Naglalakad na ako papunta sa principal's office dahil na rin na nga sa napahiya ko na anamn ang isang terror teacher na hindi rin naman gano'n katalino kung makapagbigay ng mga quizzes eh.
Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Tito Kenneth na siya ring principal ng university.
"Pasok."
Agad naman akong pumasok roon at naabutan kong nag uusap si tito at si ma'am Lorraine. Hayst ano na naman kayang sinasabi nito para siraan ako ni tito? At naniniwala na naman ba si tito sakaniya ? Napapagod na ako sa ganitong eksena amp.
"Good morning principal, good morning ma'am."
"Good morning iha, ano na naman itong naririnig ko galing kay ma'am Lorraine na binastos mo raw siya sa klase niyo at pinahiya mo pa raw siya? Totoo ba ito Ms. Montero?"
Pinahiya?Binastos? Ni wala akong matandaan na may ginawa akong gano'n sakaniya dahil sa pagkakaalala ko ay nagtanong lang naman ako sakaniya at hiningi ko pa nga ang permiso niya tungkol rito at pumayag siya eh. Gosh demonyita talaga ito, anong akala niya sa'kin hindi ko kayang depensahan sarili ko? At kung dati ay hinahayaan kong hindi sagutin si tito ay ngayon dedepensahan ko na ang sarili ko, lalo na at gusto kong pumasok sa klase ni ma'am Acoritay.
"Mawalang galang na ho, pero hindi ko po pinahiya or binastos si ma'am Lorraine. Matalino po ako pero may manners pa naman ako, hindi ko po alam kung saan nakukuha ni ma'am Lorraine ang walang basehang paratang na iyan, napakabigat po nito at pwede ko po siyang kasuhan ng libel lalo na kung malalaman ito nila Tita Thelma, principal."
Nakita ko naman na galit na galit akong tinignan ni ma'am Lorrane at bigla itong tumayo saka dinuro ako at gano'n nalang din ang gulat ng principal sa ginawa nito, sino ngayon ang pinapahiya ang sarili ha?
"ABA! NAPAKA INUTIL MO TALAGANG BATA KA, WALA KANG MODO AT GALANG! SINASABI MO BANG SINUNGALING AKO? TOTOO NAMANG BINASTOS AT PINAHIYA MO AKO, WALA KANG KARAPATANG KWESTIYUNIN ANG GURO MO! ANO? KAKASUHAN MO AKO NG LIBEL? NAPAKAYABANG MONG BATA KA AKALA MO KUNG SINO KA, TANDAAN MO KAPAG BINAGSAK KITA SA KLASE KO AY BABALIK KA SA SENIOR HIGH AT HINDING HINDI KO HAHAYAANG MAKATAPAK KA SA COLLEGE, TANDAAN MO 'YAN!"
Napangisi naman ako sa sinabi niya at sinulyapan si tito na gulat na gulat sa pangyayari at tumingin akong muli kay ma'am Lorraine na tila nahimasmasan sa sinabi nito at nahihiyang umupo muli ng nakayuko, ano ka ngayon ma'am? Labas lahat ng baho mo, sayo pa mismo nanggaling iyan ha.
"Lorraine, what is the meaning of this? Be professional! You're a teacher at saan ka nakakuha ng karapatan para sumigaw sa opisina ko at iduro ang pamangkin ko at binantaan mo pa itong ibabgsak sa walang dahilan! I can't believe this."
"Pero sir, hindi niyo po alam kung gaano ako binastos ng batang 'yan, nadala lang po ako ng galit."
"Mawalang galang na po pero kung ang sinasabi niyong pambabastos ay nung nikwestiyon kita sa klase ay hindi naman po tama dahil humingi naman po ako ng permiso sainyo bago ako nagtanong, at kung sinasabi niyong pinahiya ko kayo dahil hindi kayo nakasagot ay hindi naman po ito tama sapagkat hindi ko naman po siguro mali kung mismong lesson niyo na hindi niyo pa naididscuss ay itatanong niyo saakin habang kayo mismo ay hindi pa ito alam. Kung papayagan niyo ako principal ay pupunta na po ako sa second class ko, pasensya na po."
Tumango naman saakin ang principal at tinignan si ma'am Lorraine na ngayon namumutla na.
"Sige iha, ako na ang bahalang kumausap sa guro mo. Lorraine, grabeng pang aabuso na ang ginagawa mo sa mga estudyante dahil hindi mo pala na ididiscuss ang lesson ay nag ooral recitation ka na at mismong ikaw hind mo pa pala alam ito?"
Lumabas na ako pagkatapos kong marinig ang reply ng principal sa sinabi ko. Hindi naman sa wala akong galang o respeto, pero hindi naman kasi talaga tama ang ginagawang iyon ni ma'am Lorraine at kung wala pang magsasalita rito ay baka kung sino pa ang estudyante na mabiktima nito at mapahirapan dahil sa hindi makatarungan nitong pagtuturo.
I wonder paano iyon natanggap bilang guro rito sa unibersidad gayong napakasama nitong guro at hindi rin marunong magturo, ang gusto lang nitong gawin ay magpahiya ng mga estudyante.
Nang makapasok ako sa room namin ay nginitian ako ni ma'am at yumuko naman ako sakaniya bilang paggalang, she deserves all the respect. Dahil sobrang bait niya, sana ganito lahat ng guro.
"Andiyan ka na pala Sierra, doon ka muna umupo kay Mr. Benevolence dahil kayo ang magpapartner sa gagawing play."
Napakunot naman ang noo ko, who the heck is that Benevolence and what play?
"Uhm, who is Mr. Benevolence ma'am?"
---
VINCE:
ANG KAPAL talaga ng mukha ng babaeng 'to hindi niya talaga ako kilala? Nakita ko namang natatawa si Aldrian habang nakatitig pa rin sa crush niyang epal.
"Ayun oh yang lalaking nakaupo sa last row na may vacant sit na nakatabi." nakita kong tinuro ako ni ma'am at tumango naman ito saka nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ko.
Ampangit niya, well slight naman siyang medyo maganda pero anong tinitingin tingin niya sakin. Nakarating na kasi siya sa harap ko at nakatitig lang sakin, alam kong pogi ako pero need ba talagang titigan ako sa harapan ng buong klase at sa harap ng guro namin? SERIOUSLY?
"Ikaw si Benevolence?" tanong nito sakin at napakurap naman ako.
"The name is Vince."
"I don't care, I only ask for your surname."
"Oh so you'll put it on your name? Sure, Benevolence it is."
What did I just said? F*ck, napatingin naman ako sakaniya na nakakunot na ang noo. P*ta hindi ba marunong kiligin ang babaeng ito?
"In you weirdest dream, weirdo."
Pagkasabi nito ay agad itong umupo sa katabi kong upuan at kumuha ng mga notebook at sticky notes saka ballpen, okay? Napakadami niya namang arte sa pag aaral, hindi ba siya marunong makinig nalang at imemorize ang lessons? Tch weak.
"Okay class so if mapapansin niyo, may dalawa akong student na dinala rito kilala niyo ba sila? Sino ang makakapagsabi saakin?" Pag uumpisa ni ma'am at halos maghiyawan ang babae at nag unahan magtaas ng kamay na ikinangiti ko naman at ni Aldrian.
That's my girls.
"Okay okay so no need na pala ipakilala sila okay so let's proceed to the groupings nalang okay? Okay so Vince and Sierra, then Aldrian and Selyn, Rhea and Cyrel John-----"
Hindi ko na pinakinggan pa ang iba kase naboboring na ako. Okay so who is Sierra? Hmm, girl and boys pinartner? So tungkol pala saan ang play? Nakakainis kasi yung Sierra e, siguraduhin mong maganda ka ha.
"Okay class, so ang maglelead ng play niyo ay si Sierra Montero okay? Sierra please stand up, so alam naman siguro ng ABM Magnate na siya ang pinaka suitable for leading the play okay? That will be all for today, class dismissed."
She is Sierra? Ma'am Acoritay what is your problem?
BINABASA MO ANG
HIS ENDGAME
RomanceVINCE BENEVOLENCE - a playboy, a smart kid, and an ass. He is rich and famous not just because of his family background but also because of his look, he is very charming especially to girls even though he is a well know player, he NEVER falls inlove...