Chapter 3

3.1K 83 7
                                    

**********

Tanghali na kami nang matapos na namin ni Xyril ang pag e-enroll ay agad naman naming napasyahang kumain muna dahil nga sa hindi ako nakapag agahan sa bahay at saka para na din maka gala kami kahit saglit lang bago ang pasukan

Pumara nang taxi si Xyriel at saka pumunta kami sa kanilang restaurant sa di kalayuan, habang tinatahak namin ang daan ay nag uusap kami ni Xyril tungkol sa kursong kinuha namin, and guess what mag kaklase kami, and I’m happy for that. Nang makarating na kami sa restaurant ay agad naman kami bumaba at mabagal na lumalakad

"Xy! Bilisan mo sa pag lakad, nagugutom na talaga ako” sabi ko sa kanya habang nasa labas kami nang isang mamahaling restaurant na pag mamay-ari nila

“Kalma muna bakla, tetext ko pa si daddy kong nasa loob ba siya” sagot naman nya sa akin kaya wala akong magawa kundi mag hintay sa kanya. Okay na yun kesa sa mag bayad pa kami sa ibang restaurant, nag titipid kasi ako for kuya Kim

“Lets go na bakla. Pasok lang daw tayo sa office niya.” Sabi naman nito sa akin kaya mabilis ko siyang hinawakan sa kamay at nag lakad nang mabilis papasok sa restaurant

“Excited bakla ha.” Patawang sabi niya sa akin. Nagugutom na ako eh kaya bawal na mag aksaya nang time total libre nanaman

“Gutom na talaga ako Xy! Wala pa akong almusal kanina.” Sagot ko naman sa kanya kaya napatawa naman siya sa akin

Nang makapasok na kami sa loob ay dumiretso agad kami sa opisina nang kanyang daddy at nag pa hatid naman si tito Leo nang aming makakain kaya mabubusog nanaman ako nito lalo pang hindi gusto ni tito na may matira na kahit isang butil na kanin sa plato at syempre hindi mawawala ang paborito namin ni Xyril na disert, yun ay leche plan and icecream

“Kamusta ang pag papaenroll ninyo Xyril?” tanong ni tito Leo kay Xyril habang kumakain kami

“It’s okay lang naman po dad, and I have a good news for you.” Sagot naman ni Xyril sa kanyang daddy

“What is that baby?” tanong naman ni tito. Alam ko na yung sasabihin niya sa kanyang daddy yun ay mag kaklase kami

“Classmate ko po si Ghale, and same course din kami.” Ngiting sagot ni Xyril sa kanyang daddy at saka tumingin sa akin

“That’s great! And Ghale please keep watching Xyril in school and tell me when she has a boyfriend already!” pangiting sabi nito sa akin kaya nakaramdam ako nang kunting hiya

Oh my! Hindi nato bago sa akin, as always naman na ako yung pinag babantay ni tito for her daughter kaya kahit hindi na niya sabihin sa akin alam ko na yun.

“Dad….. diba sabi mo hanggang hindi ako nakapag tapos ay walang boyfriend. Kaya no need mo na ako bantayan Ghale, I can handle my feelings.” Iritang sabi nito sa amin kaya napatawa naman si tito sa kanya

“Nako tito Leo, kahit hindi mo na sabihin sa akin yan ay gagawin ko talaga yon.” Patawang sabi ko kay tito kaya nakatikim naman ako nang hampas galing kay Xyril

“Isa ka pa Ghale.” Iritang sagot nito sa akin

Habang kumakain kami ay hindi mawawala ang asaran at tawanan, sumasabay naman sa amin si tito Leo at pinag maisahan namin si Xyril kaya ayon inis na inis sa amin pero mabait si Xyril hindi plastic katulad nang kanyang daddy na subrang bait din. Natapos kami sa aming pagkain ay nag pahinga muna kami dito sa loob nang opisina ni tito Leo, si Xyril ay humiga sa sofa habang nag babasa nang aklat at ako naman ay naka tayo lamang sa tabi nang bintana habang nag mamasid sa labas at nang biglang tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa kaya agad ko itong tinignan si mommy pala nag text

My Stepbrother My Lover!Where stories live. Discover now