Chapter 1

5.5K 109 5
                                    

𝐆𝐡𝐚𝐥𝐞 𝐩𝐨𝐯:

Apat na taon na ang nakalipas ay hindi parin umuuwi si mommy dito sa Pilipinas, at ngayon ay labing walong taon na ako at sa kasalukuyan mag fi-1st year college na sa pasukan.
Hanggang video call ko na lamang siya nakikita at nakakausap.

Isang araw ay walang pasok ay napag isipan kong labhan ang aking mga duming damit, strict pa naman si lola, lalo na pag dating sa akin. Habang nag lalaba ako ay tumawag si mommy sa akin kaya agad naman akong napatigil at sinagot ito

"Mom, napatawag ka?" Tanong ko kay mommy

"Anak, May good news ako sa iyo" masayang sabi ni mommy kaya napangiti na lamang ako sa kanyang ibabalita sa akin

"Ano po yun mom?" Masaya kong tanong sa kanya

"Uuwi na ako bukas anak, at saka marami akong sasabihin sa iyo." Nang masabi iyon ni mommy ay laking tuwa ko kaya napa talon-talon  ako sa subrang saya, sawakas ay makakasama ko na si mommy

"Talaga mommy? Totoo? Walang halong biro?" Sunod sunod kong tanong sa kanya kaya napatawa na lamang si mommy sa reaksyon ko

"Oo, walang halong biro. At saka lilipat na tayo nang bahay pag uwi ko dyan." Sagot naman ni mommy kaya nag talon-talon ulit ako

"YESSSSSSS" sigaw ko, kaya napalabas si lola sa bahay

"Ghale? Ano ka ba?" Sigaw ni lola kaya napalingon ako sa kanya

"Ah ...eh.....k-kausap ko...po si mommy, la." Utal kong sagot kay lola. Lumapit naman ito sa akin at hiniling na kong pwede ay makausap niya si mommy kaya agad ko naman ibinigay ang cellphone ko sa kanya

"Aba Teresa, kailan ka ba uuwi?" Tanong ni lola kay mommy

"Bukas na po ma, at saka kung pwede sunduin nyo ako ni Ghale?" Sabi naman  ni mommy

By the way, let me introduce myself, ako pala si Ghale Melendez di sa pag mamayabang ay may angkin rin akong kagwapuhan, matangos ang ilong, red lips, at saka maputi at makinis ang aking balat dahil sa pag-aalaga ko, ni isang piklat ay wala kang makikita, 5'8 ang height ko, at saka isa rin akong bisexual. Alam nyo na yun kong ano!

Okay back to the story na!

So ayon na nga, sinundo namin ni lola si mommy sa airport at saka umuwi kami deretso sa bahay, akala ko sa bahay kami ni lola uuwi, hindi pala kasi bago pa umuwi si mommy dito sa pinas ay bumili na siya nang house and lot kaya laking tuwa ko nalang na makakaalis na ako sa supladita kong lola at makasama ko na ulit ang aking mommy sa iisang bahay

Nang makarating na kami sa bahay ay agad naman kami pumasok sa loob, malaki din ang bahay na binili ni mommy, at may 2nd floor ito, kaya inikot ko ang buong bahay at pinag titinginan ang magagandang desinyo nito, grabi subrang ganda talaga ang pag gagawa nang bahay. Binuksan ko isa-isa ang pinto-an sa ground floor pero hindi ko mahanap kong saan ang aking kwarto

"Nasa taas ang kwarto mo son" biglang sambit ni mommy nang mapansin niya ako kaya agad naman akong pumunta sa taas, ang ganda nang paggawa nang hagdan, subrang kinis at nangingilo kapag nahawakan mo ang hawakan na kahoy

My Stepbrother My Lover!Where stories live. Discover now