Kabanata 2

15.1K 216 7
                                    

Read on your own risk.

"Welcome po young master."

Iyon ang bumungad sa amin ng pumasok kami sa bahay na iyon. Malaki at malawak ito sa inaasahan ko. Engrande ang loob nito, bumungad kaagad ang malaking sala nito na may flat screen na tv. Nandoon ang dining table na ang haba nito at kasya ang benteng katao. Ang mga furniture nito at mga gamit ay halatang high class din.

"Ihanda niyo ang guest room sa tabi ng kwarto." Utos niya sa mga katulong. Itinaas ng mga ito ang bagahe---ko? Paanong---

"Teka, bakit na sayo ang luggage bag ko?" Mabilis kong tanong habang nakatingin pa din ako sa gamit ko na kasulukuyang inaakyat sa hagdanan. Lumingon ito at sandali tumingin sa akin.

"It was with you during the auction. Sabi ng organizer ay nandoon na iyon nang magsimula ang auction." Sagot nito.

What the? Hindi ko naman natatandaan na dinala ko iyon ah. Isa pa, bakit parang walang ibang tao sa bahay na ito? Wala ba siyang kasama dito maliban sa katulong?

"Matulog ka na ngayon dahil bukas ay sisimulan ko nang maningil sa binayad ko sa'yo." Lumingon pa ito kay Mr. Lee at sumenyas nang kung ano saka kami iniwan.

"Ma'am sumunod kayo sa akin."
Hinatid naman agad ako sa katabi kwarto. Nakita kong bluish green ang buong kwarto. Mas malaki ito kaysa kwarto ko sa Korea. Nilibot ko agad ang kwarto. Kumpleto rekados ang gamit dito.

Nagpalit na ako ng pantulog na nandoon sa ibabaw ng kama.

Ano ba ang ibig niyang sabihin doon sa maniningil niya bukas? Hindi ko maintindihan bakit nasa ganito akong sitwasyon.

Sana naman matauhan na ko sa nangyayari sa akin at bukas ay isang bagong araw na simula.

NAGISING ako sa gitna nang aking tulog. Hindi ko naman iyon nakakagawian. Nakaramdam ako nang pagkauhaw. Kaya minabuti kong bumababa at hanapin ang kanilang ref. Pero hindi ko na pala kailangan gawin iyon dahil may water dispenser na nandoon.

Dahan-dahan pa akong naglakad patungo sa cabinet at kumuha ng baso. Ano ba to para akong magnanakaw dito. Nakita kong may cctv camera sa di kalayuan kaya lalo akong nagpanic.

Naiisip ko pa lang iyong mukha ng CEO na tila kakain ng tao nanginginig na tuhod ko. Paano pa kaya kong gising ito at nakita niya ko dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Biglang bumukas yung ilaw sa kusina. Lumingon ako at nakita ko siyang nakasimangot. Nakasuot ito ng itim na sando àt isang shorts. Tila bagong gising din ito.

Shit! Bakit siya nandito? Kung inaatake ka ba naman ng malas. Kala ko pa naman tulog na siya.

"What are you doing here?" Tanong niya habang palapit sa kinatatayuan ko. Dumilim ang kanyang anyo at bumigat ang kanyang titig.

"Na-nauuhaw kasi ako. Ka-kaya bumababa ako para uminom." Sagot ko at nilapag yung baso sa counter. Kahit na mukhang maiihi ako sa takot ay nagawa ko pa din humakbang papunta sa hagdanan. Umiwas ako ng tingin niya at binaling ang tingin sa baso.

Hindi ko na din siya nilingon matapos noon at tumungo muli sa aking silid.

Phew! Muntikan na kong mawalan ng hininga sa kanya. How will I escape here? Kungng mismo itong taong ito di ko magawang matakasan.

"Good morning, miss Madison." Bungad ng isang katulong. Dahil hindi na din ako masyado nakatulog ay minabuti ko na lang na manatiling gising hanggang suminag na ang araw. Damn! Sa dami ng iniisip ko hindi na ko dinalaw ng antok.

"Pinabibigay po ni young master. Isoot niyo po daw ito." Pinatong niya sa kama ang isang paperbag at isang box.

Tinignan ko muna ang oras bago ko tinungo ang bathroom. Unang araw ata ng aking trabaho kaya kailangan mag-ayos. Tsk! Magtiis ako hanggang maari. Madi, magagawa mo din umalis dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Protect the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon