya ang isang tulad ko. Isang babaeng pinagkaitan ng kagandahan.

"Bes! "

Hays.

Napangiti na lang ako habang nakatitig sa gwapong nilalang na nasa screen ng phone ko.

"Ang gwapo mo talaga Hale. Hays. " parang nasa ulap kong sabi.

Bigla naman akong natauhan sa realidad ng may isang bagay na tumilapon sa ulo ko.

"Bes! lumulutang na naman yang utak mo sa kaiimagine! Tigilan mo na yan! Hays. Si Hale na naman yan ano ?? Tantanan mo na nga yan! Nagsasayang ka lang ng oras mo diyan! " bitter na sabi ng pinsan kong si Tina.

Kahit kailan talaga itong babae  na 'to napaka!

"Mabuti pa bilisan mo na diyan  at malilate na tayo baka magalit na naman si Miss Sison. Tingnan mo nga yang facelak mo! Haggard na haggard ka na! "  dugtong pa niya.

Wow ha! Nahiya naman talaga ako sa kanya!

Kinamot ko pa yung makapal kong buhok bago ako magsalita.

"Ano ka ba Bes, si hale na nga  lang inspiration ko ipagbabawal mo pa?? I hate you! Fineee! Ito  na po mahal kong reyna. "  pang-aasar ko sa kanya.

***

Nagsusuklay pa ako habang naglalakad papasok sa school. Super malilate na kami ni Tina kung sa bahay pa ko magsusuklay kaya ang ending. Mukha akong tanga sa pagsuklay ng buhok kong basang-basa pa. Actually basa na nga yung uniform ko sa likuran dahil sa buhok ko. Daily routine ko na nga ang laging ganito. Susme! Hindi ko kailangang mag-effort magpaganda dahil wala naman akong ikakaganda.

You know what I mean at hindi ko na tatangkain pang laitin ang sarili ko dahil sobra sobra akong masasaktan.

"Aaaahhhhh!!!!! "

"OMG!! Siya nga girl!!! "

"Aaahhhh!!! "

Halos mapahinto kami ni Tina sa paglalakad dahil sa nakakabinging tilian. Napadako naman agad ang aking tingin sa mga babaeng nagkukumpulan na para bang nakakita ng gwapong nilalang sa ibang planeta.

Famous Harthob in Facebook ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon