1.1: Virginity for 20 Million

818 61 25
                                    

"Tay, inumin niyo na ho itong gamot niyo para makapagpahinga na po kayo," mapagpasensyang turan ni Alora sa kaniyang ama.

"S-Saan ka kumuha ng p-perang pinambili ng gamot, a-anak?" tanong ng ama ni Alora na nahihirapan na itong magsalita bunga ng katandaan at dahil sa dinaramdam nitong sakit.

"Sumahod na ho akosa trabaho, tay. Kaya naibili na kita ng gamot," tugon ni Alora. Dalawampu't dalawang taong gulang pa lang si Alora ay kung ano-anong trabaho na ang pinasok niya para lang kumita ng pera dahil sa murang edad niya ay  namulat na siya sa reyalidad ng buhay kung gaano sila kahirap. Dahil doon ay nagdesisyon muna si Alora na huminto sa pag-aaral para makatulong sa gastusin dito sa bahay at sa gamutan ng kanilang ama. Ang kaniyang nanay naman ay namamasukang kasambahay at hindi sapat ang kinikita nito para sa kanila.

"B-Bakit mo naman ginastos a-ang pera mo a-anak, para ipambili ng g-gamot? H-Hindi ba sabi ko naman sa 'yo ay i-ipunin mo 'yan p-para makabalik ka sa pag-aaral mo s-sa susunod na p-pasukan?" Kontra ng ama ni Alora na pahinto-hinto pa ito sa pagsasalita dahil panay ito sa pag-ubo.

"Tay naman, mas uunahin ko pa ba 'yon kaysa sa inyo? Kaya nga po ako nagtatrabaho para makatulong sa inyo ni nanay. Saka marami pa naman pong taon, promise po, babalik ako sa pag-aaral, hindi lang po sa ngayon," katwiran ni Alora na nasundan ng pangangako niya.

"S-Ssbi ko naman kasi s-sa inyo na h-huwag niyo na ako intindihin. P-Parte na talaga ito kapag tumatanda na, t-tanggapin na lang n-natin na m-malapit na ako kunin ng p-panginoon," punto pa ng ama ni Alora.

"p-Pwede ba 'yon, Tay? Siyempre hindi kami papayag ng inay, kahit gaano kahirap ang buhay, kailangan mong magpagaling kasi gusto ka pa namin makasama ng matagal," kontra ni Alora. "Sige na, Tay. Pahinga ka muna diyan, puntahan ko lang si inay sa bahay ng amo niya para matulungan ko na siya sa mga gawain niya para makauwi na kaagad," paalam ni Alora sa kaniyang ama pagkatapos ay nagmadali na siyang pumunta sa bahay ng pinagtatrabahuhan nang kaniyang nanay bilang kasambahay.

Kapag kasi hindi gano'n kapagod si Alora pagkagaling sa trabaho ay tinutulungan na niya ang nanay niya para matapos kaagad ito sa mga gawain para makauwi na.

Gano'n ang gawain ni Alora sa loob ng ilang mga araw. "Kumusta ang check-up ng itay, nay?" pagkauwi ni Alora galing sa trabaho ay iyon kaagad ang binungad niya sa kaniyang nanay kasabay ang pag-mano niya rito, at gano'n din ang ginawa niya sa kaniyang ama.

"A-Ayon na nga ang problema, anak, mas lalong lumubha ang lagay ng papa mo, kaya dinagdagan na naman ang gamot na iinumin niya," malungkot na tugon ng nanay ni Alora, bakas sa mukha nito kung gaano ito namomroblema.

Tumango naman si Alora kasabay ang peke niyang pagngiti. "Okay lang po 'yan, nay. Gagaling din ang itay," pagpapalakas ni Alora ng loob sa kaniyang nanay. Kahit pinanghihinaan ng loob ay hindi nawawalan ng pag-asa si Alora na isang araw ay gagaling din ang ama niya.

"Ano pa nga ba? Hindi naman natin pwedeng pabayaan ang tatay mo. Hangga't nabubuhay ako, magtatiyaga akong alagaan ang tatay mo para lang gumaling siya, kahit gaano pa man 'yan kahirap," tugon ng nanay ni Alora at bumalik na ito sa kaniyang pagluluto.

Samantalang si Alora naman ay pumasok na sa banyo para magbihis, wala kasi silang kuwarto dahil maliit lang ang bahay nila, at ang kanilang sala ang nagsisilbi na nilang tulugan.

Habang nagbibihis ay napahinto si Alora sa pagkilos matapos niyang marinig na may kausap ang kaniyang nanay.

"Ipaalam ko lang po sa inyo Aling Martha na tatlong buwan na ho kayong hindi nakabayad sa kuryente, baka po maputulan na kayo," rinig ni Alora na pakikipag-usap ng may-ari nitong bahay na inuupahan nila sa kaniyang nanay.

Voices of Imagination: An Audiobook CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon