Kabanata 1

23.5K 317 7
                                    

MADISON

Pagkatapos ng dalawang araw ay lumipad na ko ng Pilipinas via personal airplane. Kumulang tatlo hanggang apat na oras ang aking biyahe patungomg Manila. Mabuti na lang ay hindi masyado matao sa airport di katulad ng inaasahan ko. Ito na ang simula ng kalbaryo ko dito.

"Welcome Madison here in the Philippines. Dalagang-dalaga ka ngayon noong huli kitang nakita ay musmos ka pa lamang." Salubong sa akin ni tito Arnold kasama ang kanyang personal assistant. Wala ako sa mood ngayon kaya tanging beso lang ang naitugon ko sa kanya. 

"Tara na hija, naghihintay na ang sasakyan natin." Iginayagak niya ako sa isamg puting van na nakaparada sa labas ng terminal. Walang pinagbago sa kanya maliban sa wrinkles nito sa mukha.

Habang nasa biyahe kami ay nagkumustahan kami tungkol sa pamilya sa negosyo at siyempre nasama na din ang pang-uusisa nila sa aking love life. Hindi pa din siguro nila nababalitaan na hindi natuloy ang pagpapakasal ko sa isang negosyante na anak nang kaibigan ni dad.

"Wala pa po akong asawa.." sagot ko. Katahimikan lamang ang naririnig sa loob ng saakyan.  Hindi na din humirit si tito hanggang sa marating namin ang bahay nila sa Green Meadows dito sa Quezon City. Marami na din nagbago sa Pilipinas mula ng huling stay ko dito. Nag-iba din ang mga kalsada at ang mga daan. Pati na ang mga subdivision dito ay mas dumami kaysa noon.

"Welcome po senyorito... maligayang pagdating po Miss Madison." Sabay-sabay na bati ng mga katulong. Nilibot ko ang tingin sa buong kabahayan at masasabi kong maunlad at maganda na ang kanilang pamumuhay dito sa Pilipinas.

Hinayaan kong buhatin ng isa sa mga katiwala ang aking maleta patungo sa guest room. Isang buwan lang naman ang hiningi sa akin ng Papa kaya madali lang aking pamamalagi sa bahay na ito at ayokong magttagal dito. Pnagpahinga na rin nila ako pagkatapos ng dinner.

"Hija, wag ka nang magpagod ngayon.Magpanghinga ka na lang muna. Kung may kailangan ka magsabi ka lang sa mga katulong." sabi ni tito. Tumango-tango naman ako at pinunasan ang aking bibig gamit ang napkin.

Hello Manila life for now.

-----------------------------

Kinabukasan, pormal na akong pinakilala ni tito sa buong kompanya bilang bagong presidente nito. Marami ang bumati sa pagdating ko lalo na ang board of directors ng kompanya. Hindi ko man gustuhin iyon, alam kong hindi papayag ang tito na hindi ako mapakilala.

"Ladies and gentlemen, our company's new president.. Miss Madison Isle Kim." sabi ng emcee. Nagkaroon ng mini acquaintance party sa isang hotel.  Naroon ang higit na isang daan na empleyado ng SG. Andoon na ang mga business clients ng kompanya na dapat ay masiguro kong magtatagal ang investment nila sa amin.

"I graduated from Dongguk University with the degree of Bachelor of Business Management. I am aldo worked in SG Korea for two consecutive years. With my experience working abroad, I hope that you would help and cooperate with me. I know that this company would not prosper without our teamwork " Sabi ko sa aking speech. Nakita kong nagpalakpakan sila at isa-isa akong kinamayan ng mga bisita.

"I think we will have great partnership through the years. Cheers." sabi ko at inangat ang kopita.

"Cheers." sagot nila at napuno nang kasiyahan ang pagdiriwang.

Naging busy na din ako nang mga sumunod na araw ng aking trabaho. Kinausap ko din ang mga empleyado tungkol sa aking pamamalakad. Nagbigay ako ng mga bagong panukala para sa kanila. Binigay sa akin ni tito ang ilang profile ng mga kinikilalang negosyante dito sa Pilipinas na posibleng maging target ko bilang investor. Kailangan silang kilalanin sila para sa income ng SG..

Protect the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon