Chapter 6: The Second Thing I am Grateful for.

706 25 0
                                    

Alyssa's POV

I am so longing for her.

Two weeks sya naka out of town for a travel show. May mga days naman dati na hindi rin kami nakakapagkita. Meron pa nga as in walang communication sa sobrang busy tsaka minsan, hindi sya nagpophone sa mga taping nya, so sa madaling araw na sya nakakamessage. Pero iba pala yung feeling na alam mong wala sya sa tabi tabi lang. Kaya parang hinihintay ko lagi yung message nya. Di naman kami masyado nakakapagcall kasi minsan alanganin sa oras.

I trained harder this week para may mapagbalingan lang. And then I tried to join the brunch na niset up ng other housemates din. Nagseset talaga sila paminsan minsan pero di ako nakakasama dahil sa training.

"Ate Ly, miss mo na si Ate Sam?" Tanong ni Anji nung kumakain kami.

"Ha? Oo naman." Maikling sagot ko.

"Busy talaga si Sam, alam mo kung bakit?" Sabat naman ni Mama Brends.

"E wala na syang random na mga tanong sa group chat. Hahahaha!" Sabi pa nya.

"Hahaha! Oo nga. Namiss ko yung ano yung hot version ng iced coffee na tanong nya." Sabi naman ni Chie na natatawa.

"Grabe si Samber, big time na talaga, may pa-out of town" sabi ni John.

Tapos dahil wala si Sam, sya yung pinagusapan. Yung mga nakakatawa nyang sabaw moments. Lalo ko tuloy namiss.

...

After ilang days, may game kami. I'm still doing well but I kind of feel a little down and unfortunately, I got injured sa first set pa lang. Hindi naman malala, mild sprain lang, pero pinalabas na ako ni coach. Kahit matalo naman kami sa game na to, hindi naman madedehado sa standing ang team kaya nagpasya sila na ilabas na ko gang last set para mabilis daw makarecover sa next game.

Yung pagiging down ko, medyo nahawa ata yung team. Natalo kami. Humingi ako ng pasensya after pero hindi ko daw fault yun.

Pag-uwi ko ng condo, nagpahinga ako saglit sa sofa para nakataas yung paa ko. Nandun pa rin yung frustration dahil parang di ko ginawa yung best ko this game. Tiningnan ko yung phone ko. May message ako from Sam na agad ko naman binuksan.

Sam: Sizzy! I saw what happened. Are you okay? Nakauwi ka na ba?

Aly: Opo. Dito nako sa condo. Pahinga lang.

Sam requesting for video chat...

Nagulat naman ako kasi di pa kami nagtawagan. Hindi ko alam kung bakit, hindi rin kasi kami sanay or baka medyo tinatantya namin kung okay lang ba sa isa't isa na tawag ng tawag.

Inaccept ko ang call at napatitig ako sa kanya. Parang kakahilamos lang nya at walang make up. Namiss ko naman talaga mukha nya.

Sam: Sizzy, patingin. Masakit ba?

Aly: Medyo, mild sprain lang. Ok na din na nilabas ako ng game kahit mild lang. Mga two days lang to.

Sam: Ikaw, okay ka ba?

Aly: Okay na ko ngayon.

At ngumiti ako sa kanya.

Sam: missed me?

Aly: Hmm (habang tumatango)

Sam: Aw. I miss you too.

Tapos nagkwentuhan kami ng matagal tagal about sa mga nangyari ng past days. Yung about sa taping nya, tska kung sino mga kasama nya dun. About volleyball din and about sa kwentuhan namin mga housemates nung wala sya.

Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko nung nakausap at nakita ko sya. Pero biglang..

Sam: Sizzy. Uhm. Naextend kasi kami. Di ko pa sure kung buong week or ilang days lang. Pero ang sabi nila expect daw na one week pa.

What Are The Three Things You Are Grateful For? (SamLy)Where stories live. Discover now